CHAPTER 21: Keiffer & Keith __ Three Million?! Parang umaalingawngaw pa sa tenga niya ang sinabi ni Keiffer. Bigla tuloy siyang nagduda kung totoo ba ang kaniyang narinig. Bakit ba kailangan pang makisali ang isang ito, talaga bang magbabayad ito ng tatlong milyon para sa painting o gusto lang nitong tumulong para mas mapataas pa ang presyo? "P'wede bang huwag ka nang makisali baka kasi mapasubo ka lang...?" Saad niyang hindi lumilingon dahil alam niyang nasa likod lang naman niya si Keiffer. "Bakit masama ba, na interesado rin ako sa painting mo? Huwag kang mag-aalala may pambili rin ako!" Sagot ni Keiffer. "Sigurado ka ba talaga, Daniel?" Ang pinsan niya na hindi nakatiis na hindi magkomento. "Yes, I'm sure ate Kat!" "Are you serious Brother?!" Muling tanong ng emcee. "Yes of

