CHAPTER 5

1713 Words
JENNA POV'S Makaraan ang isang oras ay lumabas na din ako ng staff room, pakiramdam ko naman ay maayos na ang kalagayan ko kaya babalik na ako sa kusina para magtrabaho. Ng makalapit na ako sa pintuan ng kusina ay narinig ko ang pag-uusap ng mga kasamahan ko. "Ang arte naman ni Jenna, kung pinagbigyan niya nalang sana yung costumer na makipagtable siya eh di sana walang gulo na nangyari, at sana andito na siya na naghuhugas ng plato", narinig kong reklamo ni Anding. "Ang dami mong satsat Anding maghugas ka nalang diyan", suway naman ng tagaluto namin. "Ang dami kaya ng hugasan tapos nandoon lang siya na nagpapahinga!" "Tumigil kana Anding kung ayaw mong makarating kay madam yang mga reklamo mo" "Eh di iparating mo!" Mukhang magpupuksaan na ang dalawa kaya pumasok na ako sa loob para matigil na sila. Nagulat sila sa pagpasok ko lalo na si Anding, tumingin ako sakanya at hindi inimikan. "Okay kana ba Jenna?", tanon sakin ng taga luto. "Okay na ako ate", sagot ko at saka ko kinuha ang apron at nagumpisa ng maghugas. "Ohhh okay naman na pala, sobra kayong nagaalala sakanya", dugtong ni Anding. Hindi na ako nakapagtimpi at hinarap ko siya. "Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko kanina makikipagtable ka sa lalaking lasing at bastos?", tanong ko. "Oo namam wala namang mawawala sakin, at may tip pa ako pagkatapos, wala pang gulo na nangyari" "Ahhhhhh ganyan pala ang ugali mo, well ibahin mo ako dahil may respeto ako sa sarili ko, ikaw siguro wala" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko, nandilim ang paningin ko at nawalan din ako ng balansi sa katawan. Mabuti at may humawak sakin, kumurap kurap ako para muling manumbalik ang liwanag sa mga mata ko. Sigawan ang narinig ko at ng tignan ko si Anding ay pinagkukumpulan siya ng mga kasama ko sa kusina. "Sobra kana Anding, makakarating ito kay madam!", siga ng isa. Tamang-tama na dumating si ninang at galit na galit ang mukha, saka lang sila tumigil ng sumigaw na din siya. "Ano bang nangyayari sayo Anding?", galit na tanong ni ninang. Hindi umiimik si Anding at nakayuko lang, tumutulo na din ang luha ko dahil sa ginawa niya. Gusto kong gumanti pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Akala ko ay nakaligtas na ako sa kamay ni tiyo Gaston pero may ibang tao pa palang mananakit sakin. "Ito na ang huling pagtratrabaho mo dito sakin Anding, ito ang sahod mo at pwede ka ng umuwi", wika ni ninang. Padabog na kinuha ni Anding ang mga gamit niya pero bago siya lumabas ay dinaanan muna niya ako at binantaan. "May araw ka din", wika niya saka na lumabas ng kusina. "Ayos ka lang ba Jenna?" tanong ni ninang. "Opo ninang" "Sige balik na kayo sa trabaho at sana walang gagaya kay Anding", wika ni ninang sa aming lahat. Nagpatuloy ang trabaho namin kahit ganun ang nangyari sa gabing ito, natapos ang trabaho na parang walang hindi magandang nangyari. Simula na noon ay naging maayos na ang trabaho ko sa club ni ninang. Minsan ay tumutulong akong magserve kapag kulang sa tao at kung madami ang costumer. SA PAGLIPAS NG ARAW at buwan ay naging maayos na ang buhay namin ni Oli sa piling ng aking ninang. Hindi niya kami pinabayaan at unti-unti na ding nababago ang buhay namin. Nakalikutan na namin ang buhay namin sa piling ng aming tiyo Gaston. Ngunit ang akala kong masaya at maayos na naming buhay na magkapatid ay mapapalitan pa din pala ng pighati at lalong mahirap na sitwasyon. Isang araw habang nasa club ako ay may lalaking sumugod sa club at hinahanap ako. "Jenna.... nasaan ka Jenna....!", wika ng lalaki. Kinilabutan ako ng makilala ko kung kaninong boses iyon. "T...tiyo G...Gaston?" Oo nga, si tiyo Gaston iyon ,galit ang mukha at parang kakainin ako ng buhay sa oras na makita niya ako. "Huwag niyong sasabihin na andito ako, kunwari hindi niyo ako kilala", taranta kong sabi sa mga kasama ko. "Sige sige magtago kana... " Agad akong nagtago sa staff room kung saan sigurado akong hindi pwedeng makapasok si tiyo Gaston. "Nasaan si Jenna!" Dinig kong tanong ni tiyo Gaston, galit ito at sumisigaw na. "Sino pong Jenna?", tanong ng isa kong kasama. "Kunwari pa kayo sinabi sakin ni Anding na andito ang pamangkin ko?" Nagulat ako sa sinabi ni tiyo, paanong nakilala ni tiyo si Anding? Anong ginawa ni Anding bakit nalamam ni tiyo na andito ako? "Si Oli!" , bigla kong nasabi. Hindi din pwedeng malaman ni tiyo kung nasaan ang kapatid ko, baka kung anong gawin nito kay Oli. Patuloy ang pagiingay ni tiyo sa kusina, wala pa naman ang ninang ngayon dahil kailangan niyang asikasuhin ang isa sa anak niyang may sakit. Kung andito lang sana si ninang ay napaalis na agad si tiyo Gaston. Naging tapat din naman ang mga kasama ko, kahit anong galit ni tiyo ay hindi nila sinabi ang totoo. "Ito ang sabihin niyo sa Jenna na yan, hindi ko siya titigilan na hanapin!... Iparating niyo yan!" At iyon na ang huling tinig na narinig ko mula kay tiyo, sigurado akong umalis na siya. "Jenna lumabas kana diyan, umalis na siya", wika ng isang kasamahan ko. Lumabas ako na nanginginig ang aking tuhod, agad akong uminom ng tubig para gumaan ang pakiramdam ko. Sobra kasi ang takot ko kanina dahil alam ko kung paano magalit si tiyo. Nung malapit na kaming magsara ay tumawag sakin si ninang, noong una ay hindi ko nasagot dahil abala ako sa paghuhugas ng mga plato at baso. Hindi ko naman masasagot agad dahil basa ang kamay ko. "Jenna tumawag si madam, kailangan mo na daw umuwi dahil nasa bahay nila ang tiyo mo!", sambit sakin ng bouncer naming si Kuya Jim. "Po...!?" Halos hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa nalaman ko, paanong nalaman ni tiyo ang bahay ni ninang? Dahil na naman ba kay Anding? Agad kong tinawagan ang driver ng tricycle ni ninang, nasa daan na daw ito papunta sa club. Hinintay ko ng ilang minuto at dumating na nga. Agad akong sumakay at habang nasa daan kami ay nagdadasal ako na sana walang masamang nangyari sa kapatid ko dahil alam kong si Oli at ako ang pakay ni tiyo. "Diyos ko... Patnubayan mo kami ng kapatid ko, ayaw ko na pong bumalik sa poder ni tiyo...", halos maiyak na ako sa pagdadasal. Ng makarating kami sa bahay ni ninang ay bukas na ang ilaw, kumaripas ako ng takbo papasok sa bahay. Halos magunaw ang mundo ko ng makita ko si tiyo na hawak ang kamay ni Oli na umiiyak. "Ateeeee...", hagulgol ni Oli. Bakas sa mukha niya ang takot at pagmamakaawa ma tulungan ko siya. "Bitawan mo ang kapatid ko!..", sigaw ko at sinugod ko si tiyo. Pero malakas na sampal ang sumalubong sakin dahilan kaya ako natumba dahil na hilo ako. "Jenna!", sigaw ni ninang at inalalayan niya ako. "Ano bang kailangan mo sa mga bata!?", galit ng tanong ni ninang. "Simple lang naman, bayaran nila ako ng kalahating milyon kabayaran ng pagpapalaki at pagpapakain ko sakanila", nakangising sagot ni tiyo. Kalahating milyon? Saan ako kukuha ng ganyan kalaking halaga para lang lubayan na kami ni tiyo? Kahit pa siguro abutin ako ng ilang taon ay hindi ko iyan maiipon. "Saan naman kukuha ang mga bata ng ganyang kalaking halaga, na maski nga ako na may negosyo wala akong ganyang pera!", saad ni ninang. "Pwes sasama sakin ang batang ito at magtratrabaho si Jenna, kapag hindi niya naibigay sakin ang pera sa loob ng anim na buwan hindi na niya makikita ang kapatid niya!" "Tiyo! Huwag mong sasaktan ang kapatid ko... Nakikiusap ako tiyo pabayaan mo na kami...", umiiyak kong sabi kay tiyo, lumuhod na din ako para maawa siya sakin. Pero ang puso nito ay walang kasing sama dahil mismong mga pamangkin niya ay pinapahirapan nito. "Ginalit mo ako Jenna, ngayon at natagpuan ko na kayo kailangan niyong magbayad. Magtratrabaho sakin si Oli at ikaw iipunin mo ang kalahating milyon para makuha mo ang kapatid mo, at kapag nagsumbong kayo sa pulisya, papatayin ko ang kapatid mo!" "Diyos ko!", bulalas ni ninang. "Napakasama mong tao... Napakasama mo!", sigaw ko. Tumayo si tiyo at binuhat si Oli. "Ateee.... Tulungan mo ako ateeee..", sigaw ng aking kapatid habang inaabot ang kamay niya sakin. "Oliiii....", sigaw ko at hinabol ko sila, pinipilit kong kunin ang kapatid ko para sana makatakas siya sa bisig ng aming tiyo pero sadyang malakas si tiyo. Itinulak pa ako ni tiyo kaya natumba na naman ako, isinakay niya si Oli sa tricycle at saka din ito sumakay. Kitang kita ko kung paano niya hawakan si Oli para lang hindi makalabas. Kitang kita ko din ang mukha ng aking kapatid na nagsusumamo habang sinisigaw ang pangalan ko at humihingi ng tulong. Pinilit kong tumayo ngunit sa pagtayo ko ay parang umiikot ang paligid ko. Naririnig ko din ang sigaw ni ninang na ibalik ang kapatid ko, maging siya ay umiiyak na din dahil sa awa sa sinapit naming magkapatid. Nanghihina na ako, pilit kong hinahakbang ang mga paa ko pero sa unang hakbang palang ay bumagsak na ako at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ng magising ako ay nasa clinic ako, nakahiga sa kama at may nakakabit na dextrose sa kamay ko. Kumurap kurap pa ako baka kasi nananaginip lang ako pero totoo na nasa clinic nga ako. Iginala ko ang aking paningin at nakita ko si ninang na nasa upuan, nakayuko ito at mukhang nakatulog. "Ninang?", mahina kong sambit sa pangalan niya. Agad siyang bumalikwas at lumapit sakin, hinawakan niya ang kamay ko ng may pag-aalala sa mga mata niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo anak?" "Nanghihina pa ako ninang" "Magpahinga ka muna, kailangan mong maging malakas" "Ang kapatid ko ninang" Hindi ko napigilang umiyak ng maalala ko si Oli at kung paano ito magmakaawa sakin na tulungan ko siya. "Hayaan mo tutulungan kita na maipon ang pera na hinihingi ng tiyo mo, makukuha din natin di Oli" "Salamat ninang.." Yinakap ako ni ninang, nakaramdam ako ng pag-asa habang nakakulong ako sa yakap niya. Si ninang nalang ang pagasa ko, siya nalang ang may tunay na malasakit sakin. Kaya gagawin ko ang lahat para maipon ang pero sa lalong madaling panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD