CHAPTER 6

1578 Words
JENNA POV'S Sa araw ding iyon ay ilinabas ako ni ninang at siya na din ang nagbayad sa mga bayarin. Umuwi kami sa bahay na parehong malungkot at walang imik. Hindi muna niya ako pinagtrabaho dahil hindi ako pwedeng mapagod, nalaman namin na may panic attack ako dahilan ng pagkahilo ko at kinapos ako sa paghinga. Nakuha ko daw ito sa mga trauma na pinagdaanan ko, at tama nga ang doktor dahil malaking trauma ang naranasan ko sa piling ni tiyo Gaston. At lumala na naman ngayon dahil kinuha niya ang kapatid ko. Sinabi din ng doctor na hindi ako pwedeng magtrabaho ng mabibigat at iwasan ang mastress dahil baka kung ano pa ang mangyari ay ikamatay ko pa. May renisita din siya na gamot na kailangan kong inumin kapag umatake ang panic attack ko. "Ninang kailangan kong magtrabaho", isang araw ay pakiusap ko kay ninang. Inalis na niya kasi ako sa club niya dahil ayaw niyang mapagod ako, pero saan naman ako makakaipon ng pera kung sa bahay lang ako. "Pero Jenna, natatakot ako baka kung ano ang mangyari sayo" "Ninang hindi ko hahayaang dito lang sa bahay at walang trabaho, kailangan ko po ng maraming pera, kailangan ko ng trabaho na malaki ang sahod, ninang tulungan mo po ako pakiusap... " Hindi ko na mapigilan ang mga luha na umagos mula sa mga mata ko, habang sinasabi ko kasi ang mga iyon kay ninang ay naiisip ko ang kapatid ko. Hindi pwedeng magdusa si Oli sa piling ng aming tiyo, kailangan makagawa ako ng paraan para mabawi ko siya agad. At kapag nakaipon na ako ng pera, isasampal ko ito sa mukha ng halimaw kong tiyo, at sisiguraduhin kong hindi na niya kami makikita pa. Dahil sa mga taong walang puso kaya ako naghihinagpis ngayon, naalala ko si Anding. "Ninang hindi kaya si Anding ang nagsabi kay tiyo kung nasaan kami ni Oli?", nagtataka kong tanong. "Malaking oo yan Jenna, dahil kanina pinahanap ko siya, at kinausap ko. Sinabi niya anh totoo na siya ang tumawag sa tiyo mo" "Paano po niya nakilala si tiyo?" "Hindi naman mahirap dahil may social media, dahil sa galit niya sayo kaya magagawa niya ang lahat para makabawi, pero huwag kang magalala dahil pina blotter ko na siya" "Maraming salamat ninang" "Ohhhh siya magpalakas ka, susubukan kong tawagan yung kumare ko sa Manila baka may bakante siya sa club niya. Mas malaki ang sahod mo doon at kakausapin ko na din siya na ingatan ka dahil baka kung anong mangyari sayo lalo na yang ganyang katawan at itsura ang gustong gusto ng mga kalalakihan doon", wika ni ninang. "S.... sige po ninang, salamat", kahit kinakabahan ako ay pumayag nalang ako. Manila? Naririnig ko palang ang pangalan ng lugar na iyan ay kinakabahan na ako, may mga kwento kasi akong naririnig mula sa mga tao sa amin na maraming masasamang loo diyan, mga snatcher, mambubudol, kriminal, sindikato, mga nangunguha ng babae para ibenta sa mga foreigner at marami pang iba. May mga naririnig pa akong mga babae na umuuwi sa probinsya namin dahil nabuntis at iniwan ng lalaki, o di kaya ibinibenta ang katawan para lang magkapera. Simula noon ay hindi ko pinangarap na pumunta sa lugar na ito, ngunit ngayon mukhang dito ang kapalaran ko para makaipon ng maraming pera. Makalipas ng ilang sandali ay bumalik si ninang, nakangiti siya habang hawak ang kanyang cellphone. "Jenna, nakausap ko na si Mareng Milana may bakante daw siya sa kusina niya, sa sabado daw luluwas kana" "Ganun ba ninang, sige po ihahanda ko ang mga gamit ko" Iniwan na ako ni ninang, kinuha ko na din ang mga ilang damit ko at ilinagay sa bag para hindi ko na gagawin bago ako umalis. Dumating na nga ang araw ng sabado, mabigat ang dibdib ko na umalis dahil hindi ko kasama ang Kapatid ko. Lalo na hindi manlang ako makakapag paalam, kung pupunta naman ako sa bahay nila tiyo Gaston ay baka hindi na niya ako paalisin. Halos isang araw ang byahe ko mula Cagayan valley hanggang Manila, pagod at puyat ang naranasan ko. Hindi naman ako nagutom dahil binigyan ako ni ninang ng pera para pambili ng pagkain ko, sobra sobra pa nga. Pagdating ko sa terminal ng Aveneda ay kinakabahan na ako dahil wala na talagang atrasan to, lalo pang nagpakaba sakin ay wala akong kakilala sa lugar na ito. "Jennavine?" Narinig kong tawag ng isang babae sakin, ng lingunin ko ito ay may babaeng nakangiti na papalapit sakin. "Ikaw ba si Jennavine?", tanong nito. "O... Oo" "Hay buti nahanap agad kita, ako si Mayang assistant ni ma'am Milana, kumare ng ninang mo", wika nito at saka ilinahad ang kamay para makipagkilala. Inabot ko din ang kamay ko at nakipagkamay, gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa wakas ay may tao ng susundo sakin. "May mga iba ka pa bang dala?", tanong niya. "Oo, kukunin ko lang" At saka na ako pumunta sa compartment ng bus kung saan naroon din ang konduktor na nagbababa ng mga kargada ng mga pasahero. Hinintay kong ibaba ang mga dala kong mga gulay at prutas na pinadala ni ninang para sa kumare niya. "Ang dami nito ah, teka kukuha lang ako ng taxi", wika ni Mayang at saka na ako iniwan sa waiting area. Iginala ko ang paningin ko sa paligid, ang daming tao, mausok at maiingay na mga sasakyan, idagdag pa ang naglalakihang mga gusali na nakita ko kanina. Napapaisip nalang ako ito pala ang itsura ng Maynila. Ilang sandali pa ay dumating ulit si Mayang kasama na niya ang driver at tinulungan na din kaming bitbitin ang mga dala ko. "Kumusta naman ang byahe mo?", tanong ni Mayang. "Okay lang naman, nakakapagod nga lang", sagot ko. "Hindi bale magpapahinga ka muna ng isang araw bago ka mag umpisa sa trabaho" "Ano pala ang trabaho mo kay ma'am Milana Mayang?" "Assistant niya ako sa club niya, malaki ang club niya at kailangan niya ng makakasama" Tinignan ko siya at pinagaralan ang pananalita at kilos niya. Hindi naman siya mayabang at mukhang mabait naman, sana makasundo ko siya. "Ohhh bakit?", natatawa niyang tanong. "Ahhh wala Mayang, iniisip ko lang kung ano ang magiging trabaho ko sa club", kabado kong tanong. "Dancer ka doon" "Hah?" Nagulat ako sa tanong niya, ang sabi ni ninang sa kusina ako magtratrabaho bakit ngayon biglang naging dancer? Gusto ko ng umuwi dahil sa narinig ko, alam ko kasi ang trabaho ng dancer sa club dahil nakikita ko iyon sa club ni ninang. Sumasayaw sila sa harap ng kalalakihan na naka bra at panty lang at kung natipuhan sila ng mga costumer ay binabayaran nila ang mga dancer para ikama. Nangungupahan na sila taas ng club dahil may mga kwarto doon na pag aari din ni ninang. Doon nila kinak*ntot ang mga natitipuhan nilang babae na dancer, kahiy sino sino na ang lalaki na nakakasiping nila sa isang gabi. Sabi nila mataas daw ang bayad kapag nakipagtalik sa costumer, bukod sa kita nila ay may tip pa sila depende sa ibibigay ng costumer. Nanlamig ang kamay ko dahil sa kaba, wala pa naman akong cellphone para tawagan sana si ninang na kung pwede ay kunin na niya ako dito. Ayukong maging parausan lang, ayukong makaipon ng pera sa maruming paraan. Ayukong ibenta ang katawan ko para lang sa pera, gusto ko ay marangal na trabaho na hindi nadudungisan ang p********e ko. "Hoy okay ka lang?", tanong sakin ni Mayang. "Hah? Ah.... Eh...Mayang dancer ba talaga ang trabaho ko sa club?" "Bakit mo natanong?" "A....Ayuko Mayang" "Ayaw mo ng trabaho?" "Ayaw kong maging dancer, pwede bang ibang trabaho nalang..." Tumawa ng malakas si Mayang, napakunot noo naman ako at ang driver ay tahimik lang na nakikinig samin. "Ang dali mo namang utuhin Jenna hahahahaha" "Hah?" "Binibiro lang naman kita ano ka ba, kabilinbilinan ng ninang mo na sa kusina ka lang. At saka ibang club ang iniisip mo, yung club ni ma'am Milana night club yun hindi yung may mga sumasayaw sa intablado na naka bra at panty lang. May pagkakahawig lang naman kasi maingay, may mga nagiinuman, meron ding nagkakantutan doon ng palihim", paliwanag ni Mayang. "Ano?!" "Oo mga hindi na mapigilang ang sarili dahil sa libog, maraming ganun. May mga gusto lang naman uminom, may mga gustong mag happy happy, sumasayaw ganun" "Ahhhh" Tumatango lang ako kahit hindi pa ako nakakakita ng ganung lugar, sabi nga niya ay iba sa club ng ninang ko kaya na curious lang ako. "Makikita mo din kapag naumpisa kana doon, kaso nga lang sa kusina ka nakatoka pero hayaan mo pag walang masyadong ginagawa sa kusina ipapakita ko sayo", nakangiti niyang sabi. "Matagal kana bang nagtratrabaho kay ma'am Milana?", tanong ko. "Oo, since 10 yrs old ako" "Ha? Ang bata mo pa nun" "Basta saka ko nalang ikwekwento sayo.....", naaninag ko sa mga mata niy na may lungkot na bumabalot dito. "Andito na tayo", saad niya. Nauna na siyang bumaba at sumunod naman ako, ibinaba na namin ang mga dala ko at saka na din siya nagbayad. "Tara...", saad niya. Pumasok kami sa isang makitid na iskinita na pang tao lang ang kakasya sa daan. Huminto siya sa tapat ng pinto sa isang apartment at saka kinuha ang susi sa kanyang bag at binuksan ang pinto. "Pasok ka..." wika niya. Makitid lang loob, maliit ang espasyo sa sala at sa kusina. Pang dalawang tao lang ang kasya, may dalawang kwarto din at yung nasa malapit sa kusina ang ibinigay ni Mayang na kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD