CHAPTER 7

1402 Words
JENNA POV'S Isang araw din ang pahinga ko kaya naman nakapag relax pa ako bago magumpisang magtrabaho. Ayon kay Mayang ay alas otso ang bukas ng club pero dapat alas sais palang ay nag gagayak na kami para pumasok dahil sa traffic. Kaya naman tanghali palang ay nakaligo na ako at hihintayin ko nalang si Mayang na magising dahil alas singko na ng umaga siya dumating. Nakapagluto na din ako ng pagkain namin, ito lang naman ang maitutulong ko sakanya sa pagpapatuloy niya sakin sa apartment niya. Alas tres na ng magising si Mayang sabay na kaming kumaen at napansin ko ang kalungkutan sa kanyang mukha. Gusto kong tanungin kong anong problema niya pero pinigilan ko nalang ang sarili ko baka kasi maoffend. Antayin ko nalang na magkwento siya sakin. Naligo na siya at nagbihis na din ako, sabay na kaming lumabas ng bahay at sa daanan ay may mga tao ng nakatambay. Ang tingin nila ay sa amin at lalo na sakin, yumuko nalang ako at deretso ang lakad. "Mayang ipakilala mo naman ako sa kasama mo", dinig kong sabi ng isang lalaki kay Mayang. Ng lingunin ko ang lalaki ay napako ang tingin ko sa itsura nito, gwapo, chinito, maputi, army cut ang gupit, maskulado ngunit may tattoo sa kanang braso. Sa tantiya ko ay mas matanda siya ng ilang taon sakin. Kinindatan niya ako ng magtama ang paningin namin, agad naman akong umiwas at sinundan nalang si Mayang. Nakadalawang sakay kami ng jeep papunta sa club at naglakad nalang kami papasok. Nakita ko ang naka karatolang ENJOY A SPECIAL NIGHT AT MILANA CLUB. Sa isip ko ay ito na iyon, maganda ang labas nito at kapansin pansin talaga ang ilaw na nagbibigay liwanag sa gusali. Umikot kami at dumaan sa likod ng club at nadatnan na namin doon ang ibang staff at ang iba ay naka make up at sigurado akong mga waitress ang mga ito. "Oiiii Mayang may kasama kang bago, waitress din ba siya?", tanong ng isang babae. "Hindi... sa kusina siya", sagot ni Mayang. "Bakit hindi nalang siya mag waitress sayang ang ganda niya kung sa kusina yan.... Ganyan ang mga gustong gusto ng mga kalalakihan lalo na sa mga VIP room", dinig kong wika ng isa. "Tumigil ka nga Viola.. Asikasuhin mo yang sarili mo hindi yung lagi kang nagcocoment sa iba", sagot ni Mayang. Nakikinig lang ako sa kanila, mabuti ant andiyan si Mayang na nagtatanggol sakin. Ng mabuksan niya ang pintuan ay nauna na siyang pumasok, sinundan ko na din siya at deretso siya sa staff room kung saan nandoon din ang locker. "Ito ang susi mo, ito ang locker mo", saad ni Mayang sabay abot sa susi at turo sa locker ko. "Ito din ang uniform mo... Pwede ka ng magpalit... Doon ang CR", sabay turo niya sa CR. "Salamat Mayang" Habang nagbibihis ako ay narinig ko ang usapan ng mga kasama ko sa locker room. "Kapag nakita siya ni Madam Milana sigurado gagawin din siyang waitress, baka nga siya ang ipupunta sa mga VIP costumers", saad ng isa. "Hindi ako papayag, ako lang dapat ang magiging waitress ng mga VIP costumers at kapag sisingit yang babaeng yan mananagot siya sakin", dinig kong sagot ni Viola. Hindi ko naman talaga balak maging waitress lalo na hindi ako pamilyar sa mga ugali ng mga costumer sa night club na ito. Mas okay na sakin ying taga hugas ng mga Plato, mga baso at taga hiwa ng mga sangkap kesa maging waitress. Lumabas na ako ng banyo at nagulat sila dahil hindi nila alam na nandoon ako sa loob. Nakayuko lang ako at deretso sa locker ko saka ko linagay ang mga damit at bag ko. Hindi ko na sila kinausap tungkol sa narinig ko dahil ayukong may kaaway lalo na bago palang ako dito. "Narinig tayo" Dinig ko na bulong ng isang babae. "Paki alam ko", malakas na sagot ni Viola. Deretso na akong lumabas at bumuntong hininga nalang ako, naghihintay sakin si Mayang at ayaw kong matagalan. "Dumating na si Madam Milana, deretso muna tayo sakanya bago ka mag-umpisa sa trabaho mo", wika ni Mayang. Sinundan ko siya at sa ikalawang palapag kami pumunta, pumasok sa isang silid na opisina ni Madam. Nakaupo ang isang babae na sa tantiya ko ay kasing edad lang ni ninang. Maganda at sexy parin ang pananamit, parang hindi kumukupas ang ganda. "Magandang gabi madam", bati ni Mayang. "Magandang gabi din" "Madam ito na po si Jenna" "Magandang gabi po madam", bati ko. "Magandang gabi din.... Hmmmm... Mukhang may ibubuga kang ganda at sexy Jenna", panuri sakin ni madam. Yumuko ako at nahihiyang ngumiti, natatakot din ako baka magkatotoo ang sinabi ng mga waitress kanina na narinig ko. Baka gawin akong waitress ni madam, anong gagawin ko. "Bagay mong maging waitress ko", wika ni madam. "Po?!" Ito na nga ba ang sinasabi ko, paano ba ako makakatanggi gayong kailangan ko ng pera. "Kapag wala ang isa sa mga waitress ko pwede kitang ipalit" "P... Perooo" "Joke lang ano ka ba hindi ka naman mabiro, nagusap na kami ni kumare na hindi kita gagawing waitress dahil sa kusina ka lang. Baka kasi may mangyari sayong masama lalo na iba ang ugali ng mga tao dito sa Manila, mayayari pa ako sa kumare ko", wika ni madam habang tumatawa. Nakitawa na din si Mayang ngunit ako ay hindi nawala ang kaba sa dibdib ko kahit sinabi ni madam na joke niya lang iyon. Ngumiti nalang ako at napakamot ng ulo. "Ohhhh sige magumpisa kana sa trabaho sasamahan ka ni Mayang" Umalis na kami ni Mayang at pumunta na kami sa kusina. Bumungad sakin ang malawak na kusina, andoon na ang lababo na kasya ang sampong katao para maghugas, at ang lutuan na merong tatlong cooker, at iba pa ang apat na assistant nila. Napa nganga talaga ako sa lawak nito, sa club kasi ni ninang ay normal lang na kusina ang makikita at siksikan pa kami. Pero dito ay pwede pang magtambling sa lawak. Iniwan na ako ni Mayang dahil aasikasuhin na daw niya ang pagkakahera, mababait naman ang mga kasamahan ko dito at nakasundo ko sila agad. Hindi katulad ng mga waitress na ang tataas ang tingin nila sa kanilang sarili. Isa na nga sa nakasundo ko si Nico, unang araw ko palang pero parang matagal na kaming magkakilala. Kuwela, joker at lahat kami ay gustong gusto siyang makasama. Idagdag pa ang karisma nitong makalaglag panty, gwapo, maputi, matangkad at makisig idagdag pa ang dimple nito sa magkabilang pisngi. Kung ihahalintulad ko siya sa isang artista ay mala Aga Mulach ang dating. Masarap pa siyang magluto dahil linulutuan niya kami ng pang hapunan namin. Pagkatapos namin kumaen ay tuloy tuloy na ang trabaho lalo na sa mga hugasin dahil parami na ng parami ang mga nagagamit na mga baso. At pagsapit na nga ng alas singko ay natapos na namin ang trabaho. Nakakapagod pero kaya pa naman dahil kailangan ko talagang mag ipon. Pumunta na ako sa locker room kasama ng mga katrabaho ko sa kusina. Magkahiwalay ang locker room ng mga babae at lalaking staff ng club. Paglabas namin ay nakaabang si Nico sa labas kasama ng mga kaibigan niyang mga lalaki. Kami naman ni Mayang ay magkasabay kaya linampasan nalang namin sila. "Mayang, Jenna sabay na kayo samin", saad ni Nico. "Iba naman ang daanan namin", saad ni Mayang. "Anong iba pareho kaya..." "Hah?", nagtatakang tanong ni Mayang. "Magkapitbahay tayo sa apartment, nasa ikalima ako" "Hindi naman kita napapansin..." "Paano para ka kasing aswang na hindi lumalabas ng lungga mo..." "Tumigil ka nga Nico.." Napaismid ako sa sinabi ni Nico at napansin iyon ni Mayang. Pinanlakihan niya ako ng mata pero hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na tumawa.. "Ohhh natawa si Jenna sa joke ko bakit ikaw hindi? Ang tigas mo naman Mayang kailangan mong palambutin sa pressure cooker", wika ni Nico. Napalakas na ang tawa ko dahil at hinampas ko pa ang braso ni Mayang. Wala manlang emosyon itong kasama ko sa jokes ni Nico, totoo ngang matigas at kailangang palambutin. "Iwan ko sa inyong dalawa, magsama na nga kayo", at binilisan ni Mayang ang paglalakad. "Hoi Mayang a hintayyyy!", habol ko sakanya. Hindi naman napikon si Mayang, sadyang ayaw lang niyang tumawa kahit halata naman sa kanya na natatawa siya. Iwan ko ba sa babaeng ito kanina si Madam ang nagjoke grabeng tawa niya pero noong si Nico na hindi talaga tumawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD