CHAPTER 8

1053 Words
JENNA POV'S Isang buwan na ang nakalipas simula noong magumpisang akong magtrabaho sa night club. At sobrang saya ko ng matanggap ko ang aking unang sahod. Hinati hati ko ito, para sa ambag ko sa pagkain namin ni Mayang, at pang personal kong gamit at ang iba ay itinabi ko na. Ang bahay, kuryente at tubig ay si Madam Milana ang nagbabayad kaya hindi na namin iyon problema. Naging masaya ako sa trabaho ko lalo na at nakasundo ko na lahat ang mga katrabaho ko. Iniwasan namin ni Mayang ang mag han out dahil gastos lang, katulad ko ay siya din ang inaasahan ng pamilya niya sa probinsya nila. Kaya kailangan din niyang magtipid at mag ipon, kung tutuusin ay mas malaki ang sahod niya kumpara sakin pero nag me maintenance daw ang kanyang ina kaya wala siyang naiipon. Sa bahay lang kami kapag day off namin, at uuwi kami agad pagkatapos ng aming trabaho. Si Mayang ang naging gabay ko dito sa Manila, tinuturo niya sakin ang mga dapat at hindi ko dapat gawin para hindi ako mapahamak. Panganay siya ng isang taon sakin at matured na ang isip. Isang araw ay nagyaya si Nico na kumaen kami sa labas, ngunit hindi pumayag si Mayang at hindi ko alam kong bakit. Mabait naman si Nico at mukhang mapagkakatiwalaan pero talagang ayaw ng kaibigan ko. "Hindi lahat ng lalaki ay mabait Jenna, nagbabait baitan lang sila para makuha nila ang gusto nila. At kapag nakuha na nila sa huli ay iiwan kang luhaan, tandaan mo sana yan", paalala niya sakin. "Maging si Nico ba ay ganun din ang tingin mo sakanya?", tanong ko. "Jenna ilang taon ka palang wala ka pang kaalam alam sa mga ganyang bagay kaya please lang makinig ka sakin kung ayaw mong mapahamak" "Sige...sabihan ko nalang siya" Tumango siya at saka na umalis, magsasarado na kami sa kusina. Nanghihinayang man ako na tanggihan si Nico pero wala akong magagawa. Crush ko pa naman ang chef cook namin at sobrang saya ko noong inaaya niya kami. "Ahmmm Nico... Kwan kasi... Ayaw ni Mayang na pumunta kami" "Huh? Bakit?" "Basta ayaw niya..." "Ohhh di ikaw nalang..." "Hindi pwede, ayaw kong magalit sakin si Mayang" "Tsk bahala kayo!" Ramdam ko ang galit sa tuno ng pananalita ni Nico, kinuh na niya ang kanyang bag at nauuna ng umalis. Hindi naman kasi siya ang nagaasarado ng kusina kundi kaming mga dishwasher dahil kailangan muna naming maglinis. Hinihintay niya lang ako noon kasi gusto niyang makisabay samin ni Mayang pauwi. "Ohhh asan na si Nico?", tanong ni Mayang sakin habang naglalakad kami. "Umuwi na", matamlay kong tanong. "Nagalit ba?" "Oo" "Sabi ko sayo, ganyan ang mga lalaki kapag hindi nila nakukuha ang gusto nila" "Kaya nga eh" Bumili nalang kami ng ulam sa karenderya at saka na kami umuwi ni Mayang. Nagpapasalamat ako sakanya dahil sa pag gabay niya sakin sa mga bagay na inosente ako. BRAYSON POV'S Andito na naman ako sa club na lagi naming pinupuntahan ni Renan, sa ngayon ay hindi ko na siya kasama dahil umuwi na siya. Weekdays naman pero dito ko gustong magpalipas ng gabi, kinausap ko na din ang may-ari ng club na ito na ereserve sakin ang vip room number 8 at binabayaran ko ang bawat araw kahit hindi ko ito ginagagamit. Ayaw ko kasing may ibang gagamit dito kundi ako lang, binayaran ko ng malaki ang renta dito kaya hindi makakatanggi ang may ari na ibigay sakin ang kwarto na ito. Kumatok ang waitress na may dala ng order kong alak at saka binuksan anv pinto. Nalula ako sa kasexyhan nito at nakikita pa ang cleavage. "Your drinks sir", saad nito. "Ilapag mo nalang diyan", utos ko. "Ahmmm sir baka gusto niya ng extra service.." "Anong pangalan mo?" "Viola sir" "Viola...", paguulit ko sa pangalan niya. "Sige umupo ka", utos ko. Umupo naman ito sa tabi ko. "Doon ka sa kabilang upuan umupo, kapag naubos ko ang alak sa baso ko ay lagyan mo lang ulit, huwag kang magalala bibigyan kita ng tip" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, ano bang service ang aasahan niya sakin? Ang k*ntutin ko siya? No way. Ganun nga ang ginawa ng waitress, nakaupo lang siya at sinasalinan ang baso ko ng alak. Dala ko din naman ang laptop ko kaya reneview ko nalang ang mga reports ng hotel ko. Ng matapos na ako ay binigyan ko ng sampong libo na tip si Viola, sobrang saya niya ng inabot ko ito sakanya. Napapailing nalang ako dahil mukhang pera din ang isang ito. Umuwi na ako sa aking suite, malungkot ang mag-isa, namimis ko na tuloy ang aking pamilya. Itinulog ko nalang dahil may trabaho pa ako bukas. NAGISING AKO SA tawag ni mommy, gising na daw si kuya Brayll mula sa pagka comatose. Magandang balita iyon kaya naman tinawagan ko si Renan para ayusin ang schedule ko dahil uuwi din ako ngayon sa Pangasinan. Ng makita kong gising na nga si kuya ay sobrang saya ko, pero may nakita akong babae na kamukha ng yumao nitong asawa. Siya si Cassy ang kakambal ni ate Candace. Nakioag away pa ako sa babaeng ito dahil sa pagpapanggap niya pero hindi din ako nanalo dahil kampi sila mommy at daddy sa plano ni Cassy. Makalipas ang ilang linggo ay bumalik na ako sa Manila para ayusin ang mga naiwan kong trabaho. "Ano gusto mo ulit mag club?", tanong sakin ni Renan. "Saka nalang mag overtime ako ngayon" "Okay so paano yan mauuna na ako sayo, iwanan mo nalang diyan ang mga natapos mo aayusin ko nalang bukas.. Boss..." "Sige na sige na umalis kana alam ko namang may pinupormahan ka na naman sa club eh" "Aba paano mo nalaman at sino naman sana?" "Hindi na mahalaga kung sino basta ang alam ko yung cashier ng club ang pinupuntirya mo ngayon" "Aba akala ko ba hindi ka palagi doon bakit nakikita mo ang mga galaw ko?" "Ako pa... Sige na umalis kana" Natatawang umalis si Renan, akala niya kasi kung hindi niya ako kasama ay hindi na ako nagpupunta sa club. Palihim nga akong natatawa kapag sa cashier na siya mismong nagbabayad at mukhang wala na siyang babaeng kasayawan, puro nga barkada nalang niya. Ngayon ay aayusin ko na ang lahat ng naiwan kong pipirmahan para makapunta na naman ako sa club para magrelax.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD