
PROLOGUE
Nakarating na ako sa receptionist at nakiusap na kung pwede ba akong pumunta sa suite ni Brayson.
"Pasensya na miss pero private kasi ang suite ni sir, hindi po basta basta ang makapunta doon kong hindi niya sinasabi", saad ng receptionist.
"Girlfriend niya ako", sagot ko.
Tinignan ako pataas at pababa ng kaharap ko na para bang hinuhusgahan niya ang ayos ko. Na para bang gustong sabihin na walang gf si Brayson na mahirap.
"Kahit tawagan mo pa siya sabihin mo ang pangalan ko...Jenna"
Ginawa naman nito ang sinabi ko, tinawagan niya si Brayson sa telepono.
"Okay sir sorry sir", saad ng receptionist at saka na ibinaba ang telepono.
"Pasensya kana miss wala daw siyang kilalang Jenna"
Ouch!
Nasaktan ako sa narinig ko, walang kilalang Jenna si Brayson? Sino pala ako? Hindi ba niya natatandaan ang pangalan ko samantalang ito ang una niyang inalam noong una niya akong makita?
Hindi bat sabik siyang makita ako noon at gumawa ng paraan para lamang maging waitress niya ako at pagsilbihan ko siya sa buong gabi na pamamalagi niya noon sa club?
Anong nangyari?
Bakit ngayon ay sasabihin niyang hindi niya ako kilala? Magkakaanak na kami at bunga ito ng pagmamahalan namin, kailangan ko siya ngayon.
"Miss baka pwedeng tawagan mo siya ulit, sabihin mo hinihintay ko siya", pakiusap ko sa receptionist.
"Pasensya kana maam pero mahigpit na pinagbabawal samin na istorbuhin si sir kapag nasa suite na siya, ako ang masisisanti kapag ginawa ko ang gusto mo"
"Ganun ba, sige salamat"
Ayuko din namang matanggal sa trabaho ang babaeng kausap ko dahil sakin. Tama na ang pasanin kong konsensya sa nangyari sa club ni madam Milana. Dahil kasi sakin ay nag back out ang malaki nilang kliyente, si Brayson.
Tumingala ako sa langit ng makalabas na ako ng building, madilim na ang kalangitan at nagbabadya ng pag-ulan. Binilisan kong maglakad papuntang paradahan ng jeep habang hawak ang tiyan ko.
Ngunit hindi pa ako nakakarating ay bumuhos na ang malakas na ulan na may kasamang hangin. Mabilis akong nabasa bago pa ako makasilong sa isang waiting area. Kinuha ko ang panyo sa dala kong sling bag at pinunasan ang aking ulo.
Mahirap na kasi baka magkasakit ako madamay pa ang baby sa sinapupunan ko. Dahil basa na ako at mahangin ay nakaramdam na ako ng lamig, sino ang makakatulong sakin ngayon dito?
Habang nakamasid ako sa ulan at yakap ko ang aking sarili ay inisip ko si Brayson. Makasarili siya, hindi manlang niya ako binigyan ng pagkakataon para mag paliwanag kung bakit ako nawala ng ilang buwan. Kung galit siya sakin ay sana huwag niyang idamay ang aming anak.
Handa akong magpaliwanag at humingi ng patawad sakanya bigyan lang niya ako ng pagkakataon pero itinakwil niya na ako. Hindi ba niya nais malaman na magiging ama na siya?
Bumuhos ang luha sa aking mata, mabuti nalang at ako lang mag isa ang nakasilong ng mailabas ko ang sama ng loob ko. Kung yan ang gusto ni Brayson ay sige pagbibigyan ko na siya.
Simula ngayon ay wala ng Jenna na iistorbo sakanya, simula ngayon ay hindi niya malalaman ang tungkol sa anak namin. Mahirap man pero sisikapin kung itaguyod ang aking pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki sa bata.
ABANGAN ANG KWENTONG AANTIG SA INYONG PUSO AT KUNG PAANO UMUSBONG ANG PAGMAMAHALAN NILA BRAYSON AT JENNAVINE. KUNG PAANO MAGMAHAL AT MASAKTAN ANG ISANG PUSONG BATO NA SI BRAYSON DELLA SELLA.

