CHAPTER 1

1644 Words
JENNAVINE LABRADOR POV'S Sa madilim na daan sa bukid ay mabilis ang takbo namin ng kapatid kong si Oli para makalayo sa humahabol samin na si Tito Gaston. Hawak ko ang kamay niya at mahigpit ang pagkakahawak ko sakanya dahil ayaw kong mabitawan siya. Ganun din siya sakin dahil baka maabutan kami ni tito kapag nabitawan ko siya at madapa pa. "Bumalik kayooo ditoooo", dinig kong sigaw ni tito habang may hawak na latigo. Mabuti nalang at may katabaan si tito at malaki ang tiyan niya kaya hindi makatakbo ng mabilis. Pero takot parin ako na maabutan niya kami dahil hindi ko na sigurado kung mabubuhay pa kaming magkapatid kung sakaling mangyari iyon. "Bilisan mo Oli bilisan mo!", wika ko sa aking kapatid. "Ate pagod na ako" "Hindi tayo pwedeng tumigil. Hindi tayo pwedeng maabutan ni tito Gaston, bilisan pa natin!" "Ate masakit na ang paa ko" Tinignan ko ang paa niya, wala pala itong suot na tsinelas dahil nagmadali na kaming lumabas kanina at ako lang ang nakasuot ng tsinelas dahil agad ko siyanh hinila. Naaawa man ako sa kapatid ko pero kailangan na naming matakasan ang demonyo naming tito. "Bilisan na natin malapit na tayo sa kabahayan" "Sige ate" Kahit pagod na pagod na kami ay hindi kami pwedeng huminto, baka ito na ang huling hininga namin kung sakaling maabutan kami ni tito. Tila kami nakikipagkarera sa bilis ng takbo namin, naririnig ko ang sigaw ni tito pero hindi na ako nagpasindak pa. Ito na ang pagkakataon na makalaya kami sa empyernong buhay namin ngayon. Nakakita ako ng makipot na daan, malayo ang bahay namin sa kabahayan dahil nasa gitna kami ng bukid. Ng makita kong malapit na din kami sa kabahayan ay nag-isip akong makakahingi na kami ng tulong pero mas pinili kong magtago kami ng kapatid ko. Pumasok kami sa makipot na daan at papunta ito sa manggahan, madilim at medyo masukal kaya agad kaming nagkubli para hindi kami makita ni tito. Naririnig na din namin ang kahol ng mga aso kaya tiyak kong nakarating na sa kabahayan si tito. Hindi naman malayo sa kinaroroonan namin kaya mariring ang usapan ng mga taong nabulabog dahil sa tahol ng mga aso. "Nakita niyo ba yung dalawa kong pamangkin?", dinig kong tanong ni tiyo sa isang lalaki. "Hindi, bakit ba Gaston? Hating gabi na ah?" Tama hating gabi na kaya hindi nila kami makikita, alam kong may mga barkada ang aking tiyo doon kaya dapat lang na hindi nila kami makita dahil sigurado akong sasabihin din nila kung nasaan kami. "May atraso sila sakin", sagot ni tiyo. "Atraso o nangangati ka na naman sa mga pamangkin mo?" "Ninakawan nila ako pare, ninakaw nila ang iniipon naming pera ni misis, mga walang utang na loob na mga bata!", galit na sabi ni tito. Napapailing nalang ako dahil sa kasinungalingan niya, ni piso ay wala kaming kinukuha sa kanilang mag-asawa. Sila pa nga ang nangunguha sa pera kung iniipon mula sa paglalabada at pagtulong sa palengke. " Wala Gaston ikaw lang ang taong nakita namin ngayon", wika ng lalaki. "Sige sabihin mo sakin kung nakita niyo sila", saad ni tito. Nakiramdam lang ako at sinugarado na nakaalis na si tito, ng hindi na nagtatahulan ang mga aso ay sigurado kong nakaalis na din si tito. Naghintay pa kami ng ilang minuto para makalabas kami sa pinagtaguan namin. "Kunin mo itong tsinelas ko", sabi ko kay Oli at agad naman niyang isinuot. "Saan na tayo pupunta ngayon ate?" tanong niya. "Hindi ko alam Oli, hindi ko alam" Tumulo ang luha ko dahil sa awa ko sa sarili at sa kapatid ko. Ako nga pala si Jennavine, labing siyam na taong gulang na at si Oliver ay labing isang gulang na din. Ulilang lubos na kami dahil namatay ang mga magulang namin sa isang aksidente, maganda ang buhay namin noon dahil isang driver ng truck ang tatay namin at si nanay ay nagbebenta ng mga gulay sa palengke. Masaya kami noong nabubuhay pa sila nanay at tatay, kahit hindi kami mayaman ay sapat naman ang kita nila sa pang-araw araw naming gastusin. Noong mag-isa palang ako ay lagi nilang binibili ang mga gusto ko pero noong dumating na si Oli ay hindi ko na hinangad na bilhan ako ng mga gusto dahil lagi kong sinasabi na ibili nalang nila ng gatas, damit at diaper ng akong kapatid. Naging masaya ako noong dumating si Oli sa buhay namin, lalong nagsipag ang mga magulang namin. Ng makaipon na sila nanay ng pera ay huminto na si tatay sa pagmamaneho at nag focus sila sa pagbebenta ng mga gulay sa palengke. Nakabili na din kami noon ng tricycle para may magamit silang mag angkat ng mga gulay sa kabilang bayan dahil mas makakamura sila at ibebenta na din nila sa palengke. Lumakas ang negosyo nila nanay dah nagustuhan sila ng kanilang mga suki. Walang halong pandadaya at laging sariwa ang benebenta nila, kapag wala akong pasok ay tumutulong ako kaya marami na din akong kakilala sa palengke. Pero sa hindi inaasahang pangyayari habang pauwi na sila nanay at tatay galing sa pag aangakat ng mga gulay ay nabunggo sila ng hindi nakikilalang salarin. Na hit and run sila, madaling araw noon at wala pang gaanong mga sasakyan at tao sa kalsada kaya walang makakapagsabi kung sino ang nakabunggo sakanila. Labis ang pagluluksa naming magkapatid noong namatay sila dalawang taon na ang nakalipas mula ngayon. Hindi ko noon alam ang gagawin ko dahil malaki ang gastusin sa burol nilang dalawa. Sa awa ng Diyos ay may mga taong tumulong samin dahil sa kabaitan ng mga magulang ko sa ibang tao kaya tinulungan din nila kami. Isa na din sa tumulong si Tito Gaston, kapatid siya ni tatay kaya nailibing namin ng maayos ang mga magulang namin. Sobrang sakit mawalan ng mga magulang sa mura naming edad. Para kaming basang sisiw na walang masilungan at walang masasandalan. Mahirap maulila lalo na at biglaan, gabi gabi kaming umiiyak ng kapatid ko lalo na kapag naaalala namin ang mga masasayang sandali na kasama namin sila nanay at tatay. Binawi na din ang pwesto ni nanay sa palengke dahil nangungupahan lang naman si nanay doon at ngayong wala na siya ay pinarentahan na din sa iba. Nagulat nalang ako isang araw ng may dumating na bibili sa bahay namin kasama ni tito Gaston. Minana ni tatay ang lupa na kinatitirikan ng aming bahay, at wala kaming nagawa noong benenta ni tito dahil ang dahilan niya ay malaki daw ang nagastos niya sa pagpapalibing sa mga magulang ko. At menor de edad pa daw kami ng kapatid ko kaya kailangan daw namin ng mag-aalaga samin. Nagdala na din siya ng DSWD para ipalipat sakanya ang pag-aalaga samin. Wala kaming magawa noon at naisip ko na mas mabuti siguro kong doon nalang kami kina tito para may kasama kami ng kapatid ko kesa magpalaboy laboy kami. Ngunit nagbabalatkayo lamang pala si tito, akala ko ay concern na siya samin at ang sabi niya ay pang-aral naming magkapatid ang matitira sa pinagbentahan ng bahay pero hindi pala. Bumili siya ng lupa sa gitna ng bukid at doon kami tumira kasama ang pamilya niya. May dalawang anak si tito at kasing edad ko lang din ang panganay. Akala ko ay maayos na kami ngunit naging kalbaryo pala ang buhay namin ni Oli. Naging alila kami ni Oli, ang asawa ni tito ay mabait ngunit wala din siyang magagawa kung si tito na ang nagalit. Hindi ito pwedeng makialam kapag linalatigo kami ni tito. Kunting kasalanan lang ay latigo na ang katapat namin, lalo akong naaawa sa kapatid ko dahil bata pa siya ay nararanasan na niya ang ganitong pagpapahirap. Hindi ko na tinapos ang pag-aaral ko sa high school, magtatapos na sana ako noong pero pinili ko nalang magtrabaho para may maiabot kay tito. Si Oli nalang ang nagpatuloy sa pag-aaral dahil hindi naman masyadong magastos sa elementarya. Sumasama ako sa asawa niya para maglabada, hati kami sa kita, nagtatabi ako mula sa pinaghatian namin at ang iba ay binibigay ko kay tito para sa pangkain namin. Dahil kung hindi ako magbibigay tiyak na hindi kami kakain. Kasama na din doon ang pang-inum niya gabi gabi. Kapag walang labada ay pumupunta ako sa palengke para mag extra sa mga nagbebenta ng gulay na nangangailangan ng kasama. Hinahati ko ang kinita ko para ibigay kay tito at ang iba ay iniipon ko. Gusto ko ng makaalis kami sa bahay na iyon dahil naging kalbaryo ang buhay namin. At ngayon nga ay nangyari na ang inaasam ko, hindi ko siya nabigyan ng pera dahil nanghihingi ito ng pambili ng alak. Wala akong maibigay dahil nawawala yung naipon kong pera at alam kong kinuha iyon ng isa niyang anak na nagmana din sa ugali niya. Pinilit niya akong bigyan siya at ng wala akong maibigay ay kinuha niya ang latigo sa kwarto nila. Mabilis akong tumakbo at hinila na si Oli na noon ay nasa kusina na naghuhugas ng plato. Hindi pa kami kumakaen sa oras na iyon dahil ayaw niyang makisabay kami at tapusin daw muna lahat ng trabaho bago kami kakain. At ngayon ay heto kami ni Oli, nagkukubli at magkayakap, parehong humihikbi dahil sa sinapit ng buhay namin ngayon. Tanong ko sa isip ko ano bang kasalanan namin bakit kami mapaparusahan ng ganito. Naging mabait kami at masunurin sa aming mga magulang pero maaga silang nawala samin. At hindi pa naging maayos ang buhay namin pagkatapos nilang namatay, nararanasan namin ang lalong paghihirap sa kamay ng tito naming walang konsensya. Kailan kaya namin mararanasan ang guminhawa ang aming buhay? Lagi kong pinagdadasal na sana dumating na iyon para hindi na kami kawawa ngayon. Pero anong magagawa ko kung hindi pa iyon panahon. Kailangan pa ba naming maranasan ang lahat ng pasakit at paghihirap para maging magaan ang lahat? Lalo akong napaiyak habang iniisip kong paano na kami ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD