JENNAVINE POV'S
Ng alam kong wala ng tao sa labas ng mga bahay ay dahan-dahan kaming lumabas sa manggahan. Alam ko naman ang daan namin kaya nag shortcut nalang kami papuntang highway. Mabuti nalang at hindi na kami tinahulan ng mga aso dahil nagdadahan dahan lang kami sa paglalakad.
Pareho na kaming pagod at gutom, wala pa kaming dalang pera para sana pambili ng kahit biscuit lang pantawid gutom.
"Ate saan na tayo pupunta?", tanong ulit ni Oli.
"Puntahan natin si ninang Susan hihingi tayo ng tulong sakanya"
"Diba malayo ang bahay nila ate"
"Oo pero kailangan nating tiisin na maglakad para makahingi tayo ng tulong"
Nasa kabilang bayan pa ang bahay ni ninang Susan, siya nalang ang nakikita kong pag-asa pra matulungan niya kami.
Kaya naman nag-umpisa na kaming lakarin ang daan papunta sa bahay nila.
Ng makarating na kami sa bayan nila ay madaling araw na, tiyak akong gising pa iyon dahil may-ari siya ng club sa bayan nila. Walang asawa ang kanyang ninang pero may tatlong anak mula sa ibat-ibang lalaki.
Naging dancer siya noon sa club at doon niya nakuha ang mga anak niya, pero ngayon ay siya na ang may-ari ng club na pinagtratrabahuan niya noon.
Doon kami pumunta at naghintay nalang kami sa labas hanggang sa magsara sila.
"Ohhh Jenna andito kayo, anong ginagawa niyo dito at bakit ang aga niyo?", tanong ni ninang.
"Ninang tulungan mo kami", umiiyak kong sabi at yumakap ako sakanya.
"Ano bang nangyayari teka bakit ganyan ang itsura niyong magkapatid"
Bakas kay ninang ang pag-aalala sa amin, kahit ganun ang estado niya sa buhay ay mabait ito at maaasahan. Inisip ko nga noon na sana si ninang nalang ang nag ampon sa amin pero may kamag-anak pa kasi kami kaya nag pasya ang dswd na kina tito Gaston kami.
"Lumayas na kami sa bahay nila tito Gaston ninang", sagot ko.
"Ano? Eh mabuti hindi niya kayo nahanap?"
"Nagtago po kami ni Oli at saka ko naisipan na puntahan ka dito ninang"
"Nakuuu kawawa naman kayo, tara umuwi na tayo sa bahay"
Naiiyak na din si ninang sa nangyari sa aming dalawa. Pagdating namin sa bahay nila ay gising na ang isa niyang anak at nagluluto na ng almusal.
"Dagdagan mo yang linuluto mo Ambet para makakain sina Jenna at Oli", utos ni ninang.
"Sige mommy"
"Upo muna kayo sa sala ihahanda ko lang ang tutulugan niyo, magpahinga kayo pagkatapos niyong kumaen. Mauuna na akong matulog at paggising ko saka tayo mag-uusap", baling ni ninang sakin.
"Sige po ninang salamat po"
"Walang ano man... Ohhh Ambet kayo na muna bahala ha"
"Opo mommy"
Panganay na anak ni ninang si Ambet, kasing edad ko lang siya at close kaming dalawa. Nung nakaluto na siya ay inaya na niya kaming kumaen, tatlo lang kaming nagsabay dahil mamaya pa daw magigising ang dalawa niyang kapatid. Mamaya pa daw ang pasok nila kaya nauna na kaming kumaen dahil maaga daw ang pasok ni Ambet.
"Kain lang kayo Jenna", saad niya.
"Salamat Ambet, ako nalang maghuhugas ng pinagkainan natin", sagot ko.
"Hindi na ako na ang bahala, pagkatapos niyong kumaen matulog muna kayo"
"Nakakahiya naman Ambet"
"Huwag kang mahiya Jenna para na kitang kapatid, sige kain lang kayo maliligo muna ako, iwanan niyo nalang sa lababo ang mga plato at ang mga pagkain diyan sa mesa ako na ang bahala".
Tumango nalang ako, mabuti pa sila may pagmamahal samin ng aking kapatid. Hindi katulad ng kamag-anak namin na kung ituring kami ay parang hindi kadugo.
Madami ang nakain ni Oli dahil gutom na gutom siya, samantalang ako ay kakarampot lang dahil hindi ako makakain ng maayos dahil sa kakaisip ng sitwasyon naming magkapatid.
Ng matapos na si Oli ay ginawa ko ang sinabi ni Ambet at saka na kami pumasok sa silid na hinanda ni ninang. Natulog ulit kami dahil kanina pa namin gustong magpahinga.
Alas dyes na ng magising ako, may damit na nakalagay sa ibabaw ng mesa na nasa kwarto at may nakasulat na "pagbibihisan niyo". Napangiti ako dahil sa mga damit na iyon dahil magaganda at ngayon lang ako makakapag-suot ng mga ganung damit.
Mga pinaglumaan lang kasi ang mga damit na sinusuot namin ng kapatid ko dahil ayaw kaming bilhan ng bago, gastos lang daw.
Naligo muna ako at saka nagbihis, ng tignan ko ang aking sarili sa salamin ay nalungkot ako. Nagmukha na akong taobsa itsura ko ngayon, maayos na damit, hindi magulong buhok at naranasan ko ang matulog ng mahimbing.
Kinuha ko na ang mga panlinis para maumpisahan kong malinisan ang bahay ni ninang nagdahan dahan lang ako para hindi siya magising. Ng matapos ko na ang paglilinis ay tinignan ko ang laman ng ref nila kung ano ang pwedeng iluto.
May isda naman kaya iyon nalang ang naisip kong iluto, may mga gulay din na pangsahog na nakita ko kaya isisigang ko nalang.
"Jenna anong ginagawa mo?", si ninang iyon.
Nagulat ako dahil bigla itong nagsalita, pumunta siya sa lababo at saka naghilamos ng mukha.
"Sorry ninang tanghali na kasi kaya naisipan kong magluto para paggising mo may makakain ka"
"Hindi kana sana nag-abala pa Jenna, pwede naman tayong bumili sa labas ng lutong ulam"
"Okay lang po ninang sanay po kasi ako na may ginagawa"
"Sige sige, maghain kana para makakain na tayo"
Sinunod ko ang inutos niya, nakaupo na siya sa mesa kaya naglagay na ako agad ng plato, kanin at ang ulam. Dalawa lang kaming kumaen dahil tulog pa si Oli at huwag ko na daw gisingin sabi ni ninang.
Pagkatapos naming kumaen ay tinawag ako ni ninang sa sala, dahil gusto niya akong kausapin.
"Sigurado ka ba sa desisyon mong pag alis sa poder ng tito mo?", tanong niya.
"Opo ninang, hindi ko na po kayang tumira doon"
"Sige dumito nalang kayo ng kapatid mo, tutulungan ko kayong dalawa"
"Salamat po ninang, pwede po akong magtrabaho sa club niyo kahit taga hugas lang, kahit huwag niyo na po akong sahuran"
"Sige sumama ka nalang sakin mamayang gabi, pero huwag mong tatanggihan ang ibibigay ko sayong pera. Hindi mo iyon sahod pero iipunin mo para sa inyo ng kapatid mo"
"Opo ninang salamat po"
"Ohh siya matutulog ulit ako, alas sais ang alis natin mamaya ha"
"Opo ninang"
Muli ng bumalik si ninang sa kanyang silid, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan Niya kami ng taong tutulong samin.
Pagsapit ng 5:30 ay nagbihis na ako para ready na ako kapag sinabi ni ninang na aalis na kami, hindi ako pwedeng magpahuli dahil ito ang unang gabi ko sa trabaho.
Nasa bahay na din ang mga anak ni ninang kaya iiwan ko si Oli, mabuti nalang at pumayag ito na magpaiwan.
"Tara na Jenna", wika ni ninang paglabas niya sa kanyang kwarto.
"Opo ninang"
Sakto ngang alas sais ang alis namin, may tricycle si ninang at pinapamaneho niya ito sa iba. Kapag ganung papasok na siya sa club at uuwi ay hinahatid siya.
Pumasok kami sa kanyang club, sa labas ay makikita lang na simpleng bahay ito pero pagpasok sa loob ay madilim at kaunti lang ang ilaw na nagbibigay liwanag sa loob.
Ngayon ko lang naintindihan kung anong klaseng club ang meron si ninang, isa itong bahay aliwan. May mga nag gagandahan at nagsesexyhan na mga babae na nakaupo sa mga mesa.
Maaga pa naman kaya wala pang masyadong costumer, pero nagumpisa na ang mga tugtugin at ang mga babae ay palakad lakad na sa loob ng club.
"Ohhh madam may bago ka yatang recruit?", tanong ng babae na sumalubong sakanya.
"Inanaanak ko siya Alyssa, sa kusina ko siya ilalagay hindi dito", sagot ni ninang.
"Ahhh akala ko madam makakasama namin siya, sayang ang ganda pa naman"
"Tumigil ka Alyssa bumalik kana doon"
Sinunod naman ito ni Alyssa.
"Huwag mong pansinin yun pasaway talaga ang batang iyon, doon tayo sa kusina", wika ni ninang sakin.
Sinundan ko siya at pagpasok namin sa kusina ay nagliwanag ang paningin ko, mabuti pa dito hindi madilim at hindi patay sindi ang ilaw.
"Joy kayo na bahala kay Jenna ha, inaanak ko siya kaya huwag niyong paglalaruan alam ko ang ugali niyo"
"Opo madam, kami ang bahala", wika naman ni Joy.
Nagumpisa ang gabi kong iyon sa paghuhugas ng mga plato, malalim na ang gabi at parami na ng parami ang hugasan. Panigurado marami ng costumer si ninang dahil panay na din ang luto ng cooker dahil sa dami ng nagoorder ng pulutan.
Tumatambak na din ang hugasin ko at wala pang tumutulong sakin, ang isa kong kasama ay nakaupo lang at gumagamit ng cellphone.
"Hoyy Anding samahan mo namang si Jenna dito andami na niyang hugasan", wika ng cooker namin.
"Kaya na niya yan, saka nagpapahinga lang ako sandali"
"Timing ka din eh nuh, alam mong hindi pumupunta dito si ma'am kaya ganyan ka, porket matagal kana dito akala mo kung sino kana"
"Eh ano ngayon, kaya nga ako nagpapahinga dahil matagal na akong naghuhugas. Si Jenna bago palang at hindi pa yan napapagod"
"Hintayin mong si ma'am ang makakita sayo, huwag mo kaming sisihin kong isang araw mahuhuli ka niya"
"Pag inggit pikit, matagal na ako dito kaya hindi ako aalisin ni ma'am. Ako ang kasama niya noong pinapalago niya itong club niya"
"Abay talagang..."
"Ate tama na..", awat ko sa cooker namin at sinunod naman niya ako.
"Kaya ko pa po, hayaan niyo na siya", wika ko pa.
Ramdam ko na din ang pangangalay ng paa at braso ko pero hindi ko iyon ininda. Sanay na ako sa pagtratrabaho kaya kakayanin ko din ito, paghuhugas lang naman.
Alas kwatro na ng madaling araw ay unti unti na din ang mga costumer, nagsimula na din kaming magligpit sa kusina at hinihintay nalang si Ninang para ibigay ang sahod namin. Araw araw niya daw itong binibigay dahil kailangan din namin ang pera.
"Ito ang sahod mo anak, ipunin mo yan para makapagpatuloy ka sa pag-aaral", saad niya sakin.
"Kunin mo na ang iba ninang, nakakahiya naman po kung nakikitira at nakikikain lang kami sa inyo"
"Huwag mo ng isipin yan, tulong ko na yan para sayo, sige na ayusin mo na ang mga gamit mo uuwi na tayo"
Sinunod ko ang sinabi ni ninang, mabait talaga siya at maaasahan hindi katulad ng tito ko. Dumaan muna kami sa panaderia upang bumili ng pandesal, pagdating namin sa bahay ay gising na ang panganay na anak ni ninang at kumaen na din kami ng almusal bago matulog.