DAHIL SA KWENTO NI Mayang ay naintindihan na ni Jenna kung bakit minsan ay nakatulala ang kaibigan niya, lalo na kapag nasa apartment sila. At kung bakit ayaw nito na napapalapit siya sa mga lalaki. Mas lalo pa niyang minahal ang kaibigan niya ngayong alam na niya ang nakaraan nito.
"Basta kung kailangan mo ng karamay andito lang ako ha", saad niya kay Mayang.
"Oo, salamat ha kasi dumating ka sa buhay ko, may makakasama na ako", sagot naman ni Mayang.
"Wala iyon, ako nga dapat ang magpasalamat sa pagkupkop mo sakin ngayong andito ako sa Manila eh"
"Siguro pinagtagpo tayo ng Diyos dahil kailangan natin ang isat-isa nuh"
"Oo nga ano, alam Niya kung sino ang dapat magdamayan", naiiyak na niyang sabi.
"Tama na nga ito bala tuluyan ka na siyang maiyak, tara bili tayo ng isaw at bitamax para naman may makain tayo habang pauwi"
At pumunta na nga sila sa nagbebenta ng ihaw ihaw, masaya silang naglakad pauwi sa apartment. Hindi nalang sila sumakay ng jeep dahil parang exercise na nila ang maglakad pauwi.
Pagdating nila ay agad na silang nagpahinga ngunit 6:30 na ay hindi parin nakatulog si Jenna. Nakatulala siya sa kisame at malalim ang iniisip.
Iniisip niya ngayon si Brayson, hindi niya alam kung bakit bigla niya itong naalala lalo na ng alisin niya ang panyong nakatali sa kanyang paa. Paano niya ito maisasauli? Mukhang malabo dahil sa kusina lang naman siya. Hindi nalang niya ito ibabalik at itatago nalang niya bilang ala-ala sa una niyang costumer sa pagiging waitress niya.
Pinilit na niya ang sariling matulog dahil kailangan na niyang magpahinga para may lakas na naman siyang magpuyat mamaya.
ORAS NA NAMAN NG TRABAHO at paglabas ni Jenna at Mayang sa apartment nila ay naghihintay sa labas si Nico.
"Sabay na kayo sakin", saad ni Nico.
"Hindi na Nico mauna kana may dadaanan pa kami ni Mayang", sagot ni Jenna.
"Ohhh di idaan ko nalang kayo"
"Saan yang sinasabi mo?", bulong sakanya ni Mayang.
"Hindi ko nga din alam basta iyon nalang ang naisip kong idadahilan", bulong din niya.
Mabuti at nauna na si Nico kaya hindi nila narinig ang usapan nila.
"Tara na, saan ba yang sinabi niyo?", muling tanong ni Nico.
"Ahhhh huwag nalang tayong pumunta deretso nalang tayo sa club", si Mayang na ang sumagot.
"Okay sige sakay na"
Nagpasalamat nalang si Jenna sa kaibigan dahil sa sinabi nito, ang lakas n ang kaba ng dibdib niya kanina at nahalata ito ni Mayang.
Pagdating nila sa club ay naghihintay na ang ibang waitress kabilang na si Viola.
"Aba kaya naman pala kayo nalate dahil nakipagdate pa kayo kay Nico", pang iinsulto ni Viola sa kanila.
"Dalawang minuto lang naman Viola big deal na iyon sayo?", tanong ni Mayang.
"Marami ng magagawa ang isang dalawang minuto Mayang, nakapag retouch na ako nun, alam mo ba iyon o hindi kasi halata naman na hindi ka nagreretouch ang hagard mo palagi hahahaha"
"Kahit na hagard siya maganda naman ang ugali hindi katulad sayo", sabad ni Jenna kaya ang tingin ni Viola ay nabaling sakanya.
"At isa ka pang probinsya ka, akala mo naman kung maganda ka huh! Magkapareho kayo ng kaibigan mong hagard", saad ni Viola sakanya.
"Tama na yan Jenna halika na baka masira pa ang araw natin sa malanding babae na ito", saad ni Mayang at saka na linampasan si Viola.
"Malandi!", pagdidiin naman ni Jenna.
Wala ng nagawa pa si Viola kundi manahimik nalang at sumunod na sa kanila. Hindi nalang pinansin ng magkaibigan ang dalaga at hinayaang mainis si Viola.
Pagsapit ng gabi ay marami na namang gawain sa kusina, busy ang cooker nilang si Nico at halos hindi makausap. Bandang alas otso ng may tumawag na naman sa intercom at si Jenna ang sumagot..
"Hello this is kitchen staff how can I help you?", tanong niya.
"Jenna? Ikaw ba yan Jenna?", saad ng lalaki na pamilyar ang tono ng boses nito.
"Yes sir?"
"Jenna pakisabi sa Chef niya mag order ako katulad ng dati at pakideliver na din"
"Okay sir copy"
At agad niyang ibinaba ang tawag, hinawakan niya ang kanyang dibdib dahil ang bilis ng t***k nito. Bakit ba ganun nalang ang nararamdam niya nung marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya.
Lumapit si Nico sakanya at nagaalalang nagtanong.
"Jenna okay ka lang ba? Anong nangyari sayo? Sino ang tumawag?"
"S... Si s...sir Brayson"
"Huh?! Kaya pala ganyang ang itsura mo, nagalit ba siya?"
"Hindi naman, sabi lang niya na yung order niya katulad nung dati at ipapadeliver na din daw"
"Ipapadiliver? Hindi naman yun nagpapadiliver ah kundi pinapakuha niya sa waitress niya"
"Diko nga alam eh"
"Sino naman ang magdidiliver sakanya?"
"Diko din alam Nico"
"Tsk mamaya na lang natin isipin kung sino ang magdidiliver iluluto ko muna"
Bumalik na nga si Jenna sa ginagagawa at pagkaraan ng isang oras ay naluto na ang order ni Brayson.
"Ikaw nalang ang maghatid Jenna", saad ni Nico.
Wala naman siyang magawa kundi sumunod kesa naman matagal pa lalong magagalit si Brayson at kapag nangyari iyon ay madadamay pati mga kasama niya.
Kaya naman nagtanggal na siya ng apron at gloves at saka inayos ang damit. Dala na niya ang tray ng order ngunit pagdating palang niya sa hagdan ay sinalubong na siya ni Mayang.
"Saan ka pupunta Jenna?"
"Kay sir Brayson order niya ito"
"Huh? Bakit ikaw diba kabilinbilinan sayo ni madam na hindi ka pwedeng maghatid ng mga order?"
"Pero lalong magagalit iyon kapag hindi naihatid agad"
"Ohhhh asan ang maskara mo aberr? Ayaw nga ni madam na makikita ng kahit sino ang mukha mo, ano gusto mo bang matipuhan ka ng mga lalaki dito at erequest na maging waitress ka nila?"
"Hindi"
"Naman pala, wait lang ipapahatid ko nalang", at nagtawag na nga si Mayang ng ibang maghahatid ng order ni Brayson.
********
HINDI MAINTINDIHAN NI BRAYSON ANG sarili bakit naisipan niyang pumunta sa night club. At ngayon ay nakaupo na siya sa VIP room na renentahan niya, wala siyang balak uminom pero mapapainom siya ng wala sa oras.
Pagdating niya ay agad siyang nag order at boses ni Jenna ang narinig niya, hinding hindi niya makakalimutan ang boses nitong napakalambing. Natuwa siya dahil ito ang sumagot at sinabi na din niyang ipapadeliver sakanya ng sa ganun ay makita niya ito kahit nakamaskara lang.
Habang naghihintay siya ay hindi siya mapakali, tatayo, uupo, pupunta sa bilyaran, uupo na naman, pupunta malapit sa pintuan at tila isa siyang pusa na manganganak.
"Ohhhh Gosh anong nangyayari sakin", suway niya sa sarili.
Maya't-maya maya ay may kumatok na sa pintuan, ang inaaasahan niyang si Jenna ang bubungad ay hindi pala.
"Good evening sir..", bati ni Viola sakanya.
Nawala ang excitement sa mukha niya, nag practice pa nga siya paano ngumiti pero hindi naman pala niya magagamit kay Jenna.
"What are you doing here?", inis niyang tanong.
"Eh sir ako naman ang waitress mo ah kaya andito ako, sorry pala kahapon sir nag absent kasi ako may emergency akong pinuntahan eh", paliwanag ni Viola pero hindi na niya pinakinggan.
Nawalan na siya ng gana kaya bumalik sa dati ang attitude niya, inaasahan niya talaga si Jenna na maging waitress niya ngayon gabi.
Hindi na niya ginalaw pa ang order niya, dahil sa badtrip niya ay umuwi nalang siya at binigyan ng limang daang peso na tip si Viola.
Umuwi siyang naiinis, hindi niya alam kung maiinis ba siya dahil hindi niya nakita si Jenna o maiinis siya sa sarili dahil ngayon ay hinahanap hanap na niya ang presensya ng babae.
Kilala niya ang sarili niya, hindi siya ganito pagdating sa mga babae, kundi ngayon lang.
Obsessed na siya kay Jenna at ngayon ay nagiisip na siya ng paraan kung paano niya mapapasakamay si Jenna.
Marami siyang pera kaya gagamitin niya ito makuha lang ang babaeng gusto. Alam naman niya na pera ang katapat nito kaya iyon ang gagawin niya, at kapag nangyari iyon ay hindi na niya pakakawalan pa si Jenna at ito na ang babaeng mamahalin niya habambuhay.