PALABAS NA NG HOTEL si Brayson ng salubungin siya ni Renan na nakakunot ang noo.
"Mabuti nagpakita kana", saad ni Renan.
"Bakit ano bang problema?"
"Tumawag sakin ang daddy mo kagabi may paguusapan daw kayo kaso hindi ka niya makontak, pumunta ako dito pero sabi ng receptionist umalis ka daw, saan ka pumunta?"
Naalala niya ang usapan nila ng kanyang ama na uuwi siya ngayong sabado dahil paguusapan nila ang iba pang gagawin dito sa hotel. Kaso nga lang ay nakalimutan niya ito dahil naging abala siya sa pagpunta sa club na wala naman siyang napala.
Napakamot siya sa ulo dahil sigurado na magagalit ang kanyang daddy, magiisip nalang siya ng idadahilan.
"Ohhhh bakit ganyan ang istura mo?", muling tanong ni Renan.
"Nakalimutan kong umuwi"
"Saan kaba kasi galing?"
"Sa night club"
"Huh? Pumunta ka doon na hindi ako kasama? Ang unfair mo naman bro"
"May tinignan lang ako ano kaba, hindi ako uminom ng marami"
"Abaaa iyan na nga ba ang sinasabi ko, may linilihim ka sakin nuh"
Naglakad nalang siya papunta sa parking area at sinundan siya ni Renan, mangungulit na naman ito kaya sa opisina nalang niya uto ikwekwento.
Pagdating nila doon ay hindi nga siya nagkamali dahil hindi pa siya nakakaupo ay nagtanong na naman ito.
"So ano nga bro Sino ang tinignan mo doon? Si Jenna?", deretsong tanong ni Renan.
"Hindi ko siya nakita", matamlay niyang sagot at saka na naupo sa upuan niya at nakahawak pa sa noo habang pinapagalaw ang upuan.
"Para ka namang nalugi sa negosyo sa ayos mo ngayon, madali lang naman yan, puntahan mo na naman mamayang gabi baka makita mo na siya"
Napaisip siya, may punto naman siya at mamaya nga ay pupunta siya. Kakausapin niya ang may ari ng club at gagawin niya ang lahat pumayag lang ito na si Jenna ang maging waitress niya sa tuwing pumupunta siya doon bg hating gabi.
Sinabi niya kay Renan ang kanyang plano at sumang ayon naman ito, sasama daw ito para makita nito sa personal ang babaeng kinababaliwan niya.
Pagkatapos ng trabaho ay umuwi muna siya sa hotel, naligo at nagbihis ng maayos. Ng makuntento na siya ay saka na niya pinuntahan si Renan para sunduin at sabay na silang pumunta sa club.
Ngunit itong kaibigan niya ay hindi mapigilan ang sarili at si Mayang na naman ang kinausap. Hinayaan nalang niya ito at mag-isa ng pumunta sa VIP room na renentahan niya.
Kinuha niya ang intercom at saka tinawagan si madam Milana, agad naman itong pumunta. Bukas naman ang pinto kaya pumasok nalang si madam.
"Good evening sir, ano pong kailangan niyo", nakangiting bati ni madam.
"Sit down", malamig niyang tugon.
"Mukhang seryusong usapan sir ah"
"Gawin mong waitress ko si Jenna"
"P... Pero s... Sir si Jenna hindi po siya marunong at saka sa kusina lang po talaga siya naka assign.
Humalikipkip si Brayson at seryusong tumingin kay madam.
"I want her to be my waitress, my special waitress , simula byernes ay siya na ang mag seserve sakin at kapag hindi ko siya nakita dito hindi mo na din ako makikita", saad niya.
"Sige sir siya ang gagawin kong waitress mo... Pero pwede po bang bigyan ko nalang siya ng uniform at hindi na dress para naiiba siya sa mga waitress ko, baka kasi mapagkamalan siyang ordinaryong waitress mauutusan pa ng sa iba"
"Okay, tshirt with colar, at miniskirt ang ipasuot mo sakanya, at huwag monng pagsuotin ng sandal na may mataas na heels"
"Copy sir"
Pagakaalis ni madam ay umalis na din siya, nadatnan niya si Renan na kausap parin si Mayang. Napapailing nalang siya dahil halatang may gusto ang kaibigan niya sa kahera ng club ngunit mukhang mailap ang dalaga.
Inaya na niya si Renan, hindi na sila naginum pa dahil may trabaho pa sila bukas.
*********
PINATAWAG NI MADAM MILANA SI JENNA, kinakabahan siya dahil biglaan naman yata na pinatawag siya at bakut siya lang, may nagawa ba siyang mali?
Kumatok siya sa pinuntahan ng opisina ni madam at ng marinig niya ang boses nito ay pumasok na siya, nanginginig siya sa kaba dahil baka aalisin na siya sa trabaho dahil hindi niya naibigay kahapon ang order ni sir Brayson.
"Kinausap ako ni sir Brayson..", saad ni madam.
Sabi na nga ba niya at tungkol ito kay sir Brayson, nagsumbong na siguro ito at hindi nagustuhan ang nangyari kahapon. Nakuuuu mawawalan na siya ng trabaho nito.
"Sorry po ma'am, hindi po kasi ako pwedeng magdeliver ng order niya kasi wala akong suot na maskara, at saka baka po may masabi si Viola kapag ako anv pumunta", paliwanag niya.
"Hindi ang tungkol diyan ang napagusapan namin"
Nakahinga siya ng malalim, mabuti nalang at hindi iyon, eh ano?
"Ano yun madam?"
"Gusto ni sir na ikaw ang magiging waitress niya simula byernes.."
"Po? Bakit po eh andiyan naman na si Viola.."
"Jenna iyon ang request ni sir Brayson, siguro ay mas nagustuhan ka niya kesa kay Viola"
"Pero madam..."
"Huwag kang mag-alala hindi kana mag dredress iyon ang request ni sir, bibigyan kita ng uniform mo kaso mini skirt ang partner at hindi kana din magsusuot ng high heels"
"Hindi ko na po ba isusuot ang maskara?"
"Isusuot mo parin, siguro ay nagustuhan niya ang trabaho mo kaya ka niya pinili na maging waitress niya. Hindi naman niya nakita ang mukha mo kaya nagtataka ako bakit ikaw ang gusto niya"
"Kaya nga po madam eh isang beses lang akong nagtrabaho sakanya"
"So paano sa byernes ikaw na ang waitress niya huh, tuwing andito lang naman siya saka mo siya pupuntahan pero kung wala siya pwede ka sa kusina"
"Opo madam"
"Huwag kang mag-alala itataas ko ang sahod mo, at siguradong may ibibigay din si sir na tip sayo"
"Nakuuuu maraming salamat po madam", tuwang tuwa na naman si Jenna sa narinig.
Madadagdagan ang iipunin niyang pera dahil madadagdagan na din ang sahod niya, ganun din ang tip na matatanggap niya ay iipunin niya lahat.
Masaya siyang lumabas ng opisina ni madam Milana, ibabalita niya ito agad kay Mayang at siguradong matutuwa ang kaibigan niya.
Habang naglalakad sila pauwi ay nakwento na niya ang tungkol dito, nakisabay din noon si Nico sakanila dahil nasiraan ito ng sasakyan.
"Ibig mong sabihin hindi kana makakapunta sa kusina?", tanong ni Nico.
"Kapag nasa club lang naman si Sir Brayson pero kung wala siya ay sa kusina ako", sagot niya.
"Ohhhh bakit ganyan ang itsura mo Nico?", tanong naman ni Mayang.
"W... Wala"
"Nakuuuu ako pa ang lukuhin mo, siguradong mamimis mo si Jenna kapag wala siya sa kusina mo", pang-iinis ni Mayang.
"Hoi", suway naman ni Jenna sa kaibigan.
Namula si Nico sa sinabi ni Mayang, hindi na din ito umimik dahil totoo ang sinabi ng dalaga.
May gusto si Nico kay Jenna ngunit hindi nito masabi ang totoong nararamdam dahil kay Mayang na over protective sa kaibigan. Hindi din naman nito masisisi ang dalaga dahil prinoprotektahan lang nito si Jenna.
"Akala kasi nitong si Nico hindi ko mahahalata, ehh Jenna may gusto jaya iyan sayo hindi lang masabi sabi", muling sabi ni Mayang.
"Mayang ano ka ba nakakahiya ka", suway na niya.
Seryuso lang ang mukha ni Nico at walang imik, napapaisip tuloy siya na kung totoong may gusto nga ito bakit hindi nito sabihin kesa manahimik.
Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa makauwi na sila sa kani kanilang apartment. Nagpaalam na si Nico at hindi ito makatingin sa mga mata ni Jenna.
"Kita mo natotorpe", usal ni Mayang ng makapasok na si Nico sa apartment nito.
"Napahiya lang yun sa mga sinabi mo"
"Hmmm bakit totoo naman na nahahalata na sakanya eh, tignan mo ang saya saya noong maisakay niya tayo tapos noong nalamang waitress kana ni sir Brayson hindi na maipinta ang mukha niya"
"Magkaibigan kasi kami sa kusina, baka naisip niya na mawawalan na siya ng kaibigan doon"
"Maniwala naman ako, noong wala kapa kaibigan niya lahat ang mga nasa kusina nuh"
"Ganun?"
Tama nga naman ang sinabi ni Mayang, simula noong dumating siya ay napansin na niya ang pagbabago ng pakikitungo ni Nico sakanya kumpara sa mga kasamahan niyo. Oo nga at magkakaibigan silang lahat doon pero iba ang trato ni Nico sakanya. Nahahalata naman pero hindi lang niya binibigyan ng pansin at ngayon ay napapaisip na siya dahil sa sinabi ni Mayang.