CHAPTER 15

1369 Words
HALOS MANGINIG NA ANG BUONG katawan ni Jenna dahil sa kaba, byernes na kasi ngayon at ito ang unang araw niyang magtrabaho bilang waitress ni Brayson. "Okay ka lang?", tanong ni Mayang sakanya. Nasa apartment pa sila at naguumpisa na silang mag-ayos sa kanilang sarili para magtrabaho. "Kinakabahan ako Mayang" "Saan naman?" "Ito ang unang araw ko kay sir Brayson, paano kung hindi niya nagustuhan ang trabaho ko" "Ano ka ba think positive ka lang kaya, puro ka kasi nega kaya ayan kung ano ano ang nasa isip mo, hindi ka naman siguro nun sasaktan o pag-iisipan ng masama" "Eh kung ipatanggal niya ako sa trabaho eh di kawawa ako" "Sus ayan lang naman pala, eh di bumalik ka sa kusina, saka hindi ka tatanggalin ni madam nuh" Gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ng kaibigan, sabagay nga naman kung hindi magustuhan ni Brayson ang trabaho niya eh di babalik siya sa kusina. Umalis na sila at pagdating nila sa club ay agad niyang pinuntahan si madam Milana sa opisina nito. "Ohhh ito ang uniform mo, pwede mong iwan nalang dito at labahan para hindi kana mahirapan pang magdala, may washing naman at dryer tayo pwede mong gamitin", saad ni madam sabay abot ng paper bag na may lamang mga uniform at sandal na gagamitin niya. "Salamat po madam" "At ito ang mga maskara na pwede mong gamitin, terno iyan sa mga uniform mo" "Salamat po ulit" "Sige na magbihis kana, sa staff room ka lang maghintay at ipapatawag nalang kita kapag dumating na si sir Brayson" Nagpaalam na si Jenna at tumungo sa staff room, andoon na ang mga waitress at naguumpisa na silang magayos ng kanilang sarili. Andoon din si Viola na todo pagandan, kahit pulang pula na ang labi sa lipstick nito ay naglalagay parin. "Byernes ngayon pupunta si sir Brayson, makikita ko na naman ang kapogihan niya, ang yummy niya kaya super macho niya", bulalas ni Viola. "So ano na nahalikan mo na ba?", tanong ng isa. "Hindi pa nga eh, paano naman kasi walang kasing lamig ang ugali niya, kahit pakitaan ko na ng malupitan kong moves ay iniignore lang niya" "Hmmmm baka hindi ka niya type?", tanong ng isa. "Sa ganda at sexy kong ito hindi niya ako type, huh makikita niyo ngayong gabi may baon akong balita sa inyo, mahahalikan ko siya at ivivideo ko pa", mayabang na wika ni Viola. "Sus sige nga kung mapaamo mo si sir Brayson eh kilala yun sa pagiging allergic niya sa babae" "Huh makikita niyo" Hindi nalang niya pinapansin pa ang kayabangan ni Viola, hindi nito alam na simula sa gabing ito ay hindi na siya ang waitress ni Brayson kundi siya na. "Ohhhh Jenna bakit ganyan ang suot mo yan na ba ang bagong uniform ng taga kusina?", pangiinsulto sakanya ni Viola. "Hindi", matapang niyang sagot. "Hindi? Eh bakit ganyan ang suot mo?" "Waitress na ako ngayon" Nagtawanan ang mga babaeng nasa loob ng staff room. "Waitress? Hahaha Jenna nagpapatawa ka ba, eh hindi naman ganyan ang waitress eh hindi sexy, tignan mo nga kami paano kami magsuot ng damit at magpaganda" "Hindi ko naman kailangan ng mga ganyang damit at itsura para maging waitress ako" "Hahaha assuming ka naman Jenna, baka nagkamali lang si madam ng iniutos sayo, kawawa ka naman", saad ni Viola at saka na umalis. Sumunod naman ang mga kasama nito habang tumatawa sila, naiwan siyang nakangisi habang sinusundan tingin ang mga ito. "Tignan nga natin kung mayayabangan mo pa ako kung malaman mo kung sino ang pagsisilbihan ko ngayon gabi, well sorry ka nalang Viola dahil ako ang tatawa mamay", bulong niya. Pagsapit ng alas onse ay nasa staff room parin siya, hindi niya alam ang gagawin kung lalabas na ba siya o hindi pa. Gusto niyang humiga dahil inaantok na siya lalo na at wala siyang ginagawa pero hindi pwede baka masira ang ayos niya ngayong gabi. Mag alas dose na ng tumawag si Mayang sa intercom na nasa staff room. "Dumating na si sir Brayson puntahan mo na", utos nito. "Sige, salamat" Huminga siya ng malalim saka sinuot ang maskara niya, lumabas na siya at tinungo ang vip room ni Brayson, ng malapit na siya sa pintuan ay nagbukas ito at mukha ni Viola ang nakita niya. "Sir anong dahilan bakit hindi na ako ang waitress mo ngayon?", dinig niyang tanong ni Viola. "I found another one so just leave now!", pasigaw na sagot ni Brayson. Kinilabutan siya sa narinig dahil ito ang unang beses na narinig niyang sumigaw ito. Nasa labas lang siya ng pintuan at ng lumabas si Viola ay nagkasalubong ang mga mata nila. Hinarap siya nito at nanggigil. "Ikaw ang waitress ni sir ngayon?", galit na tanong ni Viola. "Oo, ako nga", diin niyang sagot. "Hayop ka mang aagaw!", akma na sana siyang sasampalin ni Viola pero sinangga ni Brayson ang kamay nito. "Huwag na huwag mong dadapuan ng kamay mo ang kahit anong parti ng katawan niya", galit na saad ni Brayson. Napanganga naman siya sa ginawa ng binata, ngayong ay pinagtatanggol na siya nito. Medyo natuwa siya sa narinig pero hindi nawala ang takot kay Brayson. Umalis na si Viola na nagdadabog. "Okay ka lang?", tanong ni Brayson sakanya. "O.. Okay lang ako sir.... Salamat po" "Welcome... Pumasok kana" Pumasok na siya sa loob at saka sumunod ang binata, nagtanggal ito ng suot na tshirt at tanging pantalon lang ang naiwan. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa nakitang katawan nito, grabe ang lalaki ng braso at may mga abs pa, ganun din ang malulusog nitong muscle sa dibdib nito na ang sarap haplusin at pisilin kong tunay ngang matitigas ang mga ito. Naisip niya na alagang gym ang binata dahil napaka perfect ang katawan. Hindi namna niya maintindihan kung bakit napapalunok siya habang pinagmamasdan niya ito. "Jenna bigyan mo ako ng alak", utos ni Brayson sakanya. Hindi niya ito narinig dahil lumilipad na ang utak niya habang nakatitig sa magandang imahe na nasa harapan niya. "Jenna!" "Ahy ang sarap este... Sir?" "Alin ang masarap?", tanong sakanya ni Brayson. "Ahh huh wala sir, ano po ba iyong iniutos niyo?" "Sabi ko bigyan mo ako ng alak" "Ahhh okay sir... Pasensya na po" Ito na nga ba ang sinasabi niya, unang araw palang ay may palpak na siyang nagawa, bakit kasi hindi niya narinig ang sinabi ng binata gayong wala naman siyang sakit na iniinda. "Paktay kang bata ka iba ang nasa isip mo", bulong niya. Ng makakuha na siya ng alak ay ibinigay na niya ito jay Brayson na nakaupo na sa couch. Malamig naman ang loob ng silid pero bakit nakahubad ito, at parang hindi nakakaramdam ng lamig. "Sit down", utos ni Brayson sakanya. Umupo naman siya sa dulo ng couch. "Beside me, paano mo ako sasalinan ng alak kung malayo ka", saad ni Brayson. "Ahhh sorryyy sir" Ang sabi ni madam sakanya ay hindi pinapatabi ni Brayson si Viola noong ito pa ang waitress ng binata, pero bakit ngayon ang gusto nito ay tumabi siya. Kinakabahan na siya baka kung anong gawin na ng binata. Halos isang dangkal na ang pagitan nila, umiinit na ang katawan niya dahil sa kaba, at halo halong emosyon. Naamoy kasi niya ang pabango ni Brayson na kumapit sa katawan nito. Lalo pang nagpakaba sakanya ng akbayan siya ni Brayson at nakaharap na ang mukha nito sakanya. "Ano ba ang nasa likod ng maskara ba iyon?", seryuso nitong tanong. "S... Sir kasi.." "Okay lang hindi ko naman ipapatanggal, curious lang ako bakit ka nakasuot ng maskara, sigurado naman akong maganda ka, lalo na kapag nagsasalita ka" "Sorry sir iyon po kasi ang usapan namin ni madam para pumayag ako na maging waitress mo" "I know, pero sana isang araw pumasok ka dito na hindi na iyan suot" Hindi siya umimik bagkus ay namumula na ang mukha niya, kahit natatakpan ito ng maskara at hindi makita ni Brayson ay alam niyang ramdam nito ang kaba niya. "Huwag kang kabahan hindi kita gagalawin", saad pa ni Brayson at saka hinawakan ang kamay niya. Lalo lang nagpabilis ng t***k ng puso niya ang huling ginawa nito, pero hindi niya maintindihan ang sarili bakit siya pumayag at kinikilig na din siya. (NAGKAKAGUSTO NA KAYA SI BRAYSON KAY JENNA?)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD