CHAPTER 10

1107 Words
JENNA POV'S Busy kami ngayon dito sa kusina dahil madaming costumer, ganito tuwing araw ng byernes dahil week end naman. Nakakapagpahinga lang kami kapag weekdays dahil walang masyadong costumer at ngayon naman ay talagang mabilisan ang bawat galaw para hindi kami matambakan. Nagring ang intercom dito sa kusina, hindi naman maharap ni Nico dahil madami din siyang ginagawa. "Sagutin mo muna Jenna", saad niya. "Sige" Nagpunas na nga ako at saka kinuha ang intercom, ng tignan ko ay number 8 ang nakalagay kaya naman agad kong sinagot dahil VIP costumer namin ito. "Hello this is kitchen staff how can I help you?", saad ko. Hindi man ako nakapag-aral ng college pero magaling ako sa mga ganitong bagay lalo na kung costumer ang kausap. At may kaunting alam din ako sa English dahil ito ang favorite subject ko. Hindi umiimik ang nasa kabilang linya, iwan ko kung narinig ba niya ako o hindi. Kaya inulit ko nalang. "Hello?" At sa wakas ay narinig kong tumikhim siya. "Ahhh yeah hello, pakisabi sa cooker niyo magoorder ako katulad ng dati", sagot nito. "Okay sir sasabihin ko po, yun lang po ba?" "Ahhh yeah at ipapakuha ko nalang sa waitress ko kapag ready na" "Okay sir, bye", at saka ko na ibinaba ang tawag. Sinabi ko naman agad kay Nico ang order ng costumer at agad niyang ginawa ito dahil ayaw daw ni sir ang ang matagal maghintay. Bumalik na ako sa trabaho ko at mayat maya ay pumasok si Madam Milana, mukhang balisa ito at may malaking problema. Isa isa niya kaming tinignan na mga at napapakamot sa ulo, umalis na siya at makaraan ng ilang sandali ay bumalik na naman. "Jenna?..", tawag niya sakin. "Po madam?" "Halika muna saglit" Lumapit ako sakanya, hinila niya ako palabas ng kusina at saka kami pumasok sa opisina niya. "Madam may kasalanan po ba ako?", nag-aalala kong tanong. "Jenna kailangan ko ang tulong mo" "Bakit madam ano po bang nangyari?" "Wala kasi si Viola, andito si Sir Brayson at kailangan niya ng waitress... Hindi available ang iba kong waitress eh... At wala akong mahanap pwedeng pumunta doon.... Jenna mahalagang costumer si Sir Brayson" Hindi ko parin maintindihan kung ano ang pinupunto ni madam, maging ako ay naguguluhan sa sitwasyon niya. Nahahawa na ako sa pagiging aligaga niya. "Anong tulong ang gusto niyo madam?" "Pwede bang ikaw na muna ang maging waitress ni sir Brayson?.. Kahit ngayong gabi lang" "Pero madam wala po akong alam sa pagiging waitress eh" "Sasalinan mo lang siya ng alak sa baso niya, at maguutos lang naman yun ng kailangan niya" "Pero madam baka po..." Kinakabahan ako dahil baka may masamang gawin sakin ang sinasabi ni madam na sir Brayson. Mukhang nabasa naman ni madam ang nasa isip ko "Huwag kang mag-alala hindi bastos na lalaki si sir Brayson, ang kwento nga ni Viola ay pinapalayo siya at hindi pinapatabi sa upuan. At malaki daw ang binibigay ni sir na tip... Kaya dagdag na din iyon aa iniipon mo". Ang huling sinabi ni madam ay nagpasaya sakin, kung malaki ang tip na maibibigay sakin ay madadagdagan nga ang iniipon ko. Kaya naman ay pumayag ako dahil isang gabi lang naman. "Nakuuuuu maraming salamat Jenna, hayaan mo bibigyan din kita ng bonus mo mamaya" At lalo pa akong natuwa sa sinabi ni madam. "Naku madam salamat po", masaya kong sabi. "Ohhh siya ito ang isusuot mo, mukhang kasya naman iyan sayo", wika niya sabay abot ng isang red sexy dress, ito ang color code ngayon ng mga waitress at sandal na may takong. "Ma'am ito ang isusuot ko?" "Oo" "Ma'am hindi ako sanay magsuot ng ganito, ang iksi at halos labas na ang kaluluwa" "Ngayon lang naman Jenna, at saka ito pa isuot mo ang maskara na ito at kahit anong mangyari huwag mong tatanggalin para hindi ka mamukhaan ni sir Brayson" Wala na akong magagawa kundi sundin ang utos ni madam, sabagay isang gabi lang naman kaya okay lang. Lalakasan ko nalang ang aking loob para hindi ako magkamali sa trabaho ko ng sa ganun ay malaki ang ibigay sakin na tip ni sir. Tinulungan na ako ni madam na magbihis, ng matapos na ay namangha siya sa itsura ko. "Wow Jenna ang ganda mo, bagay na bagay sayo ang damit at sandal..... Sinong magaakala na gaking ka sa probinsiya sa ayos mo ngayon... Napakaganda mong bata..", puri niya sakin. "Salamat madam" "Halika ayusin natin ang buhok mo" Umupo ako at saka plinantsa ni madam ang buhok ko, mahaba at maitim ito kaya naman ay lalong namangha si madam. Ang huli ay linagyan niya ng make up ang mukha ko, light lang naman dahil nagmamadali na siya. "Ayan ayos na, lumitaw talaga ang kagandahan mo, parang hindi ikaw yung dishwasher ko ahhhh..." "Madam naman hindi pa tumigil sa kakapuri sakin" "Totoo ang sinabi ko, yang ganda mong yan pang foreigner yan... Madami ang magkakagusto sayo sigurado yan" Ngumiti nalang ako sakanya, dahil imposible na madami ang magkagusto sakin. Inosente ako at walang pinag aralan kaya siguradong paglalaruan lang ako ng mga lalaki dahil ganda ko lang ang habol nila. "Sige na isuot mo na iyang maskara mo at ihahatid na kita kay sir" Isinuot ko na nga ang maskara na binigay niya sakin at saka ko na siya sinundan. Habang naglalakad kami ay nakita ko kung gaano kaganda ang loob ng club. Madaming tao, maingay dahil sa music, makukulay ang mga ilaw at malawak ito. Nakita ko sa baba ang bar counter kung saan nagoorder ang mga costumer ng mga alak at ang pwesto ni Mayang na nagkakahera. Ibinaling ko na ang paningin ko dahil malapit na kami sa VIP rooms, sa room number 8 ang pinuntahan namin. Naalala ko ang tumawag kanina dahil number 8 iyon. Ahhhh siguro dito ang kay sir Brayson. Kumatok si madam at ilang sandali ay binuksan na ang pinto, mukha ng gwapong binata ang bumungad sakin na ang akala ko ay may edad na ngunit mali pala ako dahil mukhang nasa 25-30 plus palang ito . Napaka gwapo talaga nito at matipuno, matangkad at sa tantiya ko ay may lahi itong foreigner. Yun nga lang ay nakasimangot at hindi manlanga marunong ngumiti, siguro bad trip dahil wala si Viola Nagusap sila ni madam at saka ko siya binati, nagulta pa siya at mukhang may malalim na iniisip habang nakatitig sakin. Nagdadasal nalang ako na sana hindi niya ako pagtripan ngayong gabi. Pumasok na ako sa loob at nagsimula na akong maglagay ng alak sa baso niya na nasa mesa. Mayat maya tumawag na ang kitchen staff dahil naluto na daw ang order ni sir Brayson kaya naman agad akong lumabas at kinuha iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD