[AVA WRENLEY’S P.O.V.] This is the day… The day where Brix and me will meet again, after years… Kinakabahan ako. Hindi ako nakakaramdam ng excitement o kung ano pa man. Kaba ang tanging nararamdaman ko. Kinakabahan ako na baka sa oras na magkita kami ay may mangyari na hindi maganda. Naiisip ko na baka ‘di lang kami ang nakakaalam tungkol sa pagkikita namin. Both Jack and Kael have their eyes on me… Pinapanood at alam nila ang bawat kilos at galaw ko. Hindi man alam ni Jack na kikitain ko si Brix ngayong araw, pero sa oras na lumabas ako sa bahay ni Kael ay alam ko nang may susunod sa akin. Samantalang wala pa ako masiyadong tiwala kay Kael. Pinayagan niya ako ng agad-agad lang at hindi na siya nakipagtalo pa. ‘Di ko tuloy alam kung talagang hahayaan niya ako o hindi. Ah, basta! I am a

