“Ilang araw ko nang napapansin na wala ka sa sarili mo at mukhang malalim ang iniisip mo. I don’t want to meddle with your life. Ngayon lang ako nagsalita.” Natauhan ako nang marinig bigla ang sinabi sa akin ni Ryan. Narito ako ngayon sa La’Viela. Ilang araw ko nang iniisip ang sinabi ni Ava sa akin na gusto niya na magpakasal kami, to make it official. Aaminin ko, noong una ay tila ba nadala ako ng mga salita niya. Mayroon sa loob ko na gustong pumayag sa gusto niya na mangyari. But as time passes, napaisip ako sa sinabi niya na ‘yon. Ang daming mga tanong ang pumasok sa isipan ko. Bakit gusto niya bigla na magpakasal kami? Hindi ba at ayaw niya sa akin dahil sa ama ko? Alam din niya na si Jack ang may gusto na ikasal kaming dalawa, nang sa gano’n ay makuha siya ni Jack. Kaya bakit gu

