[KAEL ROWAN’S P.O.V.] Damn it… Isang araw na akong nakahiga lang dito sa kama ko. Pakiramdam ko ay hindi man lang bumababa ang lagnat ko. Hindi na masiyadong masakit ang ulo ko kapag nakahiga ako, pero sa oras na bumangon na ako ay saka parang pinupukpok ang ulo ko. Ang ayoko talaga sa lahat ay ang magkaroon ng sakit. Mas masakit pa ang lagnat kaysa sa tama ng bala sa katawan ko. Mas kaya ko pa nga na tiisin ‘yon, kaysa sa hayop na lagnat na ‘to. “Hindi ka talaga gagaling kung hindi mo tinatanggap ang tulong ko sa ‘yo,” narinig ko naman na pangaral sa akin ni Ava. Gusto ko man na i-lock ang kwarto ko para ‘di na siya makapasok, ‘di ko naman magawa. Dahil kaunting galaw ko lang ay sumasabog na ang ulo ko sa sakit. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng lagnat. Ang huling lagnat ko pa ay n

