Pinatayan ko ng tawag ang ama ko. Hindi ko sinagot ang sinabi niya sa akin. Paano niya nalaman na kasama ko na ngayon sa iisang bahay si Ava? Walang nakakaalam ng bahay ko na ‘to, bukod sa akin, si Rence, at si Ryan. Hindi alam ni Dad ang lugar na ‘to. Kaya paano niya nalaman ang tungkol sa pagtira ni Ava rito? Tang ina! Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ba gustong-gusto niya ako na ipakasal kay Ava. Tinawagan ko naman si Ryan at agad niya ‘yon na sinagot. “Come here and report to me immediately. I will only give you thirty minutes to come here. Bring Rence with you.” Pinatay ko na rin agad ang tawag matapos no’n. Sinubukan ko na tumayo. Mabuti na lang at medyo kaya ko na rin naman. Dumeretso ako sa banyo para maligo. Saglit lang ako na naligo. Para mawala lang ang init sa katawa

