[AVA WRENLEY’S P.O.V.] Continuation of Flashback… Jack Rowan is calling… Ano na naman ba ang tinatawag sa akin ng lalaki na ‘to? Nakakabwisit dahil palagi na lang niya akong tinatawagan. Wala naman akong pakialam sa kaniya. Naiinis na ako dahil wala akong magawa kundi sagutin lamang ang tawag niya sa akin. Dahil gusto ni Mom na sagutin ko palagi ang mga tawag niya. Gusto raw niya na magkalapit kami ng loob ni Jack. Kahit pa hanggang sa mamatay ako ay wala akong balak na maging ayos sa kaniya. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag niya sa akin. “Hello?” sagot ko. Kahit na wala akong balak na respetuhin siya, pero kailangan. Gusto ko rin na mailabas agad sa kulungan si Dad. Kaya kailangan kong umakto at gawin ang lahat para makahingi na ako ng pabor sa kanila na palaba

