[AVA WRENLEY’S P.O.V.] FIVE YEARS AGO… “Nalaman mo na ba kung sino ang anak ni Jack Rowan?” tanong ko kay Brix. Brix McCullough is my boyfriend. Tinatago ko lang ang relasyon namin kay Mom. Ayaw niya na magkaroon ako ng boyfriend. Kahit na nasa tamang edad naman na ako. I’m already twenty years old, pero para pa rin akong bata kung ituring at pagbawalan ng ina ko. Sakal na sakal na talaga ako sa kaniya. “Wala pa akong nahahanap na kahit na anong impormasyon tungkol sa anak niya. Baka naman wala talaga siyang anak?” sagot naman niya sa akin. “Imposible na wala siyang anak. Sigurado ako na mayroon siyang anak. Kailangan kong malaman kung sino siya.” “Para saan pa ba at gusto mong malaman kung sino ang anak niya, kung mayroon man? May binabalak ka ba na gawin sa kaniya?” “I just w

