Bago ako sumagot sa sinabi niya ay may narinig ako na mga kaluskos mula sa mga puno. “Sshh,” pigil ko sa pagsasalita muli ni Ava at sinenyassn ko siya na ‘wag maingay. Hinila ko siya para magtago sa isang puno at pinakiramdaman ko naman ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan sila. Mahirap din ang lumaban nang mag-isa ngayon dahil hindi ko nakikita ang mga kalaban at kung ilan sila. Mabuti sana kung mag-isa lang ako ngayon, pero hindi. May kasama pa ako na isang kailangan ko pa bantayan. “I saw them,” bulong sa akin ni Ava. Mabilis ko naman siya na nilingon at kinunutan ng noo. “May mga kalaban ba sa paligid natin? Kaya pinaghinalaan mo ako na may sinabihan ako na ibang tao na narito tayo ngayon sa lugar na ‘to?” bulong pa niyang muli sa akin. Ngumuso siya at itinuro ang dalawang lal

