[KAEL ROWAN’S P.O.V.] Dahan-dahan naman ako na lumapit sa lalaki na nasa puno. Habang palapit ako sa kaniya ay napansin ko na umaakto siya na may ginagawa sa kaniyang phone. Nang mapunta ako sa unahan niya ay tiningala niya ako. Ang itsura ay mukhang naghahanda na sa posible kong gawin sa kaniya. “Sino ka?” tanong niya agad sa akin. “Magtatanong lang sana ako,” pagkukunwari ko naman. He let his guard down when he heard what I just said. “Ano ‘yon?” “Alam mo ba kung nasaan ang Casa Esqanta? Naliligaw na kasi ako.” Lumingon naman siya sa kaliwa at kanan niya at saka itinuro ang nasa kanan na bahagi. “Ah, doon banda ang Casa Esqanta. Deretso ka lang tapos kapag may nakita ka na lagusan palabas, lumiko ka roon. Tapos may makikita ka na eskinita at pagpasok mo roon, ang labas no’n ay

