"Hindi naman ako na-informed na ganitong ensayo pala ang ituturo mo sa akin ngayon dito sa kampo ninyo," pabirong sambit sa akin ni Ava. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya na 'yon. Nakahiga kami ngayon sa kama ko dahil parehas pa kami na nanglalambot ang mga binti dahil sa ginawa namin. Kaya naman ay nagpapahinga muna kami bago kami tumuloy sa tunay na ensayo. "Sino kaya ang nang-aakit sa akin kaya iba ang naituro sa kaniya?" tanong ko naman. "Sus! Gusto mo rin naman. Hindi mo lang ako matiis at tigang na tigang ka sa akin." Nakayakap sa akin ngayon si Ava habang ang ulo niya ay nakalagay sa braso ko. Ang kamay ko naman ay nilalaro ang mabango niya na buhok dahil medyo mas mataas ang pwesto ko kaysa sa kaniya. Tiningala naman niya ako, kaya tiningnan ko rin siya. "Ganito na lang b

