ANO ANG GINAGAWA NIYA RITO? BAKIT SILA MAGKASAMA NI JACK? ‘Yon agad ang mga tanong na naisip ko nang makita ko si Brix McCullough na pumasok sa kampo. “What the hell are you doing here? And with my father?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kaniya. “You mean… our father?” Napakunot muli ang noo ko sa sinagot niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin? “Oh? Anak ka ba niya sa labas? Sa ibang babae na ‘di ko alam? ‘Yon ba ang sinasabi niyo sa akin ngayon?” inis na sagot ko sa kanila. Dahil pinapaligoy-ligoy pa nila ang kanilang mga salita. Ayaw na lang nila na deretsuhin na sabihin sa akin ang nais nilang ipahiwatig. Ginagago ba nila ako? “I guess… you failed to recognize me, my brother. I am back, Mikhailo.” Napahinto ako. Tila ba tumigil ang ikot ng mundo ko nang marinig ang pangalan na ‘

