GIORDAN “Daddy, look at Mama! She’s on TV!” Turo ni Garett sa telebisyon habang nagbabalita si Melissa sa isang flash report. Tinanggal ko ang suot kong apron at lumipat ako sa sala. Pinatay ko ang TV. “Daddy! No! I am watching!” “Garett anak, let’s just go outside. I have an idea! Why don’t you help Daddy water the plants?” Nakangiti kong tanong sa aking anak. Biglang lumiwanag ang mukha ni Garett. Kahinaan ng aking anak ang mga halaman. Mahilig itong magtanim kaya ito ang naisip kong paraan para mailihis ang atensyon nito sa kanyang ina. Matalino si Garett. Sa kanyang murang edad ay naiintindihan na niya ang sitwasyon namin at kung ano ang nangyari sa amin ng kanyang ina. Pero bilang isang bata, naiintindihan ko rin na nangungulila siya sa pagmamahal ni Melissa. Ilang beses ko din

