GIORDAN Come on, Gio! Speak up! Dammit! Ito ang sinisigaw ng isipan ko pero ginagapi talaga ako ng puso ko. Natameme talaga ako sa kagandahan ni Gella. Ni hindi ko siya ma-greet man lang ng Merry Christmas din. Kinulang ako ng lakas ng loob. Wala akong magawa kung hindi ang mapalunok at titigan siya dahil para siyang cotton candy—napakalambot, nakakagigil at nakakalulong sa mata. Dahan-dahan siyang umupo at dinampot ang nabitawan kong tuwalya. Pagkatapos ay pinagpag niya ito ng marahan at lumapit sa akin. Pinunasan niya ang aking noo. Parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Hindi ko napigilan ang aking sarili at napahawak ako sa kanyang malambot na kamay. Napatigil ito sa kanyang ginagawa at napatitig sa akin. Bigla akong nakabalik sa katinuan at napaurong pal

