GELLA “Are you serious??? This is so funny! Hahahahaha!” Sabi sa akin ni Sir Gio. Halos mapaupo sa sakit ng tyan sa carpet sa kakatawa si Sir Gio sa akin pagkatapos kong sabihin na sinigang sa hipon ang lulutuin ko para ma-impress ko siya. Ginaya naman ni Garett ang kanyang ama na tumatawa na rin habang gumagapang sa malamig na sahig. Napahawak ako ng mahigpit sa magkabilang dulo ng chopping board sa inis ko sa dalawang mag-ama na ito. Ayaw talaga akong payagan ni Sir Gio na magtrabaho sa kanya bilang kasambahay. Pilit niyang isinasara ang pintuan ng ref nang halungkatin ko ito para makahanap ng rekado. Para kaming mga batang naghihilahan sa pintuan ng pridyider. Tumigil lamang ito sa kanyang kakulitan nang makipag-pustahan ako sa kanya na kapag nakapagluto ako ng putaheng magugustuhan

