GIORDAN “Seriously, you won’t be able to impress me with local dishes you know—” Bigla akong natameme nang marinig ko ang kanyang napakagandang tinig. Unti-unti kong inangat ang aking mga mata mula sa nilalaro kong Mobile Legends at pinagmasdan ang babaeng nagluluto sa harapan ko. Parang isang manipis at malambot na telang bumalot sa aking puso ang kanyang boses. Napakagaang pakinggan, nakakahalina. Parang dinala ako sa isang malawak na hardin ng bulaklak habang pinapakinggan ko ang kanyang pagkanta. Para akong hinehele ng isang anghel at nawala ang lahat ng problema ko sa buhay. Hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang cellphone na hawak ko at napatayo sa aking kinauupuan. Tinignan ko ang aking anak. Nakapangalumbaba ito sa mesa at tumutumba-tumba ng malumanay ang kanyang ulo na

