Napalingon ako sa kanyang sinabi. Ngumisi ito na tila kinukutya pa ako sa hindi ko maitagong reaksyon ng aking mukha. Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya at natawa ito. Tumayo siya mula sa pagkakasandal at lumapit sa amin ni Garett. Ginulo niya ang buhok ng anak ko at nakipagkulitan dito. Nanatili akong walang imik habang pinapanood sila. "I may have made her too perfect... Kahit ako ay hindi makapaniwala sa kanyang ganda ngayon. Pursigido din siya sa kanyang pagbabago kaya kahit ang kanyang hubog, dude... Sobrang sexy niya ngayon." Ayaw ko mang aminin sa aking sarili pero talagang na-excite ako sa balita ni Luke. Hindi ko naman siya sinabihang magkita kaming muli pagkatapos ng isang taon pero hindi ko mapigilan ang sarili kong masilayan siya kahit sa malayo man lang. "Napakabait na

