Chapter 4:Bahaghari

1374 Words
GIORDAN Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng maraming taon na muli akong nakinig sa boses ng isang babae ng matagal. Sanay akong makipag-usap sa mga kliyente dahil isa akong chef at may-ari ng chain of restaurants. Ngunit tinatrato ko ang lahat ng talakayan bilang mga business transactions lamang, wala ng iba. Pero iba ang babaeng kaharap ko. Kung tutuusin ay para na siyang isang ina na may limang anak sa kanyang baduy na istilo ng pananamit at hubog ng katawan, ngunit hindi ko mawari kung bakit para akong naaakit sa kanya. Marahil ay dahil mabait itong kausap. “So… ayun. Yun ang katuloy ng kuwentong napakinggan mo sa aking recorder. Ngayon alam mo na kung bakit wala na akong dahilan para mabuhay pa…” Sabi nito ng may mapaklang pagngiti. Hindi ako umiimik habang pinagmasdan ko kung paano siya uminom ng mainit na kape. Binilhan ko siya ng mainit na maiinom sa 7/11 Convenience Store at nagpasalamat naman ito. Tinungga ko naman ang alak na nabili ko kanina para sabayan siya sa pagkukuwento. Mula nang magising siya kanina ay naramdaman kong mas kalmado na ang damdamin niya ngayon. “Wala ka man lang bang follow-up question?” Nakangiti niyang tanong sa akin. Marami akong mga bagay na kayang gawin, ngunit hindi ang mag-usisa. Palibhasa ay hinubog ng mapait kong karanasan ang aking ugali kaya naging tahimik talaga akong tao—bagay na kahit ang anak kong si Garett ay naaapektuhan na rin dahil sa aking personalidad. “Hmmmm… May I know what you did after you witnessed your husband having an affair in bed?” Mahinang boses kong tanong na hinugot ko pa sa kailaliman ng lalamunan ko para lamang maipagpatuloy pa namin ang aming pag-uusap. Tumawa siya ng malakas pagkatapos kong magtanong. “Ano ka ba, Mr. Savior? Napaka-pormal mo namang magsalita. Alam kong mukha na akong otsenta anyos pero feeling ko magka-edad lang tayo. Huwag mo namang masyadong pormalan.” Hindi ko sinuklian ng pagngiti ang kanyang friendly comment. Yumuko lang ako at lumagok uli ng Red Horse. Doon naman ako magaling, ang magtago ng totoong nararamdaman. Napabuntung-hininga ang babae at sumulyap sa langit. “Nang makalabas na sila sa bahay, nagkulong pa rin ako doon ng isang oras. Hinayaan kong sairin ng sakit ang natitira kong respeto at pagmamahal sa taksil kong asawa. T-angina sila. Pagkatapos ay inayos ko ang sarili ko at umuwi sa bahay ng aking mga biyenan. Ayun pala, hindi ko nakuwento sa recorder kung gaano kabagsik ang kanyang nanay. Kung may napapanood kang mga dragonang byenan sa teleserye, puwede mo siyang ihanay doon. Inalipusta nila akong lahat. Tinuring nila akong parang isang alila. Some other time, maku-kuwento ko rin sayo. Well, kung magkikita pa tayong muli.” Ibinaling ko ang mga mata ko sa kanya dahil sa kanyang huling sinabi. Ni hindi ko alam kung ano ang kanyang pangalan ngunit sigurado akong pagsisisihan ko kung ito na ang huli naming pagkikita. Nais ko sanang hilingin sa kanya na magkita kami ng madalas pero wala talaga akong talento sa pagpapaliwanag. Sa halip na matumbok ko ang nais kong sabihin ay iba ang aking nasabi. “…Hindi ka pa naman tapos na magkuwento…” Muling natawa ang babae at pumalakpak. “Huy! Ganyan ka ba talaga? Alam mo, mas klaro sana kung sinabi mo na lang na mag-meet tayo ulit para matuloy ko ang kuwento.” Biglang namalat ang lalamunan ko at tumingin sa kabilang dako. Narinig kong humagikgik siya sa aking ikinilos pero hindi ko na pinansin. Nag-ipon ako ng lakas ng loob na tanungin siyang muli. “So… what are your plans now?” Pinagmasdan niya ang hawak niyang styro cup at inikot-ikot ito na parang nilalaro ang natitirang kape sa lalagyan. “Well… Technically, wala na akong uuwian. I think by this time, alam na ng asawa ko na dala-dala ko ang kotse at ibinenta ko sa sobrang babang halaga ang binili kong bahay para sa amin. Itinaboy ako ng kanyang mga magulang kaninang umaga para pilitin akong mamalengke at magbukas ng karinderia kahit bisperas na ng Pasko at hindi pa ako umuuwi hanggang ngayon. So most probably, galit na galit na sila dahil wala silang pang-Noche Buena. May dala akong ilang milyon doon sa compartment ng kotse at kung hoholdapin mo ako ngayon ay kusa ko ng ibibigay.” Natatawa nitong tugon ngunit may bakas ng kawalang ganang magpatuloy na sa buhay. Bumaba ako sa inuupuan naming fruit stand at inunat ko ang mga braso at binti ko sa pagkakatayo. Tinignan ko ang aking relo. Pasado alas-dose na ng hatinggabi. Napailing talaga ako sa aking naiisip pero gaya ng babaeng ito, wala talaga akong ibang hangad kundi ang ibaon na sa limot ang lahat ng basura ng nakalipas. Wala ng pag-asa ang aking buhay sapagkat may Garett na akong nagbibigkis sa aking nakaraan at kasalukuyan. Ngunit ang babaeng ito, ang babaeng ito ay may pagkakataon pang mabago ang takbo ng kanyang buhay—at nais kong maging bahagi ng kanyang tagumpay. Ininom ko ang natitira alak sa bote at iniabot sa kanya ang aking palad. “Are you willing to start a new life?” Seryoso kong tanong sa kanya. Bumuka ang kanyang bibig ngunit hindi nakapagbitaw ng kahit isang salita. Siguro ay dahil hindi niya naintindihan kung ano ang nais kong mangyari para sa kanya. “I am willing to help you. You want to leave everything behind? I will help you. Yung pera mo sa kotseng iyon, give them all to me. Dadagdagan ko yan para makapag-start ka ulit. I will invest in you. I am giving you a chance to start all over again.” Kumunot ang kanyang noo at biglang umusog papalayo sa akin na parang nakaramdam ng takot. “A-anong gusto mong mangyari?” Inilapit ko pa ang aking palad sa kanya. “May kilala akong isang magaling na plastic surgeon. With your money and mine, I can make you a new person. I am offering you a second life, miss. Please grab it… Bago ako makabalik sa matinong pag-iisip.” Napahawak ito sa kanyang dibdib habang nakatitig pa rin sa akin ng may bakas ng pag-aalinlangan at pag-aalala. “Ba…Bakit mo ito ginagawa… You don’t even know my name… Paano ko malalaman kung hindi ito budol…” Huminga ako ng malalim. “Because I want you to fulfill your dreams. Kung nalipasan na ako ng pagkakataong itama ang akin, at least, matulungan man lang kita sa buhay mo.” “Pero bakit nga? Ano bang kuwentong meron ka? Bakit hindi mo linawin ang lahat?” “No more questions. Will you take my hand or not?” “…No.” Napapikit ako at ibinagsak ko ang aking kamay. Tumalikod ako sa kanya at nagdesisyong iwanan na lamang siya roon. Mabilis akong naglakad patungo sa aking kotse. Pinilit kong kalimutan na lamang siya ngunit hindi ko talaga magawa. Hinihila ako ng aking katawan pabalik sa kanya. Pakiramdam ko ay itinadhana kaming magkita dahil pareho kaming wasak. Binitawan ko ang handle ng pintuan ng aking kotse at naglakad pabalik sa kanya. Sinubukan kong ipaliwanag ang aking pakay sa abot ng aking makakaya. “Look, miss angelic face…” Pumaroo’t parito ako sa harapan niya para makahanap ng sasabihin. “I have a son. I was married. Pero gaya mo, iniwan din ako ng aking asawa at ipinagpalit sa pangarap niya. Ibinigay ko ang buhay ko sa kanya. Akala ko… akala ko katapusan ko na ng iwanan niya kami ng aming anak na isang taon pa lang noon gamit ang isang post-it note na idinikit niya sa ref. That b-ullsh-it wife of mine concluded our relationship in a piece of paper. Pero hindi ko tinapos ang buhay ko dahil may anak kami. But you, you have a chance to paint a new life. I really…I…please… Let me help you. Grab my hand, please… Para sa kapakanan mo… Para na rin sa ikatatahimik ng puso ko. Dahil at least, sa ating dalawa na pinagkaitan ng pagkakataong sumaya, may isang makakaahon sa lungkot…” Halos mangawit na ako sa kahihintay sa kanyang isasagot. Matagal din itong nagnilay at sa wakas ay tumugon. “Sa isang kondisyon.” Tumango ako. “Hayaan mong pagsilbihan kita bilang kabayaran sa lahat ng magiging tulong mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD