ANGEL
Ganito talaga siguro kapag desperado ka na sa buhay. Sumasama ka kahit sa taong hindi mo naman kakilala. Umaasang masisilayan mo ang magandang umaga sa pangako ng isang estrangherong tahimik at sobrang attractive.
Isang two-storey house ang bumungad sa amin. Moderno ang pagkakagawa nito at punung-puno ng mga salamin. Para sa isang binatang ama ay pansin kong hindi siya basta-basta. May Montero sports siya na puti na naka-park sa kanyang bahay at may top-down na sasakyan. Sa Sta. Monica Heights Subdivision siya nakatira kung saan karamihan sa mga mayayaman ng Tarlac ay dito nagpapatayo ng bahay. Ngunit kahit na ganoon ang estado ng kanyang pamumuhay ay hindi ko siya nakitaan ng yabang. Pagbaba ko sa kotse ay humarap siyang muli sa akin.
“I am Giordan Abuello. You can call me Gio.”
“Angel… Angel Castillo.”
“I like your name. It suits you… But from now on, let’s call you Gella. Gella Abuello.”
Nanatiling tikom ang bibig ko sa kanyang sinabi. Alam ko namang kailangan kong palitan ang aking pangalan dahil sa aming kasunduan. Pero hindi ko akalaing isusunod ko ang apelyido ko sa kanya. At sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang tumibok ng mabilis ang aking puso. Sa tagal na ng panahong hindi ako nakakaramdam ng kilig ay hindi ko na alam kung paano. Pero dinaig pa ng lalaking ito ang asawa kong itinuring akong katulong ng mahabang panahon at muli niyang napagalaw ang bato kong puso.
“Come in. No one’s home.”
“A-akala ko ba may anak ka…”
Yumuko ito at nakita kong sumilay ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
“Pasko ngayon… Mas mabuting nasa puder siya ng mga magulang ko. Mas mabibigay nila ang atensyong kailangan ng bata sa mga ganitong okasyon…”
Nais ko pa sana siyang tanungin kung bakit ganoon ang kanyang pakikitungo sa sarili niyang anak pero natatakot ako sa tahimik niyang personalidad. Minabuti ko na lamang na sabayan ang kanyang ugali dahil hindi ko pa siya lubusang kilala. Pinapasok niya ako sa kanyang bahay. Napakalinis. Ni wala akong makitang hibla ng buhok sa sahig. Minimalistic ang disensyo ng bahay. Moderno ang mga appliances at black, white at gray lang ang kulay ng loob. Sinasalamin ng bahay niya ang kanyang personalidad—simple, tahimik at malungkot.
“Upo ka. Let me serve you a drink.” Sabi nito.
---
GIORDAN
Binuksan ko ang ref at hinayaan kong palamigin ng lumabas na usok ang utak ko. Napapailing talaga ako sa naging desisyon ko. Ano bang pumasok sa kukote ko at nagawa kong papasukin ang babaeng katulad niya sa aking pamamahay? Bakit pa ako nagbitbit pa ng isang problemadong tao gayong sarili ko mismo ay hindi ko maayos-ayos? Bahala na.
Ipinatong ko ang isang baso na may Nestle milk na malamig sa kanyang harapan. Tumingin siya sa akin at nakita ko kung paano niya himasin ang kanyang mga tuhod. May katabaan si Angel pero balingkinitan ang kanyang mga hita. Walang bahid ng peklat ang kanyang mga legs at sing-puti ito ng sahig. Bago pa ako tumingin pataas sa kanyang legs ay minabuti ko ng kausapin siya para mawala ang libog ko.
“I’m… I’m sorry. Walang ibang laman ang ref ko kundi healthy drinks…”
Kaagad naman niyang ininom ang inihain ko. Sinimot niya ito hanggang sa huling patak. Ngumiti ito at sinulyapan niya ako ng may bahid ng pagkahiya. Nang magkasalubong ang aming mga mata ay pareho kaming napatingin sa kisame. Napalunok ako sa kakaibang bilis ng t***k ng puso ko. Tumayo ako sa aking kinauupuan at idinayal ang numero ni Luke.
“Duuudee! Merry Christmas!!!” Bati ni Luke.
Napatingin ako sa aking relo at nakita kong mag-aalas-dos na ng umaga.
“M-merry Christmas, too. Luke…”
“Taena, dude. Bagay na bagay ang ugali mo sa Pasko. Cold. Hahaha!”
Napapikit ako sa kanyang sinabi at minasahe ko ang sentido ng ulo ko.
“I have something to ask sana. But I think you’re drunk. Maybe some other time.”
“No no no no! Tell me now! Come on!”
Lumingon ako kay Angel. Napabaling ang kanyang mga mata sa ibang direksyon nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin.
“I may have to ask you to work tomorrow…”
“Gio! Pasko ngayon!”
“…Please.”
“Saan naman ako makakahanap ng assistant aber? It’s Christmas vacation for God’s sake! Tsaka ano bang ipapa-ayos mo? Sa guwapo mong iyan?”
“Not me. Someone else. Sabihin mo sa mga staff mo na babayaran ko ng triple ang kanilang sahod.”
“I will go there. I need to know what’s happening.”
Lumingon ako kay Angel at nakita kong napatayo siya sa kanyang kinalalagyan. Hinimas ng kanyang kaliwang palad ang kanyang siko at lumatag ang pagkabalisa sa kanyang mukha. Sinenyasan ko siya ng umupong muli para mapanatag ito.
“Luke, it’s 2:00 in the morning. Let’s meet later.”
“Dude, you are only two blocks away from me. I’ll be there in five minutes. Wait.”
---
“Isang babae na kinilalang si Angel Castillo ang pinaniniwalaang tinapos ang buhay at tumalon sa Abakan Bridge ng Tarlac City kagabi, December 24, bisperas ng Pasko. Natagpuan ang isang gray Vios car sa gitna ng tulay at ang voice recorder na naglalaman ‘di umano ng mensahe ng kanyang pamamaalam. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga pulis ang naturang recorder na ‘di umanoy naglalaman din ng detalyadong kuwento ng kanyang buhay.
Hinihinalang si Angel Castillo ang asawa ni Joaquin Castillo, ang kilalang director ng mga pelikula at teleserye sa ZMS 7. Kalat na kalat na rin sa social media ang #JusticeforAngel at #ChristmasAngel bilang pagtugon ng mga netizens sa naging pasya ng babae na kitilin ang kanyang sarili sa araw ng kapanakan ni Hesukristo. Kasalukuyang iniimbestiga ng mga awtoridad ang naturang pangyayari upang malaman ang buong katotohanan sa likod ng insidente.
Manatiling nakatutok para sa—”
Pinatay ni Luke ang TV gamit ang remote control at inihagis ito sa sofa.
“This is some freakin’ b-ullsh-it, Gio! What the heck did you get yourself into???”
“Luke, please…”
“No, Gio! Dammit!”
“Pakinggan mo muna ako.”
Tinignan ako ng matalim ni Luke. Nanatili akong nakatitig sa kanya ng may pagmamalasakit. Napapikit ito at pinisil ng kanyang mga daliri ang kanyang mga mata. Alam kong sumuko na ito sa akin. Binagsak niya ang kanyang katawan sa sofa at mabilis akong umupo sa tabi niya.
“Help her, please. Alam kong wala akong happy ending sa buhay. Pero the mere fact the pinagtagpo kami ng landas, it means something to me. Help me bring her spark back.”
“Gio, changing someone's entire appearance will cost a lot. Plus, why do you care so much? Ano ngayon kung desperado siya? Tang-ina, dude. Malaking tao ang asawa niya!”
“She gave me a five-million-peso worth of money. Cold cash. Kung kulang pa, dadagdagan ko.”
Napanganga si Luke sa aking sinabi. Tumayo ito at pumunta sa ref. Ginalugad niya ang laman ng ref ko at nabuwisit lang sa nakita.
“Tang-ina! Wala ka man lang ba kahit San Mig light lang???”
Umiling ako ng nakayuko.
Narinig ko siyang suminghap ng malalim dahil naninikip na ang dibdib niya sa akin.
“Giordan! Wake up! Maayos ang buhay mo! Hindi mo kailangan ng problema to spice up your life! Get out of this mess while you can!”
“Don’t worry, Sir. I won’t bother your friend. Sobrang sorry kung ginulo ko ang Pasko ninyo.”
Napatayo ako sa sofa ng makita ko si Angel sa hagdan na bumababa ng mabilis. Pasado alas-otso na pala ng umaga at hindi namin namalayan na naalimpungatan siya dahil sa lakas ng boses namin ni Luke. Lumakad ako ng mabilis para hilain ang kanyang braso at pigilan siyang lumabas.
“Angel, wait! I’m sorry—”
“Bitawan mo ako. Tama ang kaibigan mo. Kabaliwan ito.”
“Angel, no. Please. Luke!”
Kinamot ni Luke ang kanyang anit at pumikit. Dumiretso ito sa pintuan at nilock ito.
“Okay, I will help you, Ms. Angel. Para sa kaibigan ko.”