Chapter 2: Tulay ng Pag-asa

1571 Words
GIORDAN Sumilip ako sa daan habang umiinom ng protein shake. Mabuti na lamang at wala akong masyadong kasabayan sa kalsada dahil isang kamay ko lang ang nakahawak sa manibela. Ibinaba ko ang shaker bottle sa cup holder at mabilis na kinuskos ang umagos na inumin sa aking mga labi. "Ahhhhh..." Hinga ko pagkatapos na gumuhit ang malamig sa shake sa lalamunan ko. Masaya ako at itong convertible na Mazda-MX 5 ang nadala ko at puwede kong i-top down ang sasakyan. Kahit na pinalitan ko na ng tank top ang basa kong damit kanina ay init na init pa rin ang katawan ko. Minsan ay tinatanong ko din ang sarili ko kung bakit pa ako nagpapakapagod na mag-gym araw-araw. Pero kapag naaalala ko kung bakit ako biyudo ngayon ay kinukundisyon ko ang sarili ko na huwag ng pabayaan ang hitsura ko. Habang tinatahak ko ang kahabaan ng McArthur Highway ay narinig kong tumigil ang pinapatugtog ng radio station na pinapakinggan ko at napalitan ng ringtone ng phone ko. Sumulyap ako sa dashboard at nakita kong tumatawag si Luke. "What's up, Luke?" "Where are you Giordan Abuello? Bakit parang nakaharap ka sa bentilador." "Naka-top down ang kotse ko. Galing ako sa gym." "(tumawa). Baka balikan ka na ng asawa mo nyan." "Very funny, Luke." Nanahimik ang kaibigan ko sa kabilang linya. "What I'm saying is, huwag ka na masyadong mag-effort sa hitsura mo. Dude, nakapila ang naghihintay sayong mga babae. You're a successful restaurateur, drop dead hunky and not to mention, mayaman. That why I am wondering. Ginagawa mo ba 'to para mapansin ka ulit ng ex mo?" Hindi ako kaagad na nakasagot. Yes, I have already moved on. But somewhere inside my heart, I am still hoping for reconciliation. Kahit na hindi na para sa akin, kahit para sa anak na lang namin. Pero alam kong malabo na itong mangyari dahil ipinagpalit kami ng anak niya sa pangarap niya. "I am happy with my life, Luke. My son completes me." Ilang saglit ding nanahimik ang kaibigan ko. Alam ko namang walang bisa ang sinabi ko para mahikayat si Luke na maniwala sa akin dahil kababata ko siya at kilalang-kilala niya ako. "Fine. Be free as long as you want to. But I really hope na magbago ang isip mo. Lumalaki na si Garett, Gio. I know you can provide anything he wants, but he needs a mother." Bumuntung-hininga ako ng malalim. Tama ulit si Luke. Aminado naman ako doon. Pero naging bato ang puso ko nang ipagpalit kami ni Melissa sa pangarap niyang maging TV reporter. Bilang isang responsableng magulang na nagtiis ng napakaraming taon sa barko para lamang maibigay ang pangangailangan ng pamilya at biglang iiwanan dahil lamang hindi ako presentable na asawa ng isang celebrity at kinulang ako sa pinansyal na aspeto ay parang tinupok ang apoy ng aking pagka-lalaki. "All right. Go home safe." Sabi na lang ni Luke dahil sa hindi ko pagsagot sa sunud-sunod niyang mga sinabi. Muli kong naramdaman ang udyok ng pagyoyosi sa pinag-usapan namin ni Luke. Sa mga ganitong pagkakataon na sumasariwa ang mga ibinaong alaala ay nalilimutan kong dalawang taon na akong nag-quit. “Tsk.” Sambit ko at napailing. Nag-aral ako sa isang public school. Salat kami sa pera ng pamilya ko pero kuntento ako sa buhay. Hindi ako mahilig makihalubilo sa mga kaklase ko noon dahil takot akong makisabay sa kanilang mga trip. Ganoon din sa mga magagandang babae na umaaligid sa akin noon. Kahit na alam kong biniyayaan ako ng kagwapuhan ay pinili ko pa ring ilayo ang sarili ko sa kanila dahil wala akong extra baon para panlibre sa liligawan kung sakali man. Si Luke lang talaga ang ka-tropa ko simula’t simula dahil kapwa naglalapag ng bilao ng paninda ang mga ina namin sa palengke. Pero kahit anong iwas ko sa babae ay tinamaan pa rin ako ng pana ni kupido nang makatungtong ako sa kolehiyo. Nagkaroon ako ng group mate sa isang GE subject ko sa eskwelahan. Na-love at first sight yata ako kay Melissa noon. Sikat siya sa unibersidad dahil lumulutang ang kanyang kagandahan. French ang kanyang ama at isang dating beauty queen ang ina. Kaya naman ng makatabi ko siya sa klase ay para akong tuwalya ng isang magsasaka na tumatagaktak ng pawis. Napakabait niya sa akin kahit na kadalasan ay hindi ko siya kinikibuan dahil sa agwat ng estado ng aming mga buhay. Naputol lang ang pag-iwas ko sa kanya nang minsang hiramin niya ang notebook ko para kopyahin ang lecture noong umabsent siya. Ibinalik niya na ito ng may kasamang chocolate bar at maliit na sticky note message na, I like you. You are very handsome. I hope you like me, too. Kulang na lamang ay ilagay ko sa photo frame yung sticky note na iniwan niya sa notebook ko sa sobrang saya ko. Pero kahit na naging transparent siya sa akin ay hindi ko pa rin nagawang suklian ang pagtingin niya sa akin dahil salat talaga ako sa pera. Hanggang sa umabot na kami sa puntong hinintay niya akong makalabas ng paaralan at ayain akong kumain ng street food. Damn. Parang ako talaga ang nagmukhang babae sa puntong iyon. Nilibre niya ako at kinuwentuhan pero nanatili pa rin akong tahimik. “Gio, nahihiya ka ba sa akin?” Tanong niya. Napalunok ako at hindi makapagsalita. Umupo siya sa bench at inaya akong tabihan siya. Sinunod ko naman ang gusto niya at bigla niyang hinawakan ang tuhod ko. Muntikan ko ng mabitawan ang plastic cup ng fish ball na hawak ko. “Hmmm. Gio, if you are hesitating dahil medyo angat ang buhay namin, don’t. I am not that kind of person. Kita mo nga, mas marami pa akong naubos na fish ball kesa sayo. Bukas, Betamax naman tayo.” Nakangiti nitong sabi. Natawa ako sa kanyang sinambit at doon na kami nagsimulang maging mas malapit sa isa’t isa. Tinanggap niya kung ano at sino ako na lalo pang nakapagdulot sa akin ng matinding paghanga sa kanya. Binigyan niya ako ng pagkakataong buksan ang sarili ko sa isang taong kagaya niya sa kahit sa panaginip ko ay hindi ko maaabot. Kaya naman hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon at ng maka-graduate kami ay kaagad kong hiningi ang kanyang kamay sa kanyang mga magulang. Katakot-takot na hirap ang inabot ko, mapapayag ko lang ang kanyang mga magulang na kami ay maikasal. Sa sobrang awa ng pamilya ni Luke sa pamilya ko ay pinahiram nila ako ng pera para makapagpatayo ako ng simpleng bahay. Hindi pa ako nagsisimula sa buhay ay baon na ako sa utang para lamang kay Melissa. Sa maiksing panahon ng aming pagsasama ay unti-unti kong naramdaman ang pag-iiba ng pakikitungo ng dating malambing at masayahin kong asawa sa akin. Naging mainitin ang kanyang ulo at parati niyang ipinaparamdam sa akin ang aking mga pagkukulang. Kaya naman ng isinilang si Garett ay pinili ko ng makipagsapalaran sa ibang bansa para matakpan ang mga butas na dahan-dahang pinipilas ang aming relasyon. Itinaob ko ang pangarap kong maging chef at sumabak ako sa pagiging seaman para isalba ang aming estado sa buhay. Nagtatrabaho ako sa umaga at gumagawa ako ng mga videos hinggil sa buhay ng isang marino sa gabi. Ina-upload ko ang mga videos na ito sa YouTube at sa awa ng Diyos ay kumikita naman ako ditto kahit papaano para ipandagdag sa ipinapadala ko sa Pilipinas. Ngunit sa sobrang pagod ay bumagsak ang aking katawan. Inuwi ako sa Pilipinas ng aking agency dahil hindi na kaya ng katawan ko ang mamalagi pa sa barko. Ang dati kong makisig na pangangatawan at gwapong katangian ay napalitan ng payat at sunog na balat. “Damn you, Luke. Pinaalala mo pa sa akin kasi. Hindi ako puwedeng umuwi ng ganito.” Bulong ko sa aking sarili. Pumarada muna ako sa Robinsons Easymart para bumili ng ilang bote ng Red Horse. Nang mabili ko na ang mga gusto ko ay bumalik na ako sa kotse para dumiretso sa pag-uwi. Binilisan ko ang aking pagda-drive para madampian ang pisngi ko ng malamig na hangin sa kahabaan ng McArthur Highway. Kahit papaano’y nakaramdam ako ng saya sa aking puso habang tinatamasa ko ang nakaka-relax na pakiramdam na hatid ng simoy ng Disyembre. Nang madaanan ko ang Abakan Road ay bigla akong napa-preno sa aking nakita. Pumarada ako sa harapan ng isang saradong fruit stand at mabilis na tumakbo palapit sa gray na kotse sa gitna ng tulay. Kitang-kita ko sa gilid ng sasakyan kung paano sinusubukang iangat ng matabang babae ang kanyang katawan sa malapad at mataas na railings ng tulay na tila gusto nitong magpatihulog sa malakas na agos ng tubig sa ibaba. “Hey!!! Miss!!! Bumaba ka dyan, please! That’s dangerous!” Sigaw ko ngunit parang hindi niya ako naririnig. Kumaripas ako ng takbo sa pagnanais kong maibaba siyang muli sa kanyang kinalalagyan. Bago siya tuluyang makatalon ay buong lakas ko siyang hinila papasok sa tulay. “Bitawan mo ako!!! Hayaan mo na akong magpakamatay!” “Miss calm down! This is not the right thing to do!” “At anong alam mo sa buhay ko! Bitaw—Umalis ka na!!!” “Miss!!! Please!!! Let’s talk this over! Calm dooown!!!” Nang mahila ko siya pabalik sa pathwalk ng tulay ay bigla niya akong tinitigan. Lubos akong nahabag sa kanyang hitsura. Halos mamula na ang kanyang pisngi sa dami ng luha na dumaloy sa kanyang mukha at basang-basa na ang kanyang damit sa pawis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD