bc

Invisible String

book_age16+
706
FOLLOW
3.4K
READ
second chance
drama
sweet
heavy
like
intro-logo
Blurb

Matagal nang kinikimkim ni Sibley sa kanyang sarili ang pagkagusto niya sa matalik na kaibigan na si Lucas. Mula pa noong mga bata sila ay lubos na siyang humahanga rito ngunit alam niyang kahit kailan ay hindi siya makikita nito higit pa sa pagiging kaibigan.

Buong puso niyang tinanggap na habang buhay na lamang niyang itatago sa sarili niya ang nararamdaman lalo pa noong sinagot na si Lucas ng babaeng pinakamamahal nito na si Eva.

Doon niya napagtanto na oras na para sumuko, oras na para tumigil sa kakaasa at oras na para magbigay ng distansya sa pagitan nila ni Lucas. Oras na para paglaanan niya ng pagmamahal ang sarili niya.

Can she really stay away from him when it seems like there's an invisible string between them that keeps her from coming back again and again to him?

chap-preview
Free preview
Simula
Alanganin akong naglakad papasok sa loob ng bar. Bumungad ang naglalakasang tunog at ang malilikot na ilaw sa paligid. Napakaraming tao ang nagsasayawan sa bawat sulok ng dance floor. Kaagad na dumapo sa aking ilong ang matatapang na amoy ng alak. I took a deep breath and started searching for Lucas in the sea of people dancing in front of me. I tried calling him but it only kept on ringing. Patuloy akong naghanap hanggang sa mapadpad ako sa pahabang counter kung saan may mga bartender na naghahanda ng mga inumin ng ilang customer na nakaupo roon. Kaagad kong naaninag ang pamilyar na katawan ni Lucas. Nakita kong inisang lagok nito ang alak sa kanyang baso saka muling nanghingi sa bartender. I immediately walked towards him. “Lucas…” mahinang tawag ko rito. Lumingon ito sa akin saka matamlay na ngumiti. Tila sinasaksak ang puso ko nang makita ang malungkot nitong mukha. Para bang nakikiisa ang puso ko para sa sakit na nararamdaman niya ngayon. “Sobrang sakit, Sibley…” puno ng hinanakit na sabi nito. Nag-unahan ang kanyang mga luha sa pag-agos. I could feel my chest tightening as I watched him cry his heart out. I wanted to cry with him. Kung pwede lang na saluhin ang sakit na nararamdaman niya para hindi ko na siya makitang umiiyak ngayon ay gagawin ko. Nanginginig kong inabot ang kanyang mga kamay. Mariin kong kinagat ang aking labi upang mapakalma ang aking sarili saka pilit na ngumiti sa kanya. “Ilabas mo lang ang lahat ng sakit, Lucas. Nandito lang ako… hindi kita iiwan,” emosyonal kong wika. “She used me, Sibley. Ginawa niya akong front para hindi sila mabuko ng kapatid niya sa kung ano mang relasyon na mayroon sila. I knew there was something wrong between them pero hindi ko nilagyan ng malisya. I already knew something was going on but I chose to stay blind and oblivious,” mapait na sabi nito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit para kay Eva. Anong karapatan niya para gamitin si Lucas? Anong karapatan niya para paasahin at pagmukaing tanga ito? She took him for granted. Malaking bagay na nga na nakipagrelasyon siya sa kapatid niya, hindi pa siya nakuntento at nanggamit pa siya ng ibang tao para mapagtakpan ang kasalanan niya. I accepted defeat when I saw how Lucas was so inlove with her. I knew I had no fight with her right from the very start. The looks, the family background, and the way she carried herself is far incomparable to mine. Talino lang ang mayroon ako but then, does it matter? Samantalang ang tanga ko nga pagdating kay Lucas. Kusa akong lumayo para maging maayos ang relasyon nilang dalawa. Kahit ang sakit-sakit sa akin sa tuwing nakikita ko silang dalawa, kahit na paulit-ulit kong naririnig ang pagkabasag ng puso ko sa tuwing masayang nagkukwento si Lucas tungkol kay Eva, kahit na pinipilit ko ang sarili ko na maging masaya para sa kanila, tinanggap ko. “You know what hurts the most? Sobrang minahal ko si Eva kahit na ramdam kong hindi ko deserve lahat ng mga natatanggap ko mula sa kanya. I accepted her little attention and affection. I accepted that I was the least of her priorities. I accepted her small efforts kahit na alam ko sa sarili ko na lahat ay ibinigay ko sa kanya. I almost gave her the world just to make her happy but she wasn’t contented because I was never the one holding her heart right from the start,” lumuluhang saad ni Lucas. Hindi ko na napigilan pang mapaiyak sa lahat ng hinanakit na sinasabi ni Lucas. I wanted to ask him why did he allow her to do that to him. Bakit siya nagpapakatanga at nagbubulag-bulagan kay Eva? He didn’t deserve all of that. Ngunit gusto ko rin tanungin ang sarili ko, kung bakit din ako nagpapakatanga sa kanya. Parehas lang kaming dalawa. Parehong nagpapakatanga sa taong may mahal ng iba. Minahal ko siya mula noong magkaroon ako ng kamalayan sa kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya. Noong una ay akala ko normal lang iyon dahil sobrang close kami at mag-best friends pa. Pero nang mamulat ako na kakaiba na ang nangyayari sa puso ko sa tuwing nariyan siya ay doon ko napagtantong may gusto na nga talaga ako sa kanya. Minahal ko siya nang tahimik at palihim. I valued our friendship more and I didn’t want to be selfish. I didn’t want to sacrifice what we have but there was this one time that I wanted to take a risk but it was already too late. Siguro sign iyon na hindi talaga dapat ‘yon mangyari. Hindi hinayaan ng tadhana na malaman niya ang pagmamahal ko sa kanya higit pa sa pagiging kaibigan. I was always there when he needed me. Siya ang priority ko at siya ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko ngayon. Pinaramdam ko sa kanya na bilang best friend niya, hinding hindi ko siya pababayaan at iiwan. I always tried to cheer him up when he was feeling sad. I exerted so much effort to make him happy kung kaya’t sobrang sakit sa akin na ganito ang ginawa sa kanya ni Eva. Kung alam lang niya kung gaano siya kaswerte. Sobrang perfect na ni Lucas. Nasa kanya na lahat ng hinahanap ng karamihan ng mga babae kung kaya’t napakarami naming nagmamahal sa kanya. He only had his eyes on her for the past years at hindi siya nakuntento roon. If I could only wish that I was her. Patuloy na nagpakalasing si Lucas. Gusto ko siyang pigilan lalo na noong nakakarami na siya pero ayaw niya magpatigil. Nagsimula na rin akong tumawag sa kanila upang magpasundo dahil alam kong hindi na niya kakayanin pang mag-drive mamaya. “Lucas, please, tama na. Umuwi na tayo. Baka nag-aalala na sila Tita,” pakiusap ko rito. Bumaling ito sa akin sa namumungay na mga mata. “Mabuti ka pa, hindi mo ko iniiwan, Sibley.” Kinuha nito ang kamay ko mula sa aking hita. Kumalabog ang dibdib ko sa ginawa niyang iyon. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko dahil lang sa simpleng paghawak niya sa akin. “Sana ikaw na lang ang minahal ko,” wala sa wisyong sabi nito. Lalong nagwala ang puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ang mabilis na t***k doon. I can feel my chest tightening so bad that it hurts. Ilang beses akong huminga nang malalim upang mapakalma ang sarili ko. “L-Lucas…” nanginginig kong wika. Nagsimulang mag-init ang aking mga mata. Pilit kong nilulunok ang malaking harang sa aking lalamunan. “Bakit ba hindi na lang ikaw, Sibley?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook