Chapter 2

1740 Words
"I... I'd like to sing for all of you." Nagka tinginan ang mga judge at nag bulungan sa sinabi ko. "Go! You may start Candidate 07." Lumunok ako ng marealize na mag a-acapella pala ako. Nakakahiya at chorus lang ang alam ko. Habang kumakanta ay hindi ko mapigilan ang mapa pikit at ng sa ganon ay mas maramdaman ko pa ang bawat lyrics ng kinakanta ko. Halos mawalan naman na ako ng hininga nang bumirit ako banda sa gitna buti nalang talaga ay walang panira na pag piyok sa boses ko ang naganap kung hindi ay paniguradong hahagulpak ng tawa ang lahat ng judges. Matapos kung kantahin ang chorus ay tumigi na din ako sa pagkanta dahil hangang doon lang ang memorize ko. Don't get me wrong! Hindi ako prepared at hanggang doon lang ang memorize ko. Buti nga at kahit papaano ay may namemorize ako Pero naakakahiya parin!!! Imbes na ma disappoint ang judge ay natawa ito at nagtanong pa. "We've got a message from an anonymously and it's for you, Candidate 07. He says "Are you scared to fall in love, Candidate 07?" and "Are you in love, Candidate 07?"." Bakas ang kilig sa mga judge. "I... I'm not in love." Naka ngiti ko nalang na sagot. "You know, that this anonymously paid us a fortune just to read his comment and let you answer it? It could be one of those 7 Billionaires. What do you have in mind now, Candidate 07?" Naisip ko kaagad si Vaughn dahil sa sinabi ng judge. "You better act fast, Candidate 07. We never experienced something like this. Someone who paid us a huge amount just to have your 4 word answer." Natawa pa ako dahil sa sinabi ng judge na iyon. Kumaway pa ako bago umalis ng stage at dumiretso na sa back stage atsaka ako sinalubong nina Spring at Autumn. "OMGGG! Sino naman ang anonymously na iyon aber??" Kinikilig na pabungad saakin ni Spring. "Hindi ko din alaam!! Pero pakiramdam ko si Vaughn yooon!!" Natatawa namang kinurot ni Autumn ang tagailiran ko kaya napa atras ako dito. "Abaa! Pakiramdam ko nga din. Mukhang mag kakilala nga kayong dalawa eh!! Agooooy kilig siya!" Pang aasar pa nitong si Autumn. Lumapit saakin ang isa sa mga host, "Candidate 07, please proceed sa garden." Sabi nito kaya nag paalam na muna ako kela Spring at Autumn. Habang nag lalakad naman ay may naka bangaan ako. Akala ko nga si Cordelia eh kaso nung pag lingon ko ay si Ashton pala. Diretso lang siyang nag lalakad at ako ay naka tingin sakaniya din habang nag s-slow mo pa ang mundo ko. This man. Is so weird. Para siyang pusa na pasulpot sulpot nalang kung saan saan. Yet, kahit ganoon pa siya ka-wirdo ay naa-amaze parin ako dahil sa awra niya. Ng makapunta na ng Garden ay itinuro na nila ang upuan ko atsaka ako inabutan ng cellphone. Kusa itong nag turn on. At nag flash sa screen ko ang mga rankings namin. Iniscroll ko ito pababa at nakitang nasa pang 15 ang rank ko. Nasa 900 thousand votes lang din ang meron ako samantalang ang iba ay nasa mahigit 15 million o 20 million na ang votes na ang meron galing sa mga viewers. Naalala ko bigla ang sinabi ng host saamin kagabi na may mangyayaring elemination mamaya. f**k! Baka isa ako sa mga ma eliminate! Tumingin ako sa gilid ko at nandito din iyong ibang mga candidates at may parang mga kausap sila na mukhang make up artist nila. Huminga ako ng malalim kasabay naman non ang pag lapit ng isang babae saakin na kulot ang buhok at payat din. "Hi! Are you Candidate 07?" Tanong nito at tumango naman ako. "Gosh! Kanina pa kita hinahanap. I'm Madi Smith, and I'll be your s***h personal assistant and s***h living fairy god mother." Naka ngiti nitong sabi at ako naman ay nag lo-loading pa ang utak. Ang bilis niya mag salita para siyang robot. "Well supposedly, pili lang ang may mga personal assistant sa show na ito. It's either maka kuha ka ng sponsor or ikaw mismo ang mag babayad-- Napatayo pa ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya, "Teka! Hindi ako kumuha ng kahit anong personal assistant. Wala ak-- "Chill Candidate 07, galing ako sa isang sponsor mo." Hinawakan niya pa ang balikat ko atsaka ako pina upo "Sinong sponsor?" Tanong ko dito. "Hmnn. Hindi pwedeng sabihin eh. Malalaman mo din naman kapag nanalo or na-eliminate ka sa show na ito. Ilalagay nila doon sa isang form na binibigay sa mga nanalo or natalo." Paliwanag niya. "But! Wala sa Dictionary ko ang mag patalo or ma-eliminate. Sisiguraduhin kung isa ka sa mga lucky 7 winners. Let's get you started." Hinila niya ako paalis ng garden at dumiretso papasok ulit sa hall tsaka kami pumunta sa isang room. "Candidate 07, ito palang ang preview ng kwarto na binili sayo ng sponsor mo. At hindi pa ito ang pinaka permanent. Sigurado akong mas magugustuhan mo ang kwartong yon kung sakali." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Miss Madi at inilibot ko nalang ang mata ko sa kabuan ng kwarto. Lakas maka aesthetic ng kwarto sa kulay nitong pink. Ito talaga yung kwarto na mapapasabi ka na kahit nag mumuk-muk na eh sosyal parin at aesthetic. "What do you mean "Binili"? Akin na itong kwartong ito?" Tanong ko dito at ngumiti naman ito atsaka tumango. "Hmmn. May sarili ka ng kwarto sa official set ng Love & Billions. Ang Shala diba!" Nabaling ang atensyon namin sa pintuan ng may kumatok dito. Kaagad akong lumapit doon at ipinagbuksan yon ng pintuan. Dire-diretso na pumasok doon ang isang lalake at sa likodan naman nito ang mga director ng show. Tumingin ito kay Miss Madi pansamantala atsaka ibinaling na saakin ang tingin na nasa gilid ng pintuan. Lumunok siya at nanginginig din ang kamay ng magtagpo ang mata naming dalawa. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi naman niya masabi. Nahalata ko sa mukha niya ang kaunting pagka pikon kaya inabot niya nalang iyong kamay niya na may hawak na susi. Kaagad ko iyong kinuha atsaka siya nag mamadaling naglakad paalis ng kwarto. Yon na yon? Wala man lang sinabi? "Candidate 07, do you find weird Mr. Ashton Rey Calderon towards you?" Tanong ng isang host. Napa kunot naman ako ng nuo. Lahat ba ng galaw namin dito dapat may meaning? "Yes, I find him weird. The way he act, talk, and move when I'm around is totally different. To be honest, I've watched a lot of videos about him and this is my first time seeing him act that way." Sagot ko sa host. Humarap ito sa camera at muling nag salita. "Could it be that Mr. Ashton Rey Calderon is into Candidate 07? This is just the beginning and the first episode of Love & Billions. But Candidate 07 here, looks like she's already owning the crown. Stay up tuned for the continuation of our first episode this night at 8 pm. Thank you and blessed morning." January 16, 2027 - 7:50 Pm Habang sinusuri ang itsura ko sa salamin ay hindi ako makapaniwalang kaya ko pala maging ganito kaganda. Like, this is so not me. I'm wearing right now a designer white and black jump suit partnered with brown wedge heels while my hair is styled with straight up wavy ponytail. "Before you leave Val, I wanna ask you something," Lumapit saakin si Miss Madi. "What's your goal? To win that black card or marry one of them?" Humarap ako sakaniya. "To win that black card. Simula palang yon na ang goal ko ng malaman kung isa ako sa mga candidate ng Love & Billions." Huminga ako ng malalim bago unahan na mag salita si Miss Madi. "Mauna na ako, baka malate na ako sa show." Nakipag beso pa ako kay Miss Madi bago umalis ng kwarto at dumiretso na sa Banquet Hall. Kasabay ko si Autumn na umalis ng second floor. Hindi ko ineexpect na ang last activity for today ay isang cooking show. Kung saan bibigyan kami ng 2 hours at 20 minutes para maka pag luto ng appetizer, main dish, at dessert. 4 pm pa lang pero sana ay mas maaga akong matapos dito. Kinakabahan ako dahil ang mga judge namin ay ang mga pitong nag gwa-gwapuhang Billionaire na ito. Grupo naman kami at kasama ko ngayon ay sila Autumn, at Diana. Si Autumn ang naka toka sa appetizer, sa dessert naman si Diana at ako sa Main Dish. Ang pinaka challenging sa show na ito ay hindi ang pagluluto kundi ang mga camera na nakatapat sayo at ang mga Billionaire's na nanunuod sayo habang nanunuod. Ramdam ko ang kabang bumabalot sa katawan ko ng makitang 20 minutes nalang ang natitira. Bouillabaisse in Marseille ang niluto ko bilang Main dish namin, at Pierogi naman ang iniluto ni Autumn bilang appetizer, at para naman sa aming dessert ang iniluto ni Diana ay Chocolat au Crumble de Fraises. Natapos naman kami on time kanina at may natira pa nga kaming 1 minute. Kami ang unang natapos at pina-una na kaming umalis para makapag prepare. Ang mga iniluto namin ay pinabantayan ko kay Miss Madi para iwas na din sa sabotage and etc. Naglalakad ako ngayon sa hallway ng makabangaan ko si Ashton. Humingi kaagad ako ng tawad dahil doon. "I'm sorry, Mr. Calderon." Nagtagpo ang mata namin at ganon nalang kabilis ang t***k ng puso ko ng makita ang mga mata niyang asul. Pinutol ko iyon at diniretso na ang paglalakad ng bigla akong matigilan dahil sa bigla niyang pagsasalita. "You don't need to apologize, Valerie. And please call me Ash. Tayong dalawa lang naman." Pumamulsa siya ng humarap ako sakaniya. Tinitigan ko lang siya at hindi umimik. "I'm going outside, wanna go with me?" Aya nito sakin. "Ayoko, meron kasing party sa baba. Baka dagdag points sa mga viewers pag makita nila akong present doon." Pag tangi ko sakaniya. Mahina itong tumawa. "That party is full of camera's, reporters, formalities, and etc. I see no fun there. Ngayon pa nga lang na ou-out of place na ako that's why I'm leaving and going to somewhere I'll have fun." Sabi niya. "You sure? Ayaw mo talagang sumama?" Muli nitong tanong. Napakagat ako sa labi ko bago huminga ng malalim at binilisan ang lakad papunta sakaniya. "Sige na nga, sama na ako." Sabi ko at muli nanaman itong tumawa ng mahina. ||R.A|| RAENAALMEDA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD