Isinuot niya saakin ang headphones at seatbelt ko ng makasakay na kami ng chopper. Yes, I'm riding a f*****g chopper right now. At hindi ko din alam kung saan ba talaga kami pupunta nitong ni Ash.
"Please answer my question, saan tayo pupunta?" He didn't answer yet he smirked.
Narinig ko nanamang tumunog ang cellphone ko at nakitang si Miss Madi ulit ang tumatawag. Pang tatlong beses na niyang missed call ito at siguradong nag aalala na 'yon.
"Don't worry, I have you excused sa director ng Love & Billions. So just turn off your phone and enjoy." Sinunod ko ang sinabi niya. Pinatay ko nga ang cellphone ko pero hindi ko parin magawang kumalma dahil nga naman sa hindi ko talaga alam ang gagawin.
"Answer my question Mr. Calderon. Where are we going?" Muli kung tanong dito ng mag umpisa ng lumipad ang sinasakyan naming Chopper.
Humarap siya saakin at sinabing, "It's somewhere called "The City of Love"." Ayaw ko mang mag assume but is he referring to Paris?
Kase 'yon lang naman ang alam kung binansagang City of Love at 'yon ang Paris.
"Do you always do this?" Tanong ko sakaniya.
"What do you mean?"
"Ito 'yung laging palipad lipad lang sa chopper niya." Naka tingin kung tanong sakaniya at siya ay lumingon din naman sa gawi ko at sumagot.
"Yes, I do this most of the time when I'm bored. And with people I'm comfortable with." He then held my hand and kissed it
Awtomatikong nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang iyon. Paano niya nagawang maging kumportable saakin eh ito pa ngalang ata ang unang beses naming nagkausap at nagkakilala.
"Look!" Itinuro niya ang bintana ng chopper at napatingin naman ako dahil sa ganda ng tanawin. Kitang kita ko ngayon kung gaano kaganda ang Paris pag gabi.
Ito ang unang beses kung sumakay ng chopper, ang makapunta ng paris, at lahat iyon ay kasama si Ashton.
Kaagad kung nilabas ang cellphone ko para kunan iyon ng litrato. Nasa pag focus palang ako ng camera ng biglang hinarap ni Ashton ang mukha ko sakaniya at hinalikan ako.
January 16, 2027 - 11:30 Pm
Umiinom ako ng tubig at diko magawang mag concentrate dahil sa paulit ulit na pag flashback ng nangyari kanina. That was my first kiss. At nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko lang iyon sa taong sigurado na ako at pakakasalan ako. Pero naagaw lang ng basta basta...
"Weh? Sure ka? Basta basta lang 'yon" Pambabasag trip ng isip ko.
Okay fine! Hindi naman siya basta basta. It was stolen in a romantic way. Pero first kiss ko parin 'yon at kahit pa pag balik baliktarin niya ang mundo ay mali parin na hinalikan niya ako ng ganon ganon lang.
"Eh pano 'yon alangan namang tanungin ka pa ng "Beh halikan kita ha?" meganon?" Hirit pa ng isip ko. Siguro nababaliw na ako ka-ka-kausap sa sarili ko.
Isa sa parte ng katawan ko ang hindi sang ayon sa nangyari. Pero parte din ng katawan ko ang nagustuhan 'yon at naenjoy pa nga. Iyong labi niya? Napaka lambot. Iyong hininga? Ubod ng bango. Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa pangyayaring iyon ng di na aw-awkwardan sa ginawa niyang 'yon.
"Oh bat gising kapa?" Si Miss Madi.
"Di ako makatulog Miss Madi, may bumabagabag kase sa isip ko." Sagot ko sakaniya. Kumuha naman ng tubig si Ma'am Madi sa ref at ininum iyon bago muling mag salita.
"Eh ano bang nangyari. Mag kwento ka nga!" Sabi nito at inilapag pa ang baso sa lamesa bago mag salita.
"Diba kase kanina wala ako sa elemination round? Kasama ko kase nun si Mr. Calderon." Nanlaki ang mata ni Miss Madi sa sinabi ko.
"Tapos ayon nga sumakay kami sa chopper niya. Diko nga alam na sa Paris pala ako dadalhin tas eto pa nung pinipicturan ko iyong view bigla niya hinarap yung mukha ko tapos-
"Hinalikan ka???" Natameme ako sa hula ni Ma'am Madi. She's absolutely right.
"Oh my Gosh! Sigurado akong ito ang magiging pinaka best season ng Love & Billions dahil sa mga mangyayari." Nangunot ako sa sinabi niya.
"What do you mean?" Tanong ko dito.
"Well, habang wala ka dito at during elimination ay may pa speech itong si Vaughn na dedicated sayo. Ito oh panuorin mo yung video." Kinuha niya iyong cellphone at may ipananuod saakin.
"I-I'd like to take this moment to tell everyone in here that I know her since she was in College, I know her friends, her family, her favorite color, her favorite food, and almost everything about her. She was my student. And after so many years, I get to see her now again. I could say that being with her and seeing her smile will always be the best days. And that is no other than Sunday Valerie Ortega. I don't care if other people see her as a big fat girl. Because to me she is perfectly gorgeous and if you can't see that in her then consult a f*****g doctor. I wish she could hear me right me now, thank you!"
'Yan ang sinabi niya bago mag cut ang video.
"Well dalawa ang good news at isa ang bad news ko for you." Sabi naman ni Miss Madi.
"Oh ano namang bad news yan?" Kelan ba mawawala ang bad news sa ganitong mga usapan. Sino ba kase nakaimbento ng lintik na bad news na 'yan. Pinapahirapan buhay ng tao eh.
"Unahin natin ang good news siyempre. The good news is kasama ka sa lucky 13 girls at sila Belle at Lily ang natangal. At isa pa, dalawa na ang nagkakandarapa sayo kaya kung sakali mang iwan ka nung isa at least may extra diba? And the bad news is mas lalo kang pinag iinitan ng ibang contestants lalo na iyong Cordelia na 'yon. Sakit talaga sa bagang ang babaitang 'yon." Nangunot ang nuo ko sa sinabi niya. Ba't naman may bad news? Diba pwedeng Good lang?
"Oh ano tulala ka noh? Iniisip mo kung sino ang gusto mong maka partner sa the rest of journey ng show noh? Kung ako man ang nasa paa mo ay siguradong maguguluhan din ako. Imagine already having Vaughn and now even Mr. Calderon." Ganon na ba kahalata ang pinagdadaanan ko at nahuhulaan na ni Miss Madi ang iniisip ko?
"But whatever. Go to sleep. Tomorrow's gonna be a long day. Iba padin kung kumpleto ang tulog. 'Yon ay kung makakatulog ka." Pang aasar pa nito.
"CHE!" Natatawa kung saway sakaniya.
Huminga ako ng malalim bago muling uminom ng tubig. "Kalma. Andito ka para sa pampagamot ni mama! Hindi ka dapat ma in love kahit kanino ano mang mangyari." Iminulat ko na ang mata ko tsaka akmang aalis na ng biglang tumama ang nuo ko sa isang matigas na dibdib.
"Ba't gising ka pa?" Medjo nag echo ang boses niya sa kusina. Ayan nanaman ang pakiramdam na hindi ko magalaw ang katawan ko.
"Ma-matutulog na a-ako, actually. Si-sige goodnight." Sinubukan kung gumalaw kaso ngalang ay nanginginig ako.
Nagawa kung makabalik ng kwarto ko ng hindi natatapilok, nadadapa, or anything. Buti naman. Bakit ba kung saan saan nalang siya pasulpot sulpot? Nakakakaba tuloy. Kaunti nalang ay iisipin kung isa na siyang multo sa pa bigla bigla niyang pagsulpot,
January 17, 2027 - 7 Am
"RISE AND SHINE MISS SUNDAY VALERIE ORTEGA!!!!" Nagising ako sa lakas ng boses ni Miss Madi. Kakabukas palang ng mata ko ay may ilang camera na akong nakitang naka set up na sa kwarto ko.
"Wha-what time is it?" Pinilit ko ang tumayo sa higaan. Inaantok pa talaga ako sa totoo lang. Alas dos na ata ng umaga ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi.
"It's 7 in the morning Miss Valerie. Now please take your shower and proceed to the dinning hall. The Contestants, Billionaire's, and the Host will have a short meeting before you could take your breakfast. Thankyou." Tsaka na lumabas si Miss Madi.
Dumiretso nalang din ako sa CR at hinayaan ang mga camera na naka sindi. Matapos kung maligo at magbihis ay nag ayos na din ako atsaka na dumiretso sa dinning hall.
January 17, 2027 - 10 Am
"GOOD MORNING EUROPE! I bet all of you have been waiting for this moment. The official contestants of Love & Billions. And who are these lucky 13 girls that'll be sent in our private island with the Billionaire's. Once Again, good morning Europe. I proudly present our Year 2027 Love & Billion's contestants." Isa isang finlash ang litrato namin sa screen. Kita kung pang Top 12 ako. Medjo mahaba haba ang hahabulin ko kung gusto kung manalo ako. 13 kami at 7 lang ang mabibigyan ng pagkakataon para manalo at mamili kung pera ba o Love ang pipiliin namin.
"Today is the lucky day of our 7 contestants. Yes, Only 7! Because our Billionaire's will be choosing lucky 7 girls to join them in their private plane to travel in our private island. I wonder who are these girls." Nagulat ako sa sinabi ng host. Lalo ng nakita kung lumalapit na saakin si Vaughn at ganon din si Ash.
Nagpatay malisya ako na nakita ko silang dalawa at tinignan ko nalang ang maleta ko at kunwari ay may inaayos.
"Wanna join me?" Si Ash.
"Sabay ka na sakin." Si Vaughn.
Sabay ang boses nila. At dahan dahan naman akong napalingon sakanila. Nagtinginan ang ilang contestants saamin maging ang host.
Si Vaughn at Ash ay nagkatinginan din sa isa't isa. Parang mga bida lang sa isang Kdrama kung saan ang bidang babae ay mahihirapan na mamili kung kanino siya sasama. At paano nga ba ang panunuod ko lang noon ng mga Kdrama ay nagkakakatotoo na ngayon?
"Oh my Gosh! Hahaha! I think we have a love triangle going on here." Naka focus ngayon samin ang camera at hindi ko maiwasan ang mamula sa kahihiyan. Kinuha ko ang kamay ni Vaughn at sumama sakaniya para makaalis na din kami doon. Hindi ko kaya ang klaseng ganon na attention. Lalo na kung isang buong bansa ang nanunuod saamin.
Paalis na kami ng hilahin bigla ni Ash ang kamay ko. Matalim na tingin ang ibinigay sakaniya ni Vaughn sa ginawang pag hila sa kamay ko.
"You left this in my car last night." Inilabas niya sa bulsa ang hairpin ko. Kaagad ko iyon na kinuha at nag pasalamat pa sakaniya. Kita ko ang mapanghusgang mata ng iba. Alam ko ang iniisip nila, kung anong ginawa namin kagabi sa kotse niya.
||R.A||
RAENAALMEDA