Nagising si Alyana na ang sakit ng ulo niya at pilit inalala ang lahat. Napatingin siya sa paligid nagtataka siya ng wala naman siya sa loob ng tent niya. Pinakiramdaman niya ang sarili pero, wala naman siyang nadama na kakaiba sa sarili niya. Bumangon siya para silipin kong ano na bang nangyayari sa labas ng pumasok sa loob si Demeter. "Gising ka na pala, Alyana. Ang dami mo kasing nainom na alak. Sorry, kong dito kita pinagpahinga. Don't worry safe naman dito. Hwag kang mag-alala, kamusta naman na ang pakiramdam mo?" tanong niya dito. Habang si Alyana naman ay hindi malaman ang isasagot dito. "Hmm! Ganun ba! Babalik na ako sa tent namin baka hinahanap na nila ako." sagot niya. "Kaya mo na ba? Hindi ka na ba nakakaramdam ng hilo?" tanong ulit nito. "H..Hindi naman na maayos naman n

