ALYANA Nang malaman kong buntis ako hindi na ako nagtagal pa sa outing. Nagpaalam ako ng maayos kay Mrs. Santisima at pasalamat na lang ako na pumayag ito na maka alis ako. At sinabi ko rin naman ang totoong dahilan ko na buntis ako at kailangang malaman ng asawa ko. Oo gusto kong ipaalam kay Dylan na magkaka anak na kami hindi para magmakaawa dito. Alam kong may karapatan pa rin itong malaman lahat lahat ng tungkol sa akin/sa amin ng anak niya. Nakasakay na ako ng taxi ng umandar ito. Hindi ako alam kung anong mangyayari pero, buo na talaga ang desisyon ko. Nang nakarating ako sa dating bahay namin. Kung saan nangyari ang lahat lahat at nakabuo kami ng isang baby. Naabutan kong magulo ang loob nito. Nahintakutan agad ako. Sa pag-aakalang nalooban kami. Agad kong tinawag ang kan'yang

