bc

Adam's Desire (SPG Filipino)

book_age18+
17.7K
FOLLOW
71.5K
READ
love-triangle
possessive
playboy
boss
bxg
humorous
punishment
addiction
like
intro-logo
Blurb

WARNING! Rated 18 SPG

“Bawal akong mahalin.” Isa lamang iyon sa 101 rules ni Adam. Balewala naman iyon kay Aya dahil sa simula pa lang ay hindi na maganda ang impresyon niya rito. Na-trap siya sa kompanya nito nang mahuli siya na nagpapanggap na lalaki upang makalusot sa mahigpit nitong security. Adam was a lawyer, prosecutor, and the owner of the Wild Heart Organization--na pinaghihinalan niya na umabuso umano sa kanyang kapatid.

While waiting for her sister to return, Adam offered her a job, an asset, gardener, and his personal therapist. She accepted the job and followed his rules. But it’s not easy as she promised because Adam is a temptation, naughty boss that is trying to destroy her breakable defense.

Lalo na nang ilang ulit silang magkasundo sa maalab na pagniniig. Para maiwasan ang parusa nito, inilihim niya ang paghanga sa binata. But it’s not just her issue because Adam seems to break his own rules.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAGHIMUTOK sa galit si Aya pag-uwi niya sa probinsiya nila. Tatlong taon siyang nagtrabaho sa Japan bilang singer para sa kinabukasan ng mga kapatid niya. Tapos malaman-laman niya na nagpunta ng Maynila ang kapatid niyang babae para magtrabaho bilang prostitute. “Bakit po?” gigil na tanong niya sa Tita Elisa niya, nang makaupo na siya sa sofa sa sala ng bahay nila. Kaparid ito ng nanay niya na matandang dalaga. “Aywan ko. Ang sabi niya magtatrabaho raw siya sa isang organisasyon bilang secretary.” “Anong organisasyon iyon?” “Hindi ko alam. Tapos sinabi sa akin ng kaibigan niya, nakita raw niya sa isang night club si Ava at sumasayaw na hubad.” “Anak ng tokwa!” napapatayong bulalas niya. “Hindi ko kaagad sinabi sa iyo dahil baka ma-distract ka sa trabaho mo. Hindi ako sigurado kung totoo ang sinabi ni Marice. Ibinigay nga niya sa akin ang address ng bahay na tinutuluyan ni Ava.” “Nasaan po ang address?” aniya. Dali-dali namang nagtungo sa kuwarto si Elisa. Pagbalik nito ay dala na nito ang maliit na notebook. Ibinigay nito iyon sa kanya na nakabuklat kung saan nakasulat ang sinasabi nitong address. “Wild heart organization,” sambit niya sa pangalan ng kompanya kalakip ng address. “Kung saan-saan lang daw dinadala ng amo niya si Ava para magtrabaho. May sinabi pa sa akin si Marice, eh. S-s*x slave ba ‘yon?” hindi pa siguradong sabi ni Elisa. Nag-init ang tainga niya sa narinig. “s*x slave?!” nanlalaki ang mga matang naibulalas niya. “Iyon ang pagkadinig ko.” Hindi na siya nagsayang ng oras. Kinabukasan din ay bumiyahe siya papuntang Maynila. Pero hindi naman sa mismong siyudad ng Maynila ang address. Nasa bahagi ito ng Tagaytay. Siguro ang mga bar na tinutukoy lang ni Elisa ang nasa Maynila. Pero nagtataka siya, kung organisasyon ang pinagtatrabahuhan ni Ava, bakit ito naging prostitute? Ang alam niya sa mga organisasyon ay grupo ng mga taong sumusugpo sa mga katiwalian at pag-aabuso sa bansa. Isang araw lang siya sa Maynila pagkatapos ay nagtungo na siya sa Tagaytay. Napapunta tuloy siya sa lugar na iyon na wala sa oras. Sabi niya noon bago siya umalis papuntang Japan ay ipapasyal niya ang mga kapatid sa Tagaytay pagbalik niya. Makasaysayan din sa kanya ang lugar na iyon dahil doon naganap ang first date nila ng first love niya. Inihatid siya mismo ng tricycle driver sa tapat ng malaking gate ng sinabi niyang address. Namangha siya, gate pa lang sobrang laki na at hindi makita ang loob. Pinindot kaagad niya ang itim na button sa may gilid ng maliit na gate. Maya-maya ay bumukas ang maliit na gate at iniluwa ang matangkad na lalaking suot ay itim na uniporme na may tatak na ‘security guard’. May sukbit itong mahabang baril. “Ano po’ng kailangan nila?” tanong nito pagkasara sa gate. “Ahm, magtatanong lang po sana kung may bakante pang trabaho, mag-a-apply sana ako,” kunwari ay sabi niya. Nagduda na kasi siya sa nasabing organisasyon kaya naisip niya na magmanman muna kung ano nga ba ang meron sa loob. Hindi siya maaring manghusga kaagad baka mali ang akusasyon niya. “Pasensiya na pero lalaki ang hinahanap ngayon para bodyguard at hardinero,” anito. Nagtataka siya. Ano ba’ng meron sa loob? “Ah, hindi po ba sila nangangailangan ng singer?” aniya. Kasi may night club na sinabi si Elisa, kaya ika niya’y baka kailangan ng entertainer. “Singer?” natatawang sabi ng lalaki. “Opo, baka kailangan nila ng mang-aawit. Magaling po akong kumanta.” Nagpa-cute pa siya. Umiling-iling ang lalaki. “Doon ka mag-apply sa mga bar, hindi rito. O kaya’y mag-audition ka sa mga talent show. Nakakaabala ka lang,” anito saka siya tinalikuran at pinagsarhan ng gate. “Siraulo,” anas niya. Umalis na lamang siya sa tapat ng gate. Naglakad-lakad siya hanggang sa makakita siya ng inn. Nagpahinga muna siya roon habang nag-iisip ng dapat niyang gawin. Kung anu-ano na ang pumapasok sa kukoti niya. Hanggang sa maalala niya ang napanood niyang Japanese movie tungkol sa babaeng agent na nagpanggap na lalaki para mapasok ang lugar ng mga sindikato. Idol niya ang babae na iyon kaya bumili rin siya ng maraming wig para paglaruan ang mukha niya. Tinawagan kaagad niya si Elisa at sinabing ipadala nito sa kanya ang mga naiuwi niyang wig, lalo na ‘yong para sa lalaki, pati na rin ang mga makeup niya at ibang gamit. Makalipas ang dalawang araw ay nakarating na sa kanya ang package. Namili kaagad siya ng wig para maging lalaki ang buhok niya. Tiniis niya kahit mainit sa ulo. Pagkuwa’y kinapalan niya ang kanyang kilay gamit ang eyebrow liner. Mabuti na lang pinagpala siya ng magandang tinig at sinanay niya ang pag-iba-iba ng boses. Nag-aral din siya ng mixed martial arts sa Japan, kaya nagkalaman ang mga braso niya. Hindi rin siya pinalad na magkaroon ng malaking boobs, pero binalot pa rin niya ng benda ang kanyang dibdib para hindi halata. Nagpagawa siya ng mga pekeng papeles sa Recto. May kaibigan kasi siya roon na magaling sa pamimeke ng papeles. Binago niya lahat ng pagkakilanlan niya. At nang handa na siya ay bumalik siya sa Wild Heart Organization para mag-apply bilang hardinero. Alam niya mahirap kapag bodyguard dahil hindi ganoon kalaki ang katawan niya. May talento naman siya sa paghahalaman. Pagdating niya sa guardhouse ay kinapaan pa siya ng guwardiya at pinadaanan ng metal detector ang katawan niya. May mga kasabayan siya na siguro’y bodyguard ang papasukan. Siya lang ang aplikante para sa hardinero. Siya lang din ang pinakamaliit. “Papasukin na ang mga iyan!” utos naman ng isang security sa humalughog sa mga gamit nila. Isinakay sila sa multicar saka dinala sa malaking bahay na may tatlong plapag. Kinabahan siya nang iwan sila ng guwardiya sa tatlong naglalakihang mga lalaki na armado. Nasa malawak na bulwagan sila at nakahilira habang tuwid ang tayo. Siya ang nasa pinakadulo. Nagtataka siya bakit kailangang naka-formation sila na parang sasalubong sa hari. Kailangan matikas at hindi galaw nang galaw. Mamaya ay may lalaking lumabas mula sa isang pinto at humakbang palapit sa kanila. Napamata siya nang matitigan niya ang lalaki. Napalunok siya ng dalawang beses nang matutukan ang matipunong pangangatawan nito. Bakat na bakat ang maskuladong dibdib nito sa suot nitong hapit na pulang kamiseta. Namumutok ang hitik na abs nito sa puson na bumakat din sa damit nito na may manipis na tela. Pero hindi kasing laki ng mga bodyguard nito ang katawan nito. Katamtaman lang ang maskulado nito. Kung hindi ito batak sa trabaho ay maaring alaga ng fitness equipment ang magandang hubog ng katawan nito. Katamtaman ang kaputian nito at makinis ang kutis, clean cut ang buhok kaya maaliwalas tingnan at takaw tingin ang guwapo nitong mukha. Napilitan siyang tingnan ang mukha ng lalaki nang may isang dipa na lang ang pagitan nito sa kanila. Bigla na lang nangatog ang tuhod niya nang sandaling magtama ang mga mata nila. Ang mga mata nito’y hayop kung tumingin, may kasingkitan ang mga iyon na naliligiran ng mayayabong na pilik, na may kayumangging eyeballs. Ang ganda ng pagkakatangos ng ilong nito na makitid at bumagay sa maninipis at naghuhugis puso na mamula-mula nitong mga labi. Mayroon itong mababaw na mga biloy sa magkabilang pisngi nang sandali nitong kagatin ang ibabang labi nito. Hindi siya sigurado kung ano ang taas nito, basta hanggang baba lang siya nito. Limang talampakan at limang pulgada ang taas niya kaya siguro, malapit na sa six feet ang taas nito or sakto. Obvious na may dugo itong banyaga. “Are they five only?” mamaya’y sabi nito sa isang bodyguard nito. “Yes, sir!” tugon naman ng lalaki, na tila heneral ang sinagot. Kumabog ang dibdib ni Aya nang huminto sa harapan niya ang lalaki. Sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya. Pagkuwa’y tumigil ang mga mata nito sa mukha niya. Napalunok siya nang bigla nitong hawakan ang baba niya at inangat pa ang kanyang mukha. She stared at his eyes intently. Naningkit ang mga mata nito. “Bakit may batang napasama rito?” mamaya ay tanong nito sa mga alalay. Napalunok siya ulit. Siya ba ang tinutukoy nitong bata? “Ah, hardinero po siya, sir,” sagot naman ng isang lalaki na nasa likod nito. “Hardinero?” Binitawan nito ang baba niya saka nilingon ang alalay na sumagot. “Puwedeng maging celebrity heartthrob ito ‘tapos magiging hardinero lang?” seryoso pero may sarkasmong sabi ng lalaki. “Nagmula po siya sa Quezon province, sir,” sabi naman ng isang alalay na nasa dulo. Tumalikod na ito saka lumakad. “Sige, isa-isa silang papasukin sa opisina ko. Ihuli na ang hardinero,” sabi nito sa mga alalay. Nakahinga nang maluwag si Aya. Pero nagtataka siya bakit ang tagal naman bago lumabas ang ibang kasama nila pagkapasok sa opisina ng boss? Ang huling lumabas ay nagtataas pa lang ng zipper ng pantalon. Inalipin na siya ng kaba. Bakit ganoon? Anong ginagawa sa mga kasama niya? “Ikaw na, bata!” sabi naman sa kanya ng isang alalay na kanina pa masama ang tingin sa kanya. Nangatal nang husto ang mga tuhod niya habang papalapit siya sa pinto ng opisina ng boss. Ang bodyguard pa ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Pagdating sa loob ay ang alalay pa mismo ang nag-lock sa pinto. Namangha siya sa lawak ng opisina pero wala naman sa office table nito ang lalaki kanina. “Come here!” mamaya ay narinig niya mula sa kanyang kaliwa. Pagtingin niya’y naroon ang lalaki at prenteng nakaupo sa stool chair at naghihintay sa kanya. Lumapit naman siya. Hinawi niya ang sliding glass door saka pumasok. Pagkasara niya sa pinto ay tumayo ang lalaki. “Stand up here,” anito saka itinuro ang sahig na may nakaguhit na malaking bilog. Tumayo naman siya sa gitna ng bilog. Humakbang ito palapit sa kanya at huminto may dalawang dangkal ang pagitan sa kanya. “Take off your clothes,” mamaya ay utos nito sa kanya. Napamata siya. Bigla na lang uminit ang buong sistema niya. Hindi na niya magawang kumilos. Natataranta na ang kanyang isip. Bakit kailangang maghubad? Ano’ng klaseng job interview ito? Tutuloy pa ba siya o tatakbo? “I said, take off your clothes!” pasigaw nang utos nito. Kumislot siya. Iba rin itong hudyo na ito. Aplikante pa lang ang kaharap nito bossy na. Pero hindi siya puwedeng umasta na palaban baka bigla siya nitong ipa-firing squad sa mga alalay nito. She has to do something to protect herself. It’s a nightmare to enter the weird organization. Well, kasalanan naman niya. “Ahm, I’m sorry sir, but—I-I have a skin problem,” nanginginig ang boses na sabi niya pero in character pa rin. Napanatili niya ang malaking boses. “I don’t care. Please… undress,” mahinahon nang sabi nito. Natolero na siya. Wala siyang ibang iniisip nang mga sandali iyon kundi tumakbo. Natatakot naman siya baka kapag ginawa niya iyon ay bigla siya nitong barilin. Hindi pa rin siya kumikilos. “Okay. I’ll do this for you,” anito at bigla na lang kinapa ang dibdib niya, pababa sa balakang niya. Natigilan ito nang tumigil ang mga kamay nito sa baywang niya. He gazed at her with a hint of allegation. Nagawa pa niyang makipagsukatan ng tingin dito sa kabila nang pagtahip ng dibdib niya dahil sa kama. Hindi siya nakapalag nang bigla na lang nito itaas ang laylayan ng damit niya kasama ang pangatlong makapal na damit na suot niya saka walang habas na hinubad ang mga iyon. Nanlaki ang mga mata nito nang mahantad sa mga mata nito ang dibdib niya na binalot ng benda. Nanigas ang panga nito at nanlilisik ang mga mata. “Sh*t!” he cursed. Marahas na hinablot nito ang wig niya. Naladlad ang ga-balikat niyang buhok. Bigla na lang siya nito itinulak padikit sa dingding. Idiniin nito ang kanang kamay sa puno ng dibdib niya. “Who sent you here, huh?!” gigil na tanong nito. Umiling-iling siya. “W-wala, I came alone,” nangangatal ang tinig na turan niya. “Do you think I will trust you in this situation? Ang lakas ng loob mo!” sighal nito sa mukha niya. Nasindak siya pero nagmaniobra ang kaba nang masamyo niya ang mabangong hininga nito. Idiniin pa siya nito sa pader. “Imposibleng nagpunta ka rito na walang ibang dahilan! Nagpanggap ka para mag-ispiya, ano?” Inakusahan pa siya. Wala siyang nagawa nang marahas nitong hubarin lahat ng saplot niya sa katawan kasama na ang benda sa dibdib niya. Kinapa nito ang katawan niya maging bibig niya ay ginalugad ng daliri nito. Nag-init ang buong sistema niya nang pati p********e niya’y ginalugad ng kamay nito. Hindi siya nakatiis, kinapitan niya ang kanang braso nito saka iyon pinilipit, sabay tinuhod ang sikmura nito. “Ugh!” daing nito at napayukod. Ngunit malakas ito. Kaagad itong naka-recover. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito saka marahas siyang isinadal sa dingding. Ginapos nito ang mga kamay niya sa likuran saka idiniin ng mga tuhod ang mga hita niya. Hindi siya nakapalag. “Sinasabi ko na nga ba, ispiya ka ng mga kaaway!” nanggagalaiting giit nito. “Maabilidad ka, ah pero walang makakalusot sa akin, baby. Now, you’re trapped here. Walang nakakalabas na buhay sa tiretoryo ko lalo pa’t kamuntik mo na akong ipahamak! May balak ka pang baugin ako, ah. Ngayon, sabihin mo sa akin kung sino ang nagpadala sa iyo rito? Si Mr. Yakamoto ba?” anito. Hindi niya pinansin ang mga pinagsasabi nito. “Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo! Pumunta ako rito mag-isa para sa kapatid ko!” palabang sagot niya. “Oh, oo nga pala, ang mga ispiya ay hindi nagsasabi ng totoo kapag nahuhuli, dahil baka siya ang balingan ng amo niya. Kumita na sa akin ‘yan. O baka gusto mong masaktan para umamin ka,” anito na may pananakot. “Nagsasabi ako ng totoo!” giit niya. Sinigawan din niya ito sa mukha. “Ito lang ang paraang alam ko para makapasok dito! Gusto kong makita ang kapatid ko’ng si Ava Madrid!” aniya. Sandaling napaisip ang lalaki. Pero lalo pa itong nagduda sa kanya. “Tama na! Lalo mo lang ako ginagalit!” asik nito. “Hindi nga ako ispiya! Gusto ko lang makita ang kapatid ko!” “Fine. Hintayin mo siyang dumating after one hundred days.” “Ano?” So meaning, alam nito kung nasaan ang kapatid niya. “Yes, after one hundred days, pagdating niya, saka ko malalaman na totoong kapatid mo nga siya. Pero hindi ka makakaalis sa teritoryo ko hanggang hindi ko napapatunayang inosente ka. Tumagal ng ilang taon ang organisasyon na ito pero wala pang nangahas na mahimasok dito at matagumpay na mag-ispiya, at hindi ikaw. Pero salamat dahil at least ngayon alam ko na, na may kaaway pa rin ako,” palatak nito. Niluwagan nito ang pagkakagapos sa kanya. “Pero napahanga mo ako. Magagamit ko ang abilidad mo.” He grinned and stare at her breast. Kumislot siya nang haplusin nito ang kaliwang dibdib niya. Naisip niyang lumaban pero inaalala niya ang mga alalay nito’ng may mga baril. Baka doon pa siya mamatay kung manlaban siya. Pero walanghiya, mapapasabak siya sa laban nito dahil sa ginagawa ng lalaking ito sa katawan niya. Bigla tuloy niya na-miss ang dati niyang nobyo na nag-asawa na umano dahil sa nabalitaang nakipagrelasyon siya sa ibang lalaki sa Japan. Masakit pa rin ang sinapit niya sa kanyang first love, the guy who claimed her virginity. Tuluyan na siyang pinakawalan ng lalaki pero nag-iwan ng nakakahibang na init ang mga kamay nito sa katawan niya. Pinasadahan pa nito ng tingin ang kahubaran niya. “You’re beautiful, stunning, and hot but you’re already taken. Sayang,” dismayadong saad nito. Tuwid itong tumayo sa harapan niya, humalukipkip at nakatitig sa kanya. Tila pinagnanasahan pa ang kanyang katawan. “Well, hindi na ako magtataka dahil lahat ng babae na nagtatrabaho kay Mr. Yakamoto ay ikinakama muna niya. But you still look fresh ah, unlike sa ibang babae ni Mr. Yakamoto na mukhang bilasa na?” simapatikong sabi nito. Kinikilabutan siya sa pinagsasabi nito. Bakit ba nito iginigiit na ispiya siya ng Mr. Yakamoto na iyon, eh hindi naman niya iyon kilala? “Hindi ko kilala ang sinasabi mong tao. Baka katulad ka rin niya, maniac!” matapang na buwelta niya. Binato siya nito nang mayahap na tingin. “How dare you called me maniac?” Sinugod siya nito at pinisil ang kanyang baba. Napanganga siya. “Don’t f*****g judge me, lady! Nangahas kang pumasok sa teritoryo ko and what do you expect, huh? It’s your fault!” gigil na sabi nito, nanlilisik ang mga mata. “Lahat ng bagong hired na empleyado rito ay dumadaan sa mahigpit na pagsisiyasat sa pisikal, dahil minsan nang may pumasok na babae rito na nakitaan namin ng voice recorder device sa loob ng ari niya. At hindi mo ako masisi kung nahawakan ko ang p********e mo dahil sa kapangahasan mong magpanggap na lalaki. Nag-iingat lang ako. Isa pa, sanay na akong nakakakita at nakakahawak ng maseselang parte ng katawan ng babae kaya huwag kang mag-alala.” He released her chin and scanned her nakedness once again while smirking. “And I didn’t attract to a woman with small boobs.” At talagang nilait pa ang s**o niya, ah. Hindi siya nakaimik kahit nagmumura ang kanyang isipan. Ang yabang nito. Guwapo nga, demonyo naman ang ugali, naisaloob niya. Isa-isang pinagpupulot niya ang damit saka isinuot. “You will stay here until I prove that you’re innocent,” mamaya ay sabi nito. Marahas niya itong hinarap. “No!” mariing protesta niya. “Ano ba ang gusto mong proweba?” “Sabi mo kapatid mo si Ava Madrid, pero wala siya rito sa Pilipinas. Wala akong contact sa kanya. May pagkakahawig nga kayo, kaya lalo akong nagduda. Hintayin natin siya after one hundred days. Hindi kita puwedeng pakawalan dahil kapag ginawa ko iyon, siguradong magsusumbong ka sa amo mo.” “Huh! Makulit ka rin, eh.” Namaywang siya. “Kapatid ko lang ang pakay ko. Malay ko ba sa kalakaran ng mga buhay ninyo?” “Fine. Tutal kapatid mo ang pakay mo, walang ibang paraan para makita mo siya kundi manatili ka rito. Hindi mo na siya makikita sa labas kahit anong hingi mo ng tulong sa awtoridad.” Natigilan siya. Nagdududa na talaga siya sa kapatid niya. Pero napaisip siya, makakatulong ang lalaking ito para makita niya si Ava. She’s willing to sacrifice for her sister. “Kung hindi mo ako papakawalan, ano naman ang gagawin mo sa akin?” aniya habang nagsusuot ng damit. “Hindi ba gusto mong magtrabaho bilang hardinero? You’re hired.” “Ano?!” natitigilang bulalas niya. “Ginusto mo ito kaya huwag kang magreklamo. Magtatrabaho ka sa akin ‘tapos sasahuran kita. Lahat ng iuutos ko sa iyo ay dapat mong sundin, pero may sahod pa rin iyon. At kailangan mo ring sundin ang one hundred one rules ko habang narito ka sa teritoryo ko. Gagawa ako ng kontrata na nasa iyo kung pipirmahan mo. Good for one hundred days iyon. Nakapaloob na roon ang rules ko, pero unexpected ang mga ipapautos ko. Ang binipisyo na makukuha mo rito ay ang makita ang kapatid mo at magkakatrabaho ka pa. Don’t worry, my company is legal and permitted,” anito. Kumalma rin ang sistema niya. Tamang-tama, kailangan niya ng trabaho dahil hindi na rin siya sigurado kung matatanggap siya ulit sa abroad. Pumayag siya sa suhesyon nito pero sisiguruhin niya na hindi siya magiging s*x slave katulad ng sinabi ni Elisa. Magandang pagkakataon din iyon para malaman talaga niya kung ano ang nangyari sa kapatid niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.5K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.0K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.9K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.1K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.9K
bc

Just A Taste (SPG)

read
893.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook