Chapter 2

2661 Words
HINIHINTAY ni Aya ang ginagawang kontrata ni Adam. Nagbabantay sa pintuan ng opisina ang alalay nito. Nalaman niya ang pangalan ng lalaki nang mabasa niya sa certificate of registration ang pangalan nito. Maya’t-maya ang tingin sa kanya ng malaking lalaki na alalay habang tahimik siyang nakaupo sa sofa katapat ng office table ni Adam. Naroroon sa kabilang office table si Adam at nagititipa sa laptop nito. Maya-maya ay tinawag na siya nito. Dagli naman siyang tumayo at lumapit dito. Umupo siya sa katapat nitong silya. “Here’s the contract. Basahin mo muna maigi bago pirmahan,” anito sabay abot sa kanya ng tatlong perasong papeles. Tinanggap naman niya ito saka taimtim na binasa. Nakatala roon na hindi siya maaring umalis sa puder nito hanggat hindi dumarating ang kapatid niya kahit matapos pa ang isang daang araw. Magtatrabaho siya roon na may suweldo na sampung libo kada buwan, libre tirahan at pagkain. Pero kapag nagawa niya nang maayos ang special job na ipapagawa nito sa kanya ay dudoblehin nito ang sahod niya. Hindi naipaliwanag sa papeles kung ano ang special job na sinasabi. “Ano’ng special job ito?” tanong niya. “Outside job. Asset,” anito. Nawindang siya. “Ano? Hindi ko kaya ‘yon?” reklamo niya. “Don’t worry wala pa akong asset na napahamak.” Humalukipkip ito habang pilyo ang ngiti at nakatitig sa kanya. “You’re skilled; I knew you’ll make it. So, take it or leave it?” Hindi na lamang siya umimik. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa. Sa huling pahina ng kontrata ay nakatala ang isang daan at isa nitong alituntunin. Huwag ako tawagin sa pangalan ko, bawal magreklamo kapag inuutusan, isang beses lang dapat ulitin ang tanong ko, huwag ako pagtaasan ng boses, bawal gumamit ng cellphone sa loob ng teritoryo, bawal makipag-usap sa outsider, hindi puwedeng lumabas mag-isa… taimtim na basa niya at marami pa. Pero ang nagpawindang sa kanya ay ang panghuli. Bawal akong ibigin o mahalin. Sumakit ang ulo niya matapos mabasa lahat ng alituntunin nito. Ang weird. Napaisip siya, paano nakatagal ang mga empleyado nito sa nakasasakal nitong alituntunin? Pero mabuti na lang sanay na siya sa ganoong amo. Ang una kasi niyang amo sa Japan ay pamilya ng mga Yakusa.  Iniisip niya ang kapatid niya, ang pangako niya na tuparin ang pangarap nito na maging flight attendant. Kaya handa siyang gawin ang lahat para mabigyan ito ng magandang kinabukasan. Nang abutan siya ni Adam ng ballpen ay dagli niya iyong kinuha saka pinirmahan ang dalawang kopya ng kontrata. Pagkuwa’y ibinigay nito sa kanya ang isa. “Hindi ba dapat ipa-notarize pa ‘yan?” siguristang sabi niya. “Don’t worry, I’m a lawyer,” nakangiting tugon nito. Napalunok siya. Hindi tuloy niya malaman kung nagsasabi ba ng totoo ang kaibigan ni Ava, na s*x slave ang trabaho ng kapatid. Ngayon ay may ideya na siya kung ano ang organization na pinasok niya. Isa malamang itong organisasyon na may layong sawatain ang mga elegal na gawain na lumalabag sa batas pantao. Pero bakit kailangan nito ng hardinero? Pasimpleng sinisipat niya si Adam habang inaayos ang paleles. Hindi halata sa pisikal nitong katangian na isa itong abogado. Bihira siya nakakatagpo ng abogado na artistahin, hunk, at batang tingnan. Naisip niya ang huling nakatala sa rules nito. Imposibleng walang naglabag sa rule na iyon. Malamang hindi siya. This guy leaved a bad shot in her life at their first met. She will never fall in love with him, titiyakin niya iyon. “So, this is official, pero dahil espesyal ka, doon ka titira sa bahay ko, hindi rito sa company building or sa agents apartment.” “Ano? Bakit?” Nagtaas siya ng boses, “Ooops! One mistake for you.” Diruro siya nito sa mukha. “Once you break half of my rules, you will receive a punishment from me.” Hindi siya nakaimik. Isinantabi muna niya ang kanyang katarayan dahil siya itong may matinding pangangailangan. Kung aawayin niya si Adam, baka hindi na niya makikita si Ava at maubos ang pera niya bago siya makahanap ng bagong trabaho. Bumuntong-hininga siya. Hindi ata niya kayang tumira sa iisang bubong kasama nito. Napakarupok niya pagdating sa lalaki, lalo kasing hot nito. “Excuse me, sir, unfair naman po ata kung sa bahay mo ako titira. Hindi ba hardinero ang trabaho ko?” mahinahon nang sabi niya. “Yap,” sagot nito saka tumango. “Under observation ka pa kasi kaya hindi ka puwedeng mawalay sa paningin ko. Baka kapag pinaubaya kita sa mga tauhan ko ay magagawa mo silang akitin para mapalabas ka.” Sinaway niya ang sarili sa muntikang pagtaas ng isang kilay. “Hindi ako ganoon. Pumirna na nga ako ng kontrata, ‘di ba?” “Dalawa na ang paglabag mo. Nagrereklamo ka.” Kumawala siya ng malalim na hininga. Hindi pa siya nagsisimula ay dalawa na ang paglabag niya. Mas mabuti siguro na huwag na siyang magsalita. “Paano pala ang mga gamit ko sa labas? Wala akong gamit dito,” pagkuwa’y sabi niya. “Kukunin natin kung nasaan man iyon.” “Kasama ka?” “Siyempre.” Hindi na siya kumontra. Kinagabihan din ay kinuha niya ang kanyang mga gamit sa Inn na tinuluyan niya. Sumama pa si Adam sa loob ng kuwarto. Bawat sulok ng kuwarto ay sinusuri nito. “Mag-isa ka lang ba rito?” tanong nito. Pati ilalim ng kama ay binukatkat nito. “Oo,” tipid niyang sagot. Grabe, sobrang mabusisi pala itong si Adam. Bago isinakay sa kotse ang mga gamit niya ay hinalughog pa ng mga alalay nito pati mga underwear niya. Ngayon lang siya nakakilala ng katulad ni Adam, na kulang na lang ay kabitan ng CCTV footage ang katawan niya. “Wala ba akong privacy?” naiiritang tanong niya nang malabas na sila ng kuwarto. Kumislot siya nang bigla siya nitong akbayan. Dumikit ang balikat niya sa maskuladong balikat nito. Sabay na silang naglakad. “Don’t act like somebody was stealing you. I told you, I’m just vigilant. Please act as my girlfriend, so the staff won’t think bad against me,” anas nito. Nakatingin nga sa kanila lahat ng staff ng Inn na nasalubong nila. Pagdating sa information ay si Adam pa ang nagbayad ng bill niya. “Check-out na po?” tanong ng babaeng front office staff. “Yes,” mabilis na sagot ni Adam habang mahigpit pa rin ang kapit ng mga kamay sa balikat niya. Hindi siya nakapalag dahil para siyang idinadarang sa apoy. Duda niya, baka iniisip ni Adam na tatakbo siya o kaya’y magdeklara ng kidnap kaya ganoon na lang kahigpit ang kapit nito sa kanya. Matapos magbayad ay lumabas na sila ng gusali. Nasa loob na rin ng kotse ang mga bodyguard nito at gamit niya. Magkatabi naman silang umupo sa backseat. Talagang nakaakbay pa rin ito sa kanya. “Puwede mo nang alisin ang braso mo sa balikat ko, ang bigat na,” reklamo niya. Umusad na ang sasakyan. Inalis naman nito ang braso sa balikat niya saka dumestansya. Inilapit lang nito ang mukha sa kanya saka bumulong, “Ang sarap ng init ng katawan mo.” Nagtayuan ang balahibo niya dahil sa sinabi nito. Hindi na lamang siya kumibo. Pagbalik nila sa WHO compound ay kaagad siyang dinala ng mga barakong alalay ni Adam sa dalawang palapag na bahay nito sa pinakadulo ng malawak na lupain. Mas malaki ang company building kaysa sa bahay nito. Ang kuwarto niya ay nasa hilira ng kuwarto ng mga katiwala sa bahay, sa ground floor malapit sa kusina. Talagang ibinukod siya nito sa mga katulong. Nakasaad pala sa rules ni Adam na bawal makipag-usap sa katrabaho during working hour, at dapat alas-nuwebe pa lang ng gabi ay hindi na sila pakalat-kalat sa labas ng working area nila. Kapag gusto niyang makausap si Adam ay tatawag daw muna sa personal bodyguard at secretary nito’ng si Bob, gamit ang telepono sa kumpanya. Hihiga pa lamang siya sa kama ay may kumatok na sa pinto. Dagli naman siyang bumangon at tinungo ang pinto. Si Adam, binigyan siya ng kaperasong papel. “Here’s your daily routine,” anito. “Kinuha naman niya ang papel at binasa. “May schedule?” untag niya. “Yap.” Sumandal ito sa hamba ng pintuan. “Bukas ng alas-singko ng madaling araw dapat gising ka na at nandoon na sa training center. Ang mga damit na isusuot mo sa training at trabaho ay nakalagay na riyan sa closet mo. Lahat ng damit na isusuot mo ay bigay ng kumpanya, hanggat narito ka sa teritoryo ko,” anito. Magrereklamo na naman sana siya pero naisip niya ang rules. “Yes, sir,” sabi na lamang niya. “Okay. Sleep well,” anito saka umalis. Nang makahiga na sa kama si Aya ay hindi na siya makatulog dahil kinakabisado niya ang one hundred one rules ni Adam. Gusto sana niyang makausap si Elisa pero nasa security office ang cellphone niya. Hindi talaga niya maintindihan si Adam. Bakit ganoon ito kahigpit? Bigla tuloy siya na-curios sa katauhan nito. Napangiti siya habang naiisip ang kagagahan niya. Pasalamat pa rin siya dahil hindi naisipan ni Adam na i-firing squad siya dahil sa pangahas na panloloob niya sa teritoryo nito. Pero hindi naman siguro ganoon kasamang tao si Adam na basta na lang papatay ng tao. Kinakabahan siya at nasasabik. Maliban sa gusto niya magtrabaho sa isang mahigpit na amo, gusto din niya tumuklas ng mga sikreto ng mga katulad ni Adam na masyadong misteryoso. Kung tutuusin, mas malala pa rito ang unang amo niya sa Japan. Sa tuwing nagkakamali kasi siya ay hinahasaan siya ng espada sa harapan niya. Kamuntik na ring maputol ang daliri niya dahil sa pagkakamali niya sa pagkabit ng hikaw sa anak ng amo niya. Nagka-tattoo tuloy siya na wala sa oras sa kanang hita niya. Kung hindi lang niya nakilala si Ruzi Yukasan, na half Japannese-Filipino ay baka matagal na siya napugutan ng ulo ng amo niya. Nagtrabaho siya sa music bar ni Ruzi, dahil isa itong Vocalist ng kilalang banda sa Japan. Mabait si Ruzi, kaya lihim siyang nagkagusto sa binata. At nagulat siya noong magtapat ito ng pag-ibig sa kanya. Nag-aasume na ang binata na gusto rin niya ito nang matuklasan nito na may boyfriend siya na naiwan sa Pilipinas. Hindi pa niya opisyal na tinanggap si Ruzi ay nabalitaan niya na ikinasal na umano ang dalawang taon niyang nobyo na si Henry. Nasaktan siya noon at halos nawalan siya ng ganang magtrabaho. That time, nanlamig na rin sa kanya si Ruzi kaya lalo siyang nahirapang makabangon. Pero alang-alang sa kanyang mga kapatid, pinilit niyang kalimutan si Henry. Magmula kasi noong magkasunod na namatay ang mga magulang niya ay siya na ang tumaguyod sa dalawang kapatid niya. Hindi niya natapos ang kursong nursing dahil kinailangan niyang magtrabaho. At ngayon, kailangan ulit niya pumasok sa butas ng karayom para maibalik ang kanyang kapatid na nawawala. DAHIL sa kakaisip ni Aya na kailangan niyang magising nang mas maaga pa sa alas-singko ay nagising tuloy siya ng alas-tres pa lamang ng madaling araw. Ala-una na nang huli siya tumingin sa orasan bago siya nakalimot. Gusto pa sana niyang matulog pero hindi na siya magupo ng antok. Bumangon na lamang siya at binuksan ang aparador. Talagang naka-organize ang laman nitong mga damit. Nakasilid pa sa plastic ang pares ng mga damit na may nakasulat kung para saan iyon gagamitin. Nang makita niya ang training suit ay binuksan niya at iniladlad ang ternong itim na jogging pants at itim na t-shirt. May logo ito ng Wild Heart Organizations na naglalarawan ng puso na pinuluputan ng matinik na baging ng rosas at may baril sa gitna. Lahat ng damit at gamit ay may logo. Lumabas na muna siya at tinunton ang palikuran na katabi ng pinto ng kusina. Binalikan na niya ang gamit saka naligo. Kompleto na lahat ng gamit niya. Bilib na talaga siya, pati feminine wash ay mayroon na at iba pang personal hygiene. Hindi man ang mga brand na iyon ang ginagamit niya, pero ang alam niya mas mahal ang mga iyon. Pagkatapos na maihanda niya ang sarili ay hinagilap na niya ang training center. Sinundan niya ang grupo ng mga kalalakihan na tumatakbo sa malawak na field. Sumunod siya sa mga ito. Nakilala niya ang ilan sa mga iyon. Ang apat sa mga ito ay kasabayan niyang pumasok sa kumpanyang iyon. Pagdating sa malawak na training field ay namangha siya. Kompleto ang gamit para sa martial arts, may mga fitness equipment, at sa kalahati ng field ay tila sinadya na hinukay para sa underground. Sumilip pa siya sa entrada niyon. May narinig siyang ugong ng putok ng baril, saka siya nakombinsi na isa iyong firing range. Kumislot siya nang may mabigat na kamay na sumampa sa kanang balikat niya. Paglingon niya’y si Bob, ang personal assistant at bodyguard ni Adam. Noon lang siya nagtaka bakit nag-hire pa ng maraming bodyguard si Adam. Sino naman ang babantayan ng mga iyon? “Hinihintay ka na ni Boss,” ani ni Bob. Sumunod naman siya rito. Dinala siya nito sa martial arts court, kung saan maraming kababaihan ang nagsasanay sumuntok, sumipa, habang ang iba ay nag-uunat ng kasukasuan at nagbabatak ng katawan gamit ang mga fitness equipment.  Namangha siya sa kanyang nakikita. Mga bihasa na ang mga babae at halos magaganda. Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa bench. Si Adam, suot ang katulad sa uniporme nila. Pagkuwa’y inilapit siya rito ni Bob. Tumayo naman ito. “This is your first day, Aya, and this is your new world! Mag-warm up ka na, bago kita isasabak sa laban,” anito. “Anong laban?” ‘takang tanong niya. Ibinaling nito ang tingin sa mga babaeng nakikipagduwelo sa kani-kanilang partner. “May abilidad ka sa martial arts kaya bibigyan kita ng magandang matches. She’s pretty like you, but I think she’s braver than you,” kaswal na sabi nito. Sinundan niya ng tingin ang babaeng tinitingnan nito. Nginitian siya ng babaeng maskulado na sinisipa ang kicking bag. Halatang malakas ang sipa nito dahil malakas ang talsik ng bag. Bigla na lang siya nilamon ng kaba. Basic fight lang ang naranasan niya at hindi totoong sakitan. “What are you waiting for, Aya? Mag-warm up ka na,” utos sa kanya ni Adam saka ito muling umupo sa bench. Kumilos naman siya. Nilakasan na niya ang loob. Naghanap siya ng puwesto para mag-warm-up. Inunat-unat niya ang kanyang mga binti at braso. Habang ginagawa niya iyon ay pasimpleng sinisipat niya ang babaeng makakalaban niya. Pinag-aaralan niya ang kilos nito. Nang sipatin niya ulit si Adam ay nag-init ang sistema niya nang magtama ang mga mata nila. He smiled sharply and left a lustful wink at her. Kumabog ang dibdib niya. Iniwasan niya ito ng tingin at itinuloy ang warm-up. Makalipas ang isang oras ay pinatigil na silang lahat saka binigyan ng space sa gitna. Nang tumayo si Adam ay siya naman ang upo ng mga kasama niya sa sahig-habang nakapalibot sa malaking espasyo sa gitna. Siya lang ang nakatayo at ang makakaduwelo niya na si Clara-ang kilalang pinakamahusay na agent ng organisasyon na iyon ayon sa ibinulong sa kanya ng kakikilala niyang agent na si Myla. Pumuwesto na ito sa ginta at nakangising nakatingin sa kanya. “Move to the center, Aya. The fight will start in a few moments,” sabi ni Adam. Pumagitna naman siya habang nakaharap kay Clara. Panay ang buntong-hininga niya. Mga braso pa lang nito pang-UFC na, o Ultimate Fighting Championship fighter. Mas matangkad pa ito sa kanya ng dalawang pulgada. Bahala na talaga. “Magdasal ka na, baguhan!” mayabang na sabi sa kanya ni Clara. Nginisihan siya nito. Hindi lamang siya umimik. Inihanda niya ang kanyang sarili.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD