Chapter 3

3416 Words
PANAY ang buntong-hininga ni Aya habang hinihintay ang go signal ni Adam. “Okay, ladies! Kapag gusto n’yo nang sumuko o hindi n’yo na kaya, just raise your left hand and the fight will end immediately,” mamaya ay anunsiyo ni Adam. Sinuyod ni Aya ng tingin si Clara, ‘di hamak na mas malaki ang katawan nito kaya tiyak na tulog siya kapag tinamaan ng suntok nito. Bato-bato na ang katawan nito at baka siya pa ang masaktan kapag sinuntok niya ito. Nasa posisyon na ito ng pagsugod habang siya ay naka-ninety-degree lang ang tindig at kalmanteng nakakuyom ang mga palad. Ruzi teaches her how to perform kick boxing and judo, a Japanese martial art. “Okay! Begin!” anunsiyo ni Adam. Pagkasabi niyon ni Adam ay kaagad na lumipad ang kanang paa ni Clara, mabuti na lang napaghandaan niya. Nailagan niya ang unang sipa nito. Kung sa pabilisan ay magkasing bilis lang sila, pero huwag lamang siya matamaan ng sipa at suntok nito dahil baka makatulog siya. Ngunit pag-iwas niya sa suntok nito ay kaagad na umigkas ang kanang paa nito at tumama sa sikmura niya. “Ugh!” daing niya. Sa lakas ng sipa nito ay nawalan siya ng panimbang. Tumalsik siya. Naimulat niya ang kanyang mga mata nang maramdaman ang malakas na mga kamay na sumalo sa likod niya. May mainit na hiningang bumuga sa batok niya. “Come on, Aya, face your enemy,” narinig niyang bulong ni Adam sa likod ng tainga niya. “Ate, pangako, mag-aaral ako’ng mabuti, basta ba padalham mo ako ng magagandang damit,” naalala niya’ng sabi noon ni Ava, habang papaalis siya papuntang Japan. Nagulat siya nang bigla siyang itulak ni Adam. Napasugod tuloy siya kay Clara. Sinuntok niya ito na magkasunod ngunit nailagan nito ang mga iyon. Kaagad niyang naibalik ang balanse at hinuli ng kanang binti niya ang puson ni Clara. “Ugh! Buwisit!” daing nito nang tumalsik ito matapos niyang masipa sa puson. Mabilis itong nakabawi at sinugod siya ng magkasunot na side kick. Nasalat ng mga braso niya ang mga paa nito habang siya’y umaatras. Nang mahuli niya ang kaliwang paa nito ay tinadyakan niya ulit ito sa puson. Sumalampak ito sa sahig, galit na galit. Hindi ata matanggap na tinamaan niya ito. Nanggagalaiting tumayo si Clara at sinugod siya ng flying kick. Naiwasan niya ito ngunit mabilis itong nakabalik at sinipa siya sa kanyang pang-upo. Sumubsob siya sa mga babaeng nakaupo at nanonood. Itinulak naman siya ng mga ito patayo. Kaagad niyang hinarap si Clara na pinaulanan siya ng magkasunod na suntok at sipa. Ilag, atras at sangga lang ang ginagawa niya. Nang umikot ito upang bigyan siya ng round kick ay tumuko siya at sinalubong ito ng uppercut sa sikmura. “Ugh!” daing nito. Ngunit mabilis itong nakabawi. Hinampas siya ng malakas nitong braso sa likod. Pagkatapos ay gumanti ito ng uppercut sa kanya. Nanilim ang paningin niya matapos siya tamaan ng malaks na suntok nito sa sikmura. Nagpumilit siyang imulat ang mga mata ngunit hindi na niya maaninag ang mga tao sa paligid niya. Unti-unti na siyang bumabagsak hanggang sa maramdaman niya ang maskuladong braso na sumalo sa katawan niya.   “SO,” tinig ni Adam na siyang unang narinig ni Aya pagdilat niya ng mga mata. Bumalikwas siya nang upo nang mamataan niya ito’ng prenteng nakaupo sa silya katabi ng bedside table. Hindi matanggap ng sistema niya ang nangyari matapos siya tamaan ng malakas na suntok ni Clara sa sikmura. Bakit ba siya napapayag na labanan ang babaeng iyon na parang lalaki kung sumuntok? “How dare you, Adam?! This is illegal! It’s out of the contract!” asik niya. Marahas itong tumayo. “I dare, Aya!” ganti nito, nagtaas din ng boses. “Nakalimutan mo na ba ang rules ko at ang atraso mo sa akin?” paalala nito. “I don’t care about your f*****g rules!” gigil na buwelta niya. Napatayo na rin siya. “Ganito ba ang ginagawa mo sa lahat ng babaeng nadadakip mo?” “They chose this! I’m just helping them and gave them a job!” “Job? What kind of job then?” Bahagyang bumaba ang timbre ng boses niya. “They chose this job for their better future,” mahinahon nang sabi nito. Hindi pa rin niya ito maintindihan.“Where’s the better future here, sir?” gumaralgal na tanong niya. “They don’t have a choice but fight each other. For what? Why they need to be trained as a fighter?” Inusig niya ito. “Listen to me, Aya.” Akmang hahawakan siya nito sa balikat ngunit iniwaksi niya ang kamay nito. “Okay, listen; they won’t fight to hurt each other, they just learning how to defend themselves in case of harassment. Everything is under control. It’s just like you’re in sports, but you don’t need to fight for your county or the price, instead, you have to fight to protect yourself,” paliwanag nito. “Pero para silang mga bilanggo na sumusunod lang sa batas mo,” aniya. “Hindi mo kasi naintindihan, Aya. Itinatag ang organisasyong ito para masawata ang laganap na human trafficking and modern-day s*x slavery, kung saan karamihang nabibiktima ay ang mga kababaehang walang kalaban-laban at nimor de edad. Ayaw ko’ng may naaabusong mga babae dahil hindi nila magawang protektahan ang mga sarili nila. Gusto kong malaman ng mga abusadong tao-lalo na ng ibang lalaki, na hindi lahat ng babae ay puwede nilang abusuhin at pagsamantalahan ang kahinaan,” paliwanag nito sa mahinahong tinig. Natanto niya, katulad din ng ilang organisasyon sa Japan ang layunin ni Adam. Pero nahihirapan siya sa sitwasyon ng mga babae. Though they look comfortable with their chosen job, for her, working as an asset or agent in an organization was like gripping the tip of the knife. Hindi na niya magawang magsalita. Umupo na lamang siya sa gilid ng kama. “Take a rest. Padadalhan kita ng pagkain at gamot,” anito saka siya iniwan. Maya-maya ay may dumating na babae dala ang tray ng pagkain. Nagulat siya, ang babaeng ito ay kasama rin niya kanina sa training. Nakasuot na ito ng bughaw na blouse at slacks. Pagkalapag nito ng pagkain sa lamesa ay iiwan sana siya nito pero pinigil niya ito. “Sandali,” pigil niya rito. Hinarap naman siya nito. “Bawal makipag-usap sa katrabaho, on-duty ako,” anas nito. “Pero kailangan ko ng kausap.” “Mamayang gabi na,” giit nito at nagpakilala. “Ako nga pala si Jean.” Bumuntong-hininga siya. Tinitigan niya ang pagkain. Umuusok pa ang goto na may toppings na roasted garlic, chops union leaves, and sliced egg. Ang pares nito ay sliced smoked ham and loaf bread. Kumain na lamang siya. May gamot na ring kasama sa tray. Analgesic lang naman ito. Nang makapagpahinga ng konti ay  tumayo na siya at dinala ang pinagkainan niya sa kusina. Hinugasan niya muna ang mga ito. Pagkatapos ay nilibot niya ang kabahayan. Malawak ito at maluwag ang salas na may mga magagarang furniture. Hindi na siya nakiusyoso sa ibang pasilidad. Naalala niya, alas-otso pala ang simula ng trabaho niya bilang hardinera. Nagpalit na siya ng gardener’s suit na kulay berde. Pagkuwan ay nagtungo na siya sa likod ng bahay kung saan itinuro sa kanya kagabi ng guwardya ang bodega na iniimbakan ng mga gamit sa paghahalaman. Kasama rin sa trabaho niya ang pagdidilig, siyempre. Subalit pagdating niya sa likod ng bahay kung nasaan din ang Olympic swimming pool, napako ang mga paa niya sa tapat ng bodega nang masipat niya si Adam. Nagpu-floating sa tubig suot lang ay itim na brief. May kung anong bumara sa lalamunan niya nang tutukan ng paningin niya ang bumubukol sa pagitan ng mga hita nito. Pinagpawisan ang mga singit niya dahil sa mainit na tanawin. Perpekto ang pagkakahubog ng mga kalamnan nito mula dibdib, puson at mga binti’t braso. Ganoon ang katawang madalas niya pinagnanasaan-na madalas lamang niya makita sa mga male model at porn actor na napanood niya. Yes, she’s a fan of hunky magazine and soft porn film. Siyempre, hanggang pantasya lang naman siya. Ngali-ngali niyang batukan ang sarili sa paggunita na madalas siyang manood noon ng mga porn o erotic movie habang nasa Japan siya. Iyon kasi ang na-adapt niya sa mga kasama sa trabaho bilang libangan. Pero hindi naman siya  basta nagpatukso sa mga lalaki noon kahit inakit siya ni Ruzi at pinapak ang kanyang hiyas. Ruzi respect her when she said no, she don’t want to accept his p***s to penetrate her womanhood. She just gave him a blowjob as respond. That’s it, at pinagsisihan niya iyon pagkatapos. Iniisip kasi niya noon si Henry. Kahit miss na miss na niya ang binata ay hindi siya basta nagpadaig sa tukso. But Henry betrayed her without formal conversation. Basta nakarating na lang sa kanya na ikinasal na umano ito. Para siyang biniyak ng espada noon sa sakit. Hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin niya maintindihan si Henry. Wala siyang ideya bakit ito nagpakasal na hindi muna nakipaghiwalay sa kanya. Nang kumilos si Adam ay dagli naman siyang tumalikod at lumapit sa bodega upang kunin ang armas para sa trabaho. Nagkunwari siyang hindi ito napansin. Pero talagang tinutukso siya ng presensiya nito. Kahit nagdidilig na siya ng halaman ay pasimpleng sinisipat niya ang lumalangoy na si Adam. Naisip niya bigla ang panghuli sa rules nito. Doon talaga siya na-curious. Bakit ayaw nito na may ma-in love rito? Dahil ba kasal na ito, o kaya’y may girlfriend? Wala naman siyang napansing wedding ring sa mga darili nito. Mukhang binata pa naman. May lumabag na kaya sa rule nito na bawal itong ibigin o mahalin? Tanong niya sa hangin. Maya-maya ay bigla na lang umahon sa tubig si Adam. Sa sobrang gulat niya ay nai-angat niya ang hose ng tubig na nakatapat pa man din kay Adam. Pumulandit sa mukha nito ang tubig. “s**t! What the hell are you doing?!” asik nito habang iniiwasan ang tubig. “Ay! S-sorry, sir!” natataratang sabi niya sabay baling ng hose sa puno ng mga halaman. Kinukusot ni Adam ang mga mata na tinamaan ata ng tubig. Kinabahan siya nang mamataang humahakbang na ito palapit sa kanya. “s**t! Ang hapdi ng mga mata ko!” reklamo nito habang kaliwang mata lang ang nakabukas. Namula ang isa. Hindi niya ito magawang harapin. Nakatutok lang siya sa dinidiligan niyang halaman. Naramdaman niya ang paghinto nito sa likuran niya. Hindi siya lumingon kahit parang idinadarang siya sa apoy. Kumislot siya nang lumapit pa ito. May matigas na bagay na sumundot sa pang-upo niya. Basa! Ang sarap! Shit! Umisod siya. “Nag-breakfast ka na ba?” pagkuwa’y tanong nito nang bumaling sa tabi niya, sa gawing kaliwa. May dalawang dangkal lamang ang pagitan nito sa kanya. “O-opo,” tipid niyang sagot ngunit hindi ito magawang tingnan. “Akala ko hindi pa dahil mukhang naduduling ka na. Hindi mo ako kailangan diligan dahil malago na ako. Dapat ikaw ang dinidiligan para tumaba ka,” pilyong sabi nito. Umalab ang tainga niya. Iba ang dating sa kanya ng mga sinabi nito. Napilitan siyang tingnan ito pero nalaglag ang paningin niya sa matipunong dibdib nito na may butil-butil na tubig na naiwan. “Ayaw kong tumaba. Karamihan sa mga foreigner ay gusto ang balingkinitan,” aniya sabay bawi ng tingin. Tumawa ito nang pagak. “Foreigner pa talaga ang gusto mo, ah. Malalaki ang kargada,” amuse na sabi nito. “Foreigner naman ako. Half Spanish-Japanese ang tatay ko. Hindi nga lang ako lumaki sa foreign country.” Bakit pa nito kailangang sabihin sa kanya iyon? Nang tingnan niya ulit ito ay umuklo na ito at nagbubunot ng maliliit na damong tumubo sa mabuhanging lupa. “I’m still not convinced that you’re Ava’s sister, Aya. Though may pagkakahawig kayo pero posible talaga na may taong may parehong angle ng mukha pero hindi magkadugo. Maaring ginagamit mo lang ang apelyido niya base sa details na ibinigay sa iyo,” puno ng pagdududang sabi nito. Nagdududa na talaga siya kung ano ba ang naging papel ni Ava sa mga kamay nito. Naisip na naman niya ang rules nito. Hindi siya naglabag pero mukhang ito ang lumalabag dahil kinakausap siya nito habang on-duty siya. Sabi kasi sa rules, bawal makipag-usap kahit kanino habang nasa oras ng trabaho. Hindi niya iniintindi ang pinagsasabi nito. Alam niya sa kanyang sarili na wala siyang masamang pakay. “Hindi naman ako obligadong paniwalain ka, sir. Basta ang alam ko, inosente ako sa paratang mo,” aniya. “Okay.” Lumapit pa ito sa kanya. “Habang nagdidilig ka, hugasan mo rin ang mga dahon ng halaman para palaging malinis tingnan. Haplusin mo ng kamay,” anito habang pinagmamasdan siya. Sinunod naman niya ito. Ngunit paghawak niya sa malapad na dahon ng hindi pamilyar na halaman ay bigla na lang may gumapang na matabang caterpillar sa kamay niya. “Aaay!” sigaw niya sabay waksi sa kamay upang tumalsik ang caterpillar. Isa pa naman ito sa kinakatakutan niya. Napalaki ang hakbang niya paatras. At sa sobrang nerbiyos ay nanlumo ang mga tuhod niya dahilan upang mawalan siya ng panimbang. Nabitawan niya ang hose ng tubig nang may maskuladong mga braso na pumulupot sa baywang niya. Nagdikit ang likod niya sa matigas at mamasa-masang katawan. “Relax, uod lang ‘yan,” bulong ni Adam sa likod ng tainga niya. Ganoon na lang ang agarang pagdantay ng bayolenteng init sa kanyang mga ugat. Ang init ng hininga nito na bumubuga sa kanyang batok ay lalong nagpangatog sa mga tuhod niya. Gusto na niyang bawiin ang katawan mula rito ngunit tila nakaposas ang baywang niya sa maskulado nitong mga braso. “Hindi ko maintindihan bakit karamihan sa mga babae ay takot sa uod. Hindi naman nananakit ang uod, ang sarap nga nilang hawakan,” anito saka lamang siya pinakawalan. Napamata siya nang mapansing pinulot nito ang uod na tumilapon sa lupa saka ito muling lumapit sa kanya. Nahigit niya ang paghinga nang pumuwesto ito sa likuran niya at inilapit sa kanyang mukha ang caterpillar. “Aay!” Tili niya at iniwaksi ang kamay nito pero nahulog sa dibdib niya ang pobreng uod. Gumagapang paang uod papasok sa damit niya. Hindi na siya makahinga dahil sa nerbiyos, ni hindi siya makagalaw. Naramdaman niya ang nakakikiliting katawan ng uod. Pinagmamasdan lang siya ni Adam habang nakatayo sa harapan niya. “Berdeng-berde ka sa suot mo kaya iisipin ng uod na dahon ka. Now, ask me for help para kunin ko ang uod,” sabi pa ni Adam. Nangatal ang buong katawan niya at pakiramdam niya’y malalagutan siya ng hininga. Pansamantalang namanhid ang katawan niya. Dumapo na sa puno ng dibdib niya ang uod na pumasok na sa damit niya. Hihingi na ba siya ng tulong? Konti na lang ay hihimatayin na siya. Nang sumuot na sa bra niya ang uod ay hindi siya nakapagpigil. “Help me!” sigaw niya. Hihimatayin na sana siya dahil sa nerbiyos pero nahalinhan ng makapasong init ang takot niya nang madama niya ang init ng kamay ni Adam na pumasok sa damit niya at dinukot sa loob ng bra niya ang uod. Nang matagumpay nitong makuha ang uod ay hindi niya napigil ang sarili na sampalin ang makinis na pisngi ni Adam. Napalakas pa ang pagsampal niya dahil damang-dama niya ang pamamanhid ng kanang palad niya. Namula rin ang pisngi nito. Tulalang tumitig sa kanya si Adam habang sapo ng kamay ang nasaktang pisngi. Dahil sa inis ay hindi na niya inintindi ang pagtalim ng titig nito sa kanya at ang paninigas ng panga nito. “Gusto mo lang makahipo ng dibdib idinaan mo pa sa uod! Baliw ka talaga, Adam? You’re—” Hindi niya natuloy ang sasabihin nang bigla nitong ikulong sa mga palad ang mukha niya saka walang abog na hinapuhap ng halik ang mga labi niya. Pakiramdam ni Aya ay biglang huminto sa pag-ikot ang mundo. Tumibok nang matulin ang puso niya-habang ang init na nagmumula sa labi nito ay mabilis na tumulay sa mga ugat niya. Ang halik nito ay masyadong makapangyarihan at mapaghanap ng tugon, subali’t hindi niya ikinilos ang mga labi kahit nagawa iyong ibuka ng labi nito. Naramdaman niya ang pagkilos ng panlasa nito sa kanyang bibig at kinatagpo ang kanya. Tumulay ang boltahe ng kuryente sa kanyang mga ugat at nadama niya ang kanyang kahandaan. Bakit ganoon na lang kapusok ang katawan niya dahil lang sa halik? Itinulak pa siya ni Adam kaya napasandal siya sa matigas na pader ng bodega. Lumalim pa ang halik nito at ginalugad ang kanyang panlasa. He sucked her tongue… hard as if he want to swallow it, ate it like a hungry beast. Ang wild nitong humalik, parang gutom na gutom. Siya naman ay nangatal ang mga tuhod dahil sa tindi ng tensiyong pilit niyang nilalabanan. “s**t! Ang sarap mong halikan!” bulalas nito nang sandaling tumigil upang lumanghap ng hangin. Nang muli nitong hinapuhap ng halik ang bibig niya ay itinulak niya ito sa dibdib. Ang tindi ng init na nilikha nito sa katawan niya. Darang na siya at basang-basa pero naroon pa rin ang kontrol niya. And she was shocked when Adam rub his stiffened d*ck against her loin. Lalo niya itong itinulak. Hinahapong dumistansya ito sa kanya. Sinuklay ng mga daliri nito ang ilang hibla ng buhok nito saka nakangising tumitig sa kanya. He’s eyes were still in heat. Hiningal din siya sa tagal na paglasap nito sa bibig niya. “Isa kang baliw!” gigil na asik niya. He giggled. “You made my day, Aya. Damn! I can’t imagine myself doing this to you. But your mouth tastes so good. Nabitin ako,” pilyong sabi nito. “Sira-ulo! May sayad ka ba?” Napalis ang ngiti ng binata. Akmang iiwasan niya ito ngunit hinagip nito ang kanang braso niya at isinandal siyang muli sa dingding. Inilapat nit ang kanang palad nito sa puno ng dibdib niya. “What did you say?” paos na tanong nito habang malagkit ang titig sa kanyang mga mata. She let out a heavy sigh. “Let me go,” mahinahong sabi niya. “You said, may sayad ako, huh! Ikaw pa lang ang nagsabi niyan sa akin, Aya,” gigil na sabi nito. “At ano sa palagay mo ang sasabihin ko? Salamat dahil sa mala-hayop mong halik?” palabang buwelta niya. Ngumisi ito. “You know, my kiss seduced thousand of a woman already. Ikaw lang ang parang diring-diri sa akin, eh. And that was embarrassing.” Hinawakan niya ang kamay nitong nakadiin sa puno ng dibdib niya at inalis pero hinuli nito ang kamay niya at banayad na pinisil. Natigilan siya nang gupuin ng bayolenteng init ang kaibuturan niya. “I’m sorry,” he said, and released her hand and quickly caressing her cheek. Dumistansya ito. “Sorry sa sampal,” sabi rin niya. “I forgiven you,” mabilis nitong tugon. “Pero alam mo, wala pang babaeng nanampal sa mukha ko. Wala pa ring babaeng hinalikan ko sa labi nang kusa,” may kayabangang sabi nito. Hindi siya nagkomento. Nilagpasan niya ito saka kinuha ang hose ng tubig. “And don’t think I am yearning for your boobs. Hindi naman ako naaakit sa dibdib mo na kasing liit ng monggo ang n*pples. Gusto ko lang alisin ang takot mo sa uod,” sabi nito na nilait pa ang dibdib niya. Nabuhay na naman ang inis niya rito. Marahas niya itong hinarap. “Binabawi ko na ang sorry ko dahil kung tutuusin kasalanan mo. E, ano kung kasing liit ng monggo ang n*pples ko? You don’t deserved my sorry, sir,” nagtataray na sabi niya. Adam smiled sharply. “So, wala nang sorry?” anito. “Bakit ba ako magso-sorry? Wala naman akong kasalanan,” giit niya. Nanigas ang panga ng binata. “Sige, mag-overtime ka mamaya para masahehin ako,” sabi nito saka siya tinalikuran. Magrereklamo sana siya pero inusig na naman siya ng rules nito. Ipinagpatuloy na lamang niya ang trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD