Chapter One
“Balak mo na namang lumipat ng school, aber? Bakit? Madami ka bang pang-bayad, ha? Lakas naman ng loob mong sabihin sa akin iyan!” bulyaw ng aking tiyahin ng sabihin kong lilipit muli ako ng school.
Ayoko sa school namin dahil hindi maganda ang turo. Kulang ang Professors. Iba-iba ang itinuturo kumpara sa normal na school. Nakapagtataka nga dahil private school iyon pero walang binayad ang Tiya ko. Hindi na nakapagtataka kung bakit ganoon ka-bulok ang school na'yon.
“Tutulong nalang po ako sa trabaho, Tiya. Basta po ilipat niyo ako ng school. Parang awa niyo na po.”
Pumikit ako dahil ang akala ko ay sasampalin ako ng Tiya ko. Laking gulat ko ng inihampas niya lang ang dalawang palad sa lamesa. Ayun tuloy, nasira ang marupok na mesa namin.
“Sino ang mag babayad ng tuition mo doon? Alam mong mahirap lang tayo!” sigaw na naman niya.
Hindi ba niya kaya na magsalita ng mahinahon? Malapit ng masira ang eardrums ko, eh. Sa tatlong taon na pagkukupkop ng Tiya ko sa akin, puro sigaw niya na lamang ang palagi kong naririnig.
“Ako na po Tiya. Basta payagan niyo lang po ako na lumipat ng school.” sabi ko at tumayo sa pagkakaupo.
Bumuntong-hininga lang ang Tiyahin ko at bumalik sa kusina para tignan ng iniluluto.
“William! May alam ka bang trabaho na pupwede kong pasukan pansamantala hanggang sa maka-ipon ako ng pera?”
Pinuntahan ko si William—kababata ko. Siya lang ang naging kaibigan ko simula noon hanggang ngayon.
Nagtataka niya pa akong tinignan. Nasa isip niya siguro na lagi nalang ako lumilipat ng school. Eh, paano ba naman kasi! Laging si Tiya ang naghahanap ng school para sa akin. Hindi manlang ako nakapag de-desisyon.
“Same answer, William. No more explanation na,” natatawa kong sabi. Inunahan ko na siya, parang armalite ang bibig niyan kapag nagsimula na magtanong, eh.
“Ah, eh, ih, oh, uh,” kunwari pang nagiisip siya.
Lumipat ako sa likod niya at marahan binatukan.
“Aray naman, Anne-tot! Wait lang kasi! Nag-iisip nga ako kung saan pu-pwede, eh.” nagkamot siya ng batok at nag-isip.
Ang sagwa talaga ng itsura nitong si William. Naka afro style ang buhok, naka brace, tapos naka salamin pa, e naknakan ng itim ang balat. Akala mong ipinag-lihi sa uling ni Aling Tess.
“Anong tingin na naman 'yan, Anne-tot?”
Kapag ganoon ako tumingin sa kanya, matic, alam na niyang nilalait ko siya sa isipin ko. Natawa nalang ako dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Para siyang malungkot na uling na tinubuan ng mukha.
“Titigilan ko ang panglalait sa'yo kung ihahanap mo ako ng part-time job!” natatawa ko pa ring sabi.
Hindi ko alam kung bakit naging best friend ko pa 'tong si William. Hindi naman ganito ang itsura niya nuon, eh. Maputi naman siya dati. Anong nangyari ngayon?
“Unique ako, Anne-tot. Ako lang ang may ganitong mukha. Nag-iisa lang 'tong best friend mo!” naiinis na sabi niya sa akin at naglakad papalayo.
Sinundan ko lamang siya habang tumatawa sa likuran niya.
“Internet Café?” nagtataka kong tanong kay William ng huminto siya sa hindi kalakihang Internet Café dito malapit sa bulok na school na pinasukan ko noon.
“Bakit? Ayaw mo ba sa ganito? Arte mo naman kung ganoon.”
Tinignan ko siya ng masama at bininalik ang tingin sa harap. Hindi ba maliit ang suweldo nito? Nag-alanganin tuloy ako.
“Diyan ako nag ta-trabaho ngayon. Gabi ang shift ko diyan kaya madalas puyat,” paliwanag pa niya.
Agad na naman akong nagtaka. Kung gabi siya naka shift, bakit sobrang itim niya? Maaraw ba kapag gabi?
“Alam ko yang mukha na 'yan, Anne. Sinasabi ko sa'yo, tigilan mo ang panlalait sa akin,” tuluyan na siyang nainis sa ginagawa kong panlalait sa kanya.
Kabisado na niya ang buong pagkatao ko. Siya kasi lagi ang kasama ko simula pagkabata.
“Wala ka na bang ibang trabaho na puwede? Yung malaki-laki ang kita sana, Will.”
Will ang tawag ko sa kanya minsan. Pero madalas ko siyang tawaging 'nognog'. Dahil may kailangan ako sa kanya ngayon, hindi ko siya tinatawag no'n. Mahirap na, baka hindi pa ako makapasok sa paaralan na pangarap ko.
“Malaki ang sweldo ko dito. Sa isang linggo, pumapalo ng sampong libo ang sinusweldo ko. Depende iyon sa performance mo.”
Nanlaki ang mata ko. Sampong libo? Sa isang linggo? Sa internet café pa?!
“I-internet Cafe ba talaga 'yan?”
Hindi ako makapaniwala, eh. Malay ko ba kung diyan nag ta-trabaho ang mga p********e at sinabing internet café lang para marami silang ma loko? Hindi ba gano'n sa mga pelikula?
“Tanga mo naman! Hindi naman ganoon kababa ang tingin ko sa sarili ko!”
Alam na naman niya kung ano ang nasa isip ko. Mind reader ba talaga 'tong kaibigan ko?
“Hindi ako mind reader, halata sa mukha mo ang nasa isip mo.”
Umiling nalang ako. “Eh, hindi ba't matagal kana rito? Kaya siguro malaki ang sweldo mo,” sabi ko pa.
Ang tagal na niya kasi dito sa internet café. Hindi ko na matandaan kung kailan, pero ang alam ko ay matagal na siya rito.
“Limang libo ang unang linggo ko rito. Milyonaryo kasi ang may-ari ng Internet Café na'to, kaya ganoon nalang kalaki mag pa sweldo,” paliwanag niya.
Kailan ko ba balak lumipat? Isang buwan at kalahati nalang ay magpapasukan na. Edi may kulang na anim na linggo ako para mag-trabaho. Baguhan lamang ako at limang libo ang sahod, pero depende pa 'yun. Unstable pa ang swelduhan ko. Sana naman sa anim na linggo na 'yon ay maka twenty thousand ako.
“Sige, ipasok mo ako riyan. Siguraduhin mong malinis 'yang trabaho.” kinakabahan ko pa ring sabi.
Baka kasi pagsisihan ko sa huli kung papasok ako rito. Sana nalang ay nasa mabuting kamay ako. Mapapatay ko 'tong si William kapag may kakaiba 'tong trabaho namin.
“Teka nga muna! Saan kaba mag aaral ulit at bakit napaka laki naman yata ng kailangan niyo diyan? Totoong private school na ba iyan?”
Duon din kasi siya nag aral, kaya ayan, lumaking bobo. Normal na sa amin 'to ni Will.
“Sa Peril College School.”
***
Omg. Another story na naman itech! Nadagdagan na naman ang on-going story ko. Sorry, sismars. Kailangan ko lang talaga ito isulat dahil hindi ako matatahimik hanggang hindi ko ito naibabahagi sa inyo, hohoho. Sana ay ma enjoy niyo ang mga story kahit madalas ay sabaw. Xoxo.