“Peril College?” nagtatatakang tanong ni Will.
“Oo, hindi mo ba alam 'yun?” naka kunot-noong tanong ko sa kanya.
Ang pagkakasabi kasi sa flyers na napulot ko, isang privilage school 'yon. Nag o-offer sila ngayon sa mababang halaga. Balak ko nga mag take ng scholar exams para naman kahit papaano mabawasan ang gastusin ko.
“Ngayon ko lang narinig 'yun. Saan naman 'yan?” naguguluhang tanong pa rin niya.
Kinuha ko ang flyers sa bag. Matagal na ito sa akin, mga tatlong araw na siguro. Ang lupit niya lang kasi may direction pa kung saan ang school o landmark nito.
Pinakita ko kay Will ang flyers, pero tinignan niya lang ako ng nakabusangot na mukha. “Bakit?” tanong ko rito.
“Pinaglololoko mo ba ako? Isang malinis na bond paper lang 'yan, eh.”
Tinignan ko ang papel. Oo nga, mali siguro ako ng nakuha. Natawa nalang ako sa katangahan ginawa ko.
“Eto!”
“Ba't wala pang masyadong pumupunta dito, Will?” nagtataka kong tanong.
Anong oras na rin kasi at wala pang masyadong pumupuntang mga kabataan. Hindi ba't kapag ganitong oras may nagsisipuntahan na sa computer shop/internet café?
“Madaling araw ang pinaka malakas na kita.” simpleng sagot ni Will. Kaya naman pala kakaunti palang ang nandito.
Night shift kami pareho ni Will, pinakiusapan ko ang nagbabantay para pareho kami ni Will. Kaninang umaga ay pumasok rin ako, para doble ang kita. Wala naman akong ginagawa, eh.
Lumipas ang ilang linggong pag ta-trabaho sa internet café na iyon, nasanay na ako mag puyat. Hindi gaya nong una na, nakakatulugan ko pa ang pagbabantay. Kundi ko lang kasama si Will upang gisingin ako, malamang nasisante na ako.
Kinuha ko ang mga na ipon ko para bilangan. Umabot ata ako ng isang oras dahil puro bente pesos.
Tinotal ko lahat. Nakaka sampong libo pa lang ako. May dalawang linggo pa para madagdagan 'to.
Sana po Lord tumaas na ang sahod ko. Need ko po talaga ng pera, huhuhuhu.
Dumaan ang ilang araw, na-beat ko na ang ipon na kailangan ko! Naka fifty thousand ako. Sakto na ito sa tuition dahil nag o-offer naman sila sa mababang halaga. Pinahiram ako ni Will ng sampong libo, para daw ito sa pagkain ko.
“Ma-mimiss ko ang katangahan mo, Bantot.” malungkot na sabi ni William.
“Naku naku. Bobong ulikba! Halos itakwil mo na nga akong kaibigan dahil sa panlalait ko sa'yo, tse!” natatawa kong sabi.
“Osiya, puta ka! Umalis kana nga,” naiirita niyang sabi na mas lalo pang nagpahalakhak sa akin.
Binuka ko ang parehas na braso at emosyonal ko siyang tinignan. “Mami-miss kita ng sobra. After ng isang sem pa ako makakauwi dito, at babalik rin after ng one week.”
Humagulgol na siya ng tuluyan ang humigpit ang yakap sa akin. “Baka pag balik mo dito, hindi mo na ako kilala ah!”
Nagsisinghot singhot pa siya sa balikat ko, agad akong lumayo at pinandirihan siya. “Ikaw talaga kahit kailan, dugyot! Aish! Kita mo oh, ang itim itim na ng manggas ko,” nakanguso kong sabi.
Tinulak niya ako ng malakas at muntik pang mapatid. Napaka demonyo talaga ng ulikbang 'to. Inirapan ko siya at saka naglakad papalayo.
Naiinis ako, leche naman.
“Hoy tanga! Nag rent ako ng van mo!” sigaw niya ng makalayo na ako.
Otomatikong napalingon ako at may humintong van sa harapan niya. Ibig sabihin hindi na ako gagastos para lang sa mahal na pamasahe? Thankyou very much, Lord.
“Totoo ba?” tanong ko ng makalapit sa kanya.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang effort pala nitong pangit na'to.
Sumakay na ako sa van at binuksan ang bintana. Hindi ako sanay sa ganito, eh. Lumingon ulit ako kung saan nakatayo si William pero wala na siya doon. Haba naman pala ng pata nun.
Ginising lang ako ng driver ng mapuntahan na namin ang direksyon na ibinigay ko sa kanya. Nakatulog pala ako, gaano kahaba ang biniyahe namin kaya?
“Ma'am, sure po ba kayo na dito 'yun? Hindi kaya mali lang ako ang nadaanan?”
Kakahuyan kasi at parang gubat ito. Tumango ako. Alam kong dito 'yun. Natatanaw ko pa nga ang isang malaking building, marahil ang paaralan.
Ibinaba ni Kuya ang mga gamit ko at mabilis na umalis. Ano naman kayang problema nun? Sana ay ayos lamang siya.
Ang taas siguro ng school na ito sa loob. Hindi ko masilip kung ano yung nangyayari sa loob dahil saradong sarado ito.
Pag apak ko sa harapan ng bakal na gate, biglaan nalang itong bumukas, napa atras pa ako ng bahagya dahil sa gulat.
Unti-unting lumiwanag kasabay ng unti-unting pagbukas ng gate. Napatakip nalang ako sa aking mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag na ito.
Pag-dilat ko, namangha ako sa mga nakikita ko. School ba talaga ito? Bakit... bakit parang nasa langit ako?
Lumingon ako kung saan ako pumasok kanina pero wala na ang bakal na gate, puro puno na nakatanim sa ulap ang nakikita ko.
Muntikan na akong mahulog dahil pati ang inaapakan ko ay ulap! Binalot ako ng kaba.
Dahan dahan akong sumilip sa ibaba habang nakadapa sa ulap.
Mas namangha ako ng matanaw ang nasa ibaba. Isang mataas na gusali at parang hindi ito tulad ng mga gusali ngayong panahon.
Biglaang gumalaw ang ulap na siyang nagpatili sa akin sa sobrang kaba. Bumababa ang ulap na akala mong may nag co-control dito.
Ng matansiya ko ng makakababa ako sa lupa, agad akong lumundag at kinuha ang maleta at bag ko.
“Tabi!!!!!” sigaw ng kung sino.
Otomatikong napa-gilid ako ng marinig iyon.
BOOM!!
Ay s**t!
Hindi kaya mamaya mag kasakit na ako nito sa puso? Bakit palagi nalang ako nagugulat? Mayroong maliit na pagsabog sa gitna ng field. Kanya kanyang takbo ang estudyante rito.
Maya-maya ay bigla nalang may humila sa akin.
Hindi ko namalayan na huminto na pala kami sa isang kwarto. Hala!
Hinihingal ako at napatingin sa humila sa akin.
Napa-nganga nalang ako sa ganda nito. Para siyang anghel. Nananaginip ba ako?
“U-ugh! Akala ko si Marcy! s**t! Bago ka lang ba dito?” kinakabahan niyang sabi.
“Oo, eh.” tipid kong sagot.
Ang weird sa school na 'to sa totoo lang. Una, bigla nalang ako nakapasok sa loob at nawala bigla ang malaking bakal na gate. Pangalawa, naka tanim sa ulap ang mga puno at nasa ibaba ang gusaling 'to. Pangatlo, may mga pagsabog. Sumasakit ata ang ulo ko dahil sa wirdong school na ito.
“Anong kapangyarihan mo?”