“A-anong kapangyarihan?” naguguluhan kong tanong.
Kapangyarihan? Kaya ba ganoon ang mga nakita ko kanina simula ng makapasok ako sa school na ito.
“Wala, nevermind. H'wag kang lalabas ng silid na 'to. Hahanapin ko lamang si Marcy.”
Walang sabi sabi ay umalis na siya sa silid na pinasukan namin. Inilibot ko ang buong kwarto na ito. May kalakihan siya, puro babae ang gamit dito, so I guess babae rin ang namamalagi rito. Mabango ang kwarto at malinis. Kung siguro dito ako mag ku-kwarto ay magsasawa sila mag linis ng kalat, dahil sobrang dugyot ko sa kwarto, sa gamit.
Iginilid ko ang maleta at ipinatong ang bag. Kumpleto naman na ang gamit ko pang-aral bago pumasok rito. Mamaya ay mag papasama nalang ako duon sa magandang babae para pumunta sa headmaster o principal ata 'yun para kumuha ng uniform at bayad ko sa buong sem.
Napatayo ako bigla ng kumalabog ang pinto, dali-dali kong binuksan ito. Tumambad sa akin ang dalawang babae na hingal na hingal.
Agad ko silang kinuha ng tubig sa maliit na kitchen at inabot sa kanila. Mabilis nilang tinanggap ang tubig at umupo sa sofa.
“S-sino si... ya, Aiyana?” tanong nung kasama niya.
“Bagong pasok lang Marcy. Akala ko ay ikaw ang nahatak ko kanina,” sagot ni Aiyana.
“Anong pangalan mo pala?” tanong ni Marcy.
Naiilang akong ngumiti sa kanila at naglahad ng kamay, “Anne. Anne Brielle Perez,”
Kinamayan niya ako at mabilis na binawi ang kamay, “Whoa! Ang lakas nun ah!” sabi niya habang niwawagwag ang kamay.
Tinignan ko ang kamay ko kung mayroong dumi o bagay na nakasakit sa kanya, pero wala naman, eh.
“Anong kapangyarihan mo, Anne?” tanong ni Marcy.
Kanina pa sila ah. Ano ba kasing kapangyarihan 'yun? Ano bang sinasabi nila? May kapangyarihan ba ang mga tao gaya namin?
“Kapangyarihan? May ganoon ba ang mga tao? Ano 'yan? Fairytales?” natatawa kong sagot.
Hindi daw totoo ang mga magic, fairies, unicorns, o kapangyarihan na iyan sabi ng aking Ina. Lahat daw iyon ay gawa lamang ng tao.
“Paano ka nakapasok rito kung wala kang kapangyarihan? Atsaka ano yung naramdaman ko kanina nung nakipag kamay ako sa'yo?” dire-diretsong tanong nito sa akin.
Hinawakan niya muli ang kamay ko at pilit na ipinagdidikit. Naguguluhan ang reaksiyon ng mukha niya. “B-bakit nawala?”
Sumingit na sa amin si Aiyana, “Guys, tama na. H'wag na natin pilitin si Aiyana. Baka hindi pa lumalabas o lumilitaw ang kapangyarihan niya.”
Naguguluhan pa rin ako pero hinayaan ko nalang iyon. Baka nahihibang lang itong mga kasama ko.
“Kayo lang dalawa dito sa bahay niyo?” tanong ko at sinuri muli ang kwarto.
Tumayo silang dalawa at iniligpit ang kaunting kalat. “Hindi, apat kami dito. Ang dalawa ay may ginagawa pa sa ngayon. Si Lucean at si Eira. Ang may mahabang buhok, si Lucean 'yon. Samantalang ang may maikling buhok, si Eira. H'wag na h'wag kang magkakamaling tawagin sila sa pangalan.” pagbabanta ni Aiyana.
Binalot na naman ako ng kaba. Sa tingin ko'y masusungit ang mga ito. Base palang sa pag de-describe at pagbabanta sa akin ni Aiyana, eh.
“Aiyana, mahihirapan tayo kay Headmaster magpalusot. Baka sabihin ay gumagamit ito ng itim na salamangka upang mag ispiya dito sa atin,” sabi ni Marcy.
Magpalusot? Itim na salamangka? Ispiya? Anong connect no'n sa akin?
“Ako ang bahala. Tuturuan ko siya mamaya,” sabi ni Aiyana at sumulyap sa akin at ngumiti.
Hindi ko man maintindihan ang pinag uusapan nila, ngumiti nalang ako pabalik. Na buburyo na ako dito sa bahay nila.
Ang astig lang kasi pwede pala magtayo ng bahay dito sa permises ng school? Doon kasi sa amin, bawal.
“Tara! Punta tayo sa cafeteria! Nagugutom na ako,” reklamo ni Aiyana.
“Hindi ba natin iintayin sila Lucean at Eira?” tanong naman ni Marcy.
Oo nga? Hindi ko pa kasi na me-meet si Lucean at Eira ba 'yun? Na e-excite na ako kasi kahit bago palang ako dito may friends na agad ako.
“Mamaya na. Baka marami pa silang trinatrabaho, eh.” nakangusong sagot ni Aiyana. Ang cute niya kapag ginagawa niya 'yun. Para siyang bata! Bagay na bagay sa kanya iyon.
“Paano si Anne?” baling ni Marcy sa akin.
“Pwede ba ako sumama sa inyo?” alanganing tanong ko. Baka kasi hindi pwede dahil may nagkakagulo pa sa baba.
“Pwede! Ako ang bahala sa'yon, Anne,” sabik na sabik na sabi ni Aiyana.
Ngumit ako at tumayo. Tinignan ko ang sarili ko sa round mirror na nakasabit sa pader nila. Ano kayang mga pagkain ang naroon sa canteen nila? Mamahalin kaya?
Bigla ako nawalan ng gana. Nagtitipid pa kasi ako para umabot ang mga inipon ko.
“Oh, bakit ganyan ang mukha?” tanong ni Aiyana.
Tumingin ako sa kanya ay yumuko. “Hindi na pala ako sasama, kailangan kong tipirin ang inipon ko dahil baka may babayaran sa susunod.”
Napabuntong hininga nalang ako dahil gustuhin ko man sumama pero hindi sapat ang pera ko. Kung gaya ko lamang silang mayayaman ay papayag ako, pero hindi, eh.
“Oh my gosh! Hindi kapa ba inform?” Aiyana.
Naangat ko ang tingin ko ng bigla siyang sumigaw. Anong hindi inform?
“Once na pumasok kana dito, wala ka ng babayaran. Basta may kapangyarihan ka, free lahat dito. Basta ba kakayanin mong mabuhay hanggang sa maka graduate,” makahulugang sabi ni Marcy.
Tinapik ni Aiyana ang braso ni Marcy at ngumiti ng malaki sa akin, “Naku! H'wag mong isip ang sinabi nito ha? Hibang lang yan,” pilit na tumawa si Aiyana at kinurot ang tagiliran ni Marcy.
“Tara na! Basta kumuha ka nalang ng kumuha sa cafeteria. Sila na ang bahala doon, okay?”
Edi ibig sabihin ay baliwala na itong fifty thousand na binaon ko? Nagpakahirap pa ako tapos hindi naman pala magagamit. Hindi na gagastusin pang gastos ko nalang ito pag nakabalik na ako sa bahay.
“Ipapakilala ko sa'yo si Lucean at Eira kapag balik natin dito sa bahay. Need lang natin silang intayin, okay? Sa ngayon kumain muna tayo dahil nagugutom na ako! My gosh! Nakakagutom kaya ang pagtakbo takbo!” pag iinarte niya habang papalabas ng pinto.
Dumikit lang ako sa kanila ni Marcy dahil baka mamaya ay kung anong mangyari sa akin. Hindi ko pa alam kung anong mayroon sa lugar na ito. Baka mamaya dito na pala ang katapusan ko. Kaya mas mabuting mag ingat nalang.
Katapat lang ng cafeteria ang bahay nila Aiyana. Hindi ito kalakihan.
“Sino ka?”