CHAPTER 22 - C Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatulog basta pagkagising ko ay malapit nang dumilim sa labas. Agad akong bumangon at tumingin sa paligid ko. Naramdaman ko pa ang sakit sa pisngi ko mula sa pagkakasampal ni Jamir sa ‘kin kanina. Hinanap ko siya pero wala siya ngayon rito kaya naman bumangon ako para pumasok sa banyo. Tiningnan ko ang itsura ko sa harap ng salamin saka napatitig sa pisngi ko. Hindi nga ako nagkamali nang malasahan ko ang dugo sa ‘kin labi dahil talagang dumugo ito dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa ‘kin. Hindi ko na lang ito pinansin saka ako naligo at nagbihis saka ako lumabas ng kwarto. Suot ko ngayon ang isang maikling short at isang oversize tshirt. Wala akong pakialam kung may makakita sa ‘kin na ganito ang itsura. Kakain lang rin

