CHAPTER 22 -B ** AYN POINT OF VIEW ** It’s been five years na nawala ang mga alaala ko. Kasama si Jamir ay muli kong binuo ang sarili ko at pilit hinahanap kung sino nga ba ako. Ngunit makalipas ang isang taon mula nang mawala ang alaala ko ay sumuko ako at saka ako nagdesisyon na bumuo ng sarili kong alaala kasama si Jamir. Maraming alaala ang nabuo kasama ang lalaking mahal ko, may mga bagay nagbago sa kanya at mas naging responsible siya sa lahat ng bagay kasama ako. Inaamin kong may pagkakataong may hindi kami pagkakaintindihan at may pagkakataon na nag-aaway kami ngunit hindi pa natatapos ang araw ay agad siyang humihingi ng tawad. Ilang beses ko na nga bang napatunayang mahal ako ni Jamir? Hanggang sa nakita kong muli ang mga magulang ko. Oo, they are familiar. Halos laha

