CHAPTER 12 – C Muli niyang hinarap ang doctor at pinakinggan ang mga paalala nito. Sinabi nitong kailangan niyang mas maging maingat pa sa kanyang mga gagawin at kinakailangang may kasama siya para mas mamonitor ito. Pagkaalis ng doctor ay agad na lumapit ang kanyang ina na umiiyak. “Mom, stop crying. Okay?” pigil ni Dylan saka hinawakan ang kamay nito. “I’m here. I’m fine.” Sabi nito sa kanyang ina na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. “You made us worried! Ang sama mo talaga. Ilang taon kong hinintay ang pagkakataong ‘to, anak.” Mapait na ngumiti si Dylan sa kanyang ina. Alam niya namang pinaghintay niya ito. Hindi niya nga inaasahang kakainin niya ang mga sinabi niya at magpa opera. Siguro kung hindi dumating si Cassy sa buhay niya ay mananatiling madilim ang mundo niya.

