CHAPTER 12 – B Ayaw niya nang magtanong kung bakit hiniling to ni Dylan sa kanya. Hindi niya alam kung anong rason nito. Hindi naman sinabi ng binata na mahal siya nito o ano. Ngunit hindi na ‘yun mahalaga pa kay Cassy. Kontento na siya na napapansin siya ni Dylan. Siguro nagugustohan na siya nito ngayon at hahayaan niya na lang ito na mahalin siya nito ng tuluyan. Hindi nga lang pang mabilisan pero pagsisikapan niya na pang habang buhay na. Hindi niya pakakawalan ang binatang ‘to. Hindi niya sasayangin ang atensyon na binigay nito sa kanya. “I like you, Dylan.” No, I love you, Dylan. Napapikit si Cassy dahil alam niya sa sarili niya na hindi lang basta gusto ang nararamdaman niya para kay Dylan. Humiwalay siya rito at nakita ang nakangiting mukha nito pero blanko ang mga mata

