Third Person’s POV
Sa mga oras na kinukwestyon ng reyna ang kaniyang kapatid ay siya namang paggalaw ng lupa sa mundo ng mga mortal. Ito ay isa sa mga sinyales na nalalapit na ang itinakdang araw upang muling bumangon ang mga katawang ihinimlay sa nagbabagang lahar, isa na dito si Dentrahs. Iyon ang araw na makakamtan na niya ang kapangyarihan ng apoy na magagamit niya upang talunin ang kaniyang kapatid at sakupin ang Astheria.
Tanging paghiyaw naman ang maririnig sa mga taon, habang niyayanig sila ng lupa. Dahil dito ay napakaraming taong ang binawian ang buhay, maraming establisyemento ang bumagsak at gumuho at higit sa lahat ay binalot ng takot ang isip at puso ng mga tao. Marami sa kanila ay sinisisi ang Diyos sa lahat ng nangyari at ang iba ay itinanggi siya bilang tagapagligtas ng sangkatauhan.
Sa ibang sulok naman ng mundo ay iba naman ang nangyari, katulad na lamang ng pagbaha, pagguho ng lupa at iba pang malalalang kalamidad na nagreresulta ng kamatayan. Ang pagdanak din ng dugo ang nagpapalakas sa kadiliman dahil gustong-gusto nila ang mga taong nahihirapan at mga brutal na kaganapan. Ito ang pinakauna sa kanilang adhikain, ang ipalaganap ang kasamaan sa puso ng mga tao at balutin ng mapupulang dugo ang mundo.
Akala ng iba ay isa lamang ito sa pagbabago ng panahon, kaya naman mas pinalakas nila ang kanilang pananampalatay sa may kapal at humingi ng tulong dito. Mas kumapit sila dito kaysa magpadala sa takot at galit sa kanilang mga puso. Lingid nama sa kanilang kaalaman na nalalapit na ang panahon na susubukin sila at paghaharian ng kadiliman.
MATAPOS ang mga kaganapang iyon ay sumapit na ang dilim at itinago ng mga maiitim na ulap ang buwan at mga bituin, na siya nagbibigay liwanag sa mundong mortal. Sa pagkakataon naman ito ay nagsilabahan sa kanilang lungga ang mga nilalang na may kulay berdeng balat, matutulis na ilong, maiitim na bibig at kilay, kulay pula ang mga mata, kulot ang mahabang buhok at nakasuot ng mahabang itim ding damit habang nakasakay sa isang walis. Sila ang mga itim na mangkukulam. Ang kanilang lahi ay itinakwil sa witch colony dahil sa kanilang masamang gawain gaya na lamang ng pagbibigay ng sakit sa mga tao, pagbuhay ng mga patay at iba pang gawain upang hamakin ang mga inosenteng tao. Isa sila sa mga kampon ni Dentrahs at siyang alam niyang pinakamalakas na kakampi sa pagpapalaganap ng kasamaan, lalong-lalo na ang paggawa ng ritwal upang makakuha siya ng bago at malakas na kapangyarihan.
Dahil may kakayahan sila gumawa ng mga gamut upang makapagbalatkayo, isa mga kasamahan nila ang nakapagbalatkayo upang matuklasan na nawawala ang isang sinag ng Astheria sa mundo ng mga mortal. Sa pagbalik nito ay ibinalita niya ang natuklasan sa mga kasamahang may kakayahan lumipad upang hanapin ito. Hindi nila alam kung saan ito matatagpuan ngunit marami sila ang malakas ang kanilang paniniwala na mapagtatagumpayan nilang mahanap ito.
Ang mga mangkukulam ang nakahawak sa misyon nilang ito dahil marami ang kanilang bilang kasama na ng mga bampira, manananggal at mga masasamang lambana. Nais nilang kunin ang nawawalang sinag dahil malaki ang maitutulong nito kapag sumapit na ang itinakdang panahon upang pagharian nila ang kinabibilangan nitong kaharian. Maaari din nilang patayin ang dala nito sinang at palitan ng dilim, na magbibigay ng nag-uumapaw ng lakas sa kanilang hari.
Naghiwa-hiwalay naman sila upang mas mapabilis ang kanilang paghahanap. Sa kanilang daan, maraming mga tao ang nakakita sa kanilang at natakot, wala naman silang ibang magawa kun’di tumawa sa napakasingkit na tono. Nagagalak sila sa tuwing bumabakas ang isang napakasamang reaksyon sa mga mukha ng mortal. Kasiyahan nilang lahat ang kasamaan.
Hindi sila maaaring makabalik sa kanilang lungga hangga’t hindi nila natatagpuan ang nawawalang sinag. Makakapagbigay impormasyon na lamang sila sa isa’t-isa sa pamamagitan ng kawaling mayroong kumukulong potion, na siyang likas na gawain ng mga mangkukulam. Sa ngalan ng kanilang nagha-hibernate na hari, gagawin nila ang lahat habang hindi pa siya nagigising at susubukan pa ding hamakin ang sangkatauhan.
SAMANTALA, maganda ang paggising ni Ayehster nang sumunod na araw ng pagtatrabaho sa Astheria. Lingid din sa kaniyang kaalaman ang masamang pangitain sa kaniyang ina. Sa kabila ng lahat ng iyon ay masigla siyang bumangon dahil naisipan na naman niyang lumabas ng palasyo at makipag-interaksyon sa mga mamamayan lalo na sa mga bata.
Hindi na maitatangging mahilig ang prinsesa sa mga bata dahil na rin sa wala itong kapatid, maliban na lang sa kaniyang damang si Vytariah. Ngunit kahit na gano’n ay napuno at lumaki naman siya nang tama kahit pa hindi magkasama ng kiniyang ama’t ina. Sa pamamagitan na lamang nito ay inaaliw niya ang kaniyang sarili upang hindi makaramdam ng negatibong dulot sa kaniyang kinalakihang buhay. Kung tutuusin nga ay napakaswerte nito dahil noong bata pa siya ay nakukuha niya ang mga gamit na gugustuhin, hindi kagaya ng ibang mga bata na kung wala ay para kang kaawa-awa.
Sa kaniyang pagbango mula sa kamay ay hindi nito napansin si Vytariah, na nakaupo lamang sa sa mahabang upuang malapit sa malaking nitong bintana.
“Magandang umaga! Pakiwari ko’y magandan ang gising mo, mahal na prinsesa? Kitang-kita ko sa iyong mga mata ang kakaibang saya. Maaari ko bang malaman kung ano ang dahilan?” tanong nito kay Ayehster nang nakangiti rin. Nadala na din ito sa emosyon ng kaniyang alaga.
Dahil sa narinig ay napalingon si Ayehster sa gawi ng kaniyang dama at hindi niyang maiwasang mapangiti sa gulat dahil kay aga na naman nitong pumarito sa kaniyang silid. Mabilis naman siyang tumabi dito at nagsandal ng ulo sa balikat ng kaniyang pinakamamahal na dama.
“Magandang umaga di sa’yo, Vytariah! Masaya ako ngayong araw dahil marami akong nalaman at syempre, gusto kong lumabas ngayon upang makipagkulitan sa mga bata. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin at mag-ikot-ikot sa kaharian.” sagot naman ni Ayehster sa mga niyang butihing dama.
“Mabuti kung gano’n, mahal na prinsesa. Ngunit sa kagustuhan mong lumabas ay kinakailangan pa nating magpaalam sa iyong ina, nang mabantayan tayo ng mga kawal,” saad nito.
“Hindi na kailangan pa dahil nakapagpaalam na ako kagabi nang mag-usap kami ni ina, Vytariah. Kaya tara na’t magmadali sa paggayak at marami akong gustong puntahan. Baka abutin pa tayo ng oras nang pagpapahinga kapag binagalan pa natin,” halatang sabik na sabik ang prinsesa habang binibigkas ang mga salitang ito at ang kaniyang mga mata ay naniningkit sa labis na kasiyahan.
Hindi na rin sumagot pa si Vytariah at tanging paghaplos na lamang sa ulo ng kaniyang alaga ang nagawa. Sa loob niya ay masayang-masaya siya dahil malaki na ito. Isa siya sa saksi kung paano ito lumaki at masasabi niyang napakaswerte ng hari at reyna dahil biniyayaan sila ng isang angel ng tala, na may busilak na puso.
‘Kapananabikan ko ang mga ito, Ayehster, kapag dalagang-dalaga ka na,’ anito sa kaniyang isipan.
Ayehster’s POV
Lumabas na rin kami sa palasyon matapos naming makapag-ayos ng sarili. Hindi masusukat ang nararamdaman kong saya sa ayaw na ito, lalong-lalo na ang mga naganap kahapon. Hindi ko rin alam pero sa mga ikinwento sa akin ni ina tungkol sa kaniyang kapatid ay masayang-masaya pa rin ko. Siguro ay dahil sa may nalaman na rin akong bago. Sa pagkukwento niya ay alam kong napakasakit nito para sa kaniya ngunit hindi ko iyon maramdaman. Lumaki akong maayos ang lahat at tanging ama ko lamang ang malayo sa amin ngunit hindi ko siya maramdaman. Maaaring dahil hindi ko naman ito nasilayan, kaya ganito na ako pero hindi ibig sabihin ay wala na akong pakialam. Ang sabi nga ni ina ay mortal namin siyang kaaway at sa tingin ko ay gano’n na nga din ang turing ko dito, kahit hindi ko pa man ito nakikita sa personal.
Isinantabi ko muna ang mga isipin ko nang makarating na kami ni Vytariah sa sentro, doon ay sinalubong ako ng tatlong pinuno at hindi ko inaasahang silang naririto. Marami ding Astherian ang lumapit sa akin at nagbigay ng bulaklak. Mga napakabangong bulaklak na parang nasa hardin ng palasyo at kay sarap nitong amuyin. Nagpasalamat naman ako dito bago kami tumuloy sa coliseum, upang tingnan ang mga batang nagsasanay dito.
Nang makapasok kami doon ay nakita nila agad ako at mabilis silang nagsitakbuhan palapit sa akin. Parang gusto namang kumawala ng puso ko sa nararamdaman kong kagalakan dahil sa mga matatamis nilang ngiti, habang tinatawag ang aking pangalan. Nakakailang lamang sa iba dahil tinatawag nila akong “Ate”, na siya din namang totoo dahil mas matanda nga ako sa kanila. Susuwayin pa sana nila ang mga ito ngunit sinabi kong hayaan na lamang dahil mga bata pa naman sila at sa mga dadaang panahon ay mauunawaan din nila ang lahat. Okay na sa akin iyon, basta’t nagpapakita ng paggalang.
“Kumusta kayo, mga bata? Nakakapagod bang mag-ensayo?” tanong ko sa kanila at ang ilang malapit sa akin at hinaplos-haplos ko ang ulo.
Nakakaaliw lang talaga silang tingnan dahil sa mga makukulit nilang galaw. Sana nagkaroon din ako ng kapatid kahit isa lang, para naman hindi ako lumaki na panay lang sa kwarto at mag-isang inaaliw ang sarili. Pero masaya pa rin naman dahil nand’yan si Vytariah upang makipaglaro sa akin. Ngayon ko nga lang napagtanto na siya pa ang kailangan makibagay sa akin sa lahat ng mga ginagawa ko. Para sa akin ay hindi masusukat ang kaniyang ginawa sa mga panahoong iyon hanggang ngayon. Isa siya sa mga itinuturing kong malaking biyaya sa aking buhay.
Isang saglit pa ay pinagpahinga ko muna ang mga bata bago ko sila ipinaalam na pupunta kami sa parke at sa palasyo upang mamasyal at kumain. Mabuti na lang at pumayag naman sila kahit medyo may karamihan ang mga ito. Ang ilan naman sa kanila ay namangha sa sinabi ko dahil ngayon pa lang daw sila makakapunta sa palasyo at isa ito sa parangap nila. Nakakatuwa lang isipin dahil ang lugar pa lang tinitirhan ko ay pangarap para sa iba at nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng oras upang maibahagi ito sa kanila.
Hindi na rin kami nagtagal pa doon ay nagpasundo na kami sa apat na karwaheng naghihintay upang dalhin kami sa palasyo. Excited na excited naman ang mga bata dahil ngayon pa lang din daw sila makakasakay nito. Dahil doon ay nagkatinginan na lamng kami ni Vytariah at nag-thumbs up siya sa akin. Nakuha ko naman kaagad ang ibig nito sabihin, na masaya siya dahil nakapagpasaya din ako ng iba.
“Mga bata, halina’t sumakay at magsaya!” saad ko bago pumasok sa panghuling karwahe.