KABANATA 13: LIWANAG NG KABUTIHAN

1302 Words
Third Person’s POV Mula nang araw na lumabas sina Ayehster at Vytariah sa palasyo at ipasyal ang mga bata ay dalawang buwan na rin ang lumipas. Sa nagdaang araw ay nagpatuloy lamang ang prinsesa at ang kaniyanng dama sa pagbisita sa mga bata at higit sa lahat ay pumasok na din si Ayehster sa unibersidad ng panstasya kung saan ay marami siyang naging kaklaseng nagmula sa iba’t ibang kaharian. Lingid man sa kaalaman ng lahat ngunit may pagkamahiyain ang prinsesa lalong-lalo na kapag hindi niya ito kakilala. Ang ilan naman doon ay naging kasa-kasama niya lalo na sina Chioni, ang prinsesa ng nyebe. May kakayahan siya na nagtataglay ng lamig na crystal ang makapangyarihan nitong kamay. Sa pag-aaral niya doon ay nakatagpo din niya si Meriyah at mayroon itong kapangyarihan sa karagatan at ang kaya nitong pagalawain ang tubig. Nakilala niya din doon si Aella, may kakayahan itong kontrolin ang hangin sa bawat pagkumpas niya ng kaniyang mahihiwagang kamay. Kabilang na rin dito si Elysia, na may kakayahan sa apoy kasama nito ang mga mahihiwagang ibon na tinatawag na phoenix. Isali na rin natin si Taliyah, na may kapangyarihan sa pagkontrol ng lupa at si Arunika, ang pinasan niyang may kakayahan sa pagbibigay liwanag, pa tin na rin ang paggamit ng apoy. Ang nakalipas na dalawang buwan ay hindi naging magadali para kay Ayehster, lalo na’t sinubok ang kanilang katawang upang buhayin ang kaniyang kapangyarihan, gayundin ang kaniyang naging kasamahan. Dahil naman sa likas na malakas ang tapang niyang taglay ay napagtagumpayan niya itong mabuti. Malayo man siya sa kanilang kaharian ay ginamit niya itong inspirasyon upang mailabas niyang ang kaniyang natatanging kapangyarihan, bilang prinsesa ng Astheria at alam niyang maipagmamalaki niya ito sa lahat. Sa mga araw na naroroo naman siya ay marami siyang natutunan hindi lang para sa kaniyang itinatagong kakayahan, kun’di ay pati na rin sa kaniyang kilos at mga ginagalawan. Sa mga pagkakataong ito ay mas naisapuso niya ang kaniyang mga pagdedesisyon at pagbigay pansin sa mga nagiging resulta nito lalong-lalo na sa kaniyang mga binibitawang salita. Naniniwala siya bilang isang butihing prinsesa ay kinakailangan ding maging mayroong kamalayan sa mga binibitawan mong salita lalo na kapag ika’y nagagalit. Mas mabuti unawain mo na lamang ito at lawakan ang iyong pasensya sa sa ispesipikong sitwasyon, tao o ano pa mang kaganapan. Isa rin sa kaniyang mga natutunan ang pagiging reponsable sa mga bagay-bagay na nakasalalay saiyong sarili. Nararapat lamang na pagtuonan mo ito ng pansin o ‘di kaya naman ay paglaanan mo ito ng oras nang sa gano’n ay mas magagawa mo ito nang mabuti. Mas magagampanan mo ang iyong posisyon bilang isang opisyal at mapamahalaan ang iyong nasasakupan. Ito rin ang sinasabi ng kaniyang ina bago ito tumungo sa unibersidad at masaya siya dahil natutunan niya ang bagay na ito. Ang pakikipagkapwa ay higit din niyang napairal sa likod ng kaniyang magiging mahiyain sa mga kapwang bago pa lamang sa kaniya. Mabuti na lamang at mayroon siyang ginintuang puso at nagamit niya ito upang makatagpo siya ng mga kaibigan kahit sa loob lamang nang madaling panahon. Mas lumawag din ang kaniyang kaisipan at ang kaniyang pagkontrol sa mahikang nakatago sa kaniyang mga palad. Doon ay nasanay siyang mabuti at magpapatuloy ang unibersidad ng Astheria, upang mas mahubog ma mabigyang pokus ang kaniyang kapangyarihan. Sa puntong ito ay isa sa magiging tagasanay niya ang kaniyang butihing ina, si reyna Ariah. Ang kaniyang ina ang huhubog sa kaniyang kakayahan at bilang eksperto na sa paggamit nito ay alam niyang marami pang dapat na malaman si Ayehster tungkol sa mga galawa at pagbuo ng mga ito. Sa pamamagitan nito ay mailalabas ang tunay na lakas ng prinsesa ng Astheria, na siyang magmaman sa trono na kaniyang ina sa itinakdang panahon. Ayehster’s POV Mabilis na dumaan ang mga araw at hindi ko na rin namalayan pa ito, habang malayo ako sa Astheria. Dalawang buwan rin ang ginugol ko upang magsanay doon. Nakakalungkot man ang mailayo ngunit marami naman akong nabaong aral sa aking pag-uwi at higit sa lahat ay sabik na sabik na akong makita silang lahat sa palasyo. Habang sakay ako ng aking karwahe pabalik sa Astheria ay bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari nitong mga nadaang araw. Hanggang nagyon ay masakit pa rin ang ibang parte ng aking katawan dahil sa mga mabibigat na gawain at pagsasanay sa unibersidad ng mahika. Doon lang ako nakaranas ng kahirapan dahil naman sa malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko sa amin at dito ay hindi. Pero kahit na gano’n ay maigi ko naman itong natutunan, na siyang magagawa ko sa aking sarili at sa mga nilalang na nakapaligid sa akin. Dahil mag-isa ko lamang dito sa karwahe at walang makausap, hinawi ko muna ang kumikintab na kurtina ng bintana upang masilayan ko ang liwanag ng haring araw. Sa mga oras na ito ay nagpapahinga na sila sa Astheria, ngunit ito pa lamang ang oras ng aking pagbabalik doon. Ang unibersidad ng mahika ay malayong-malayo sa aming kaharian at sumusunod ito sa oras ng mga mortal. Nang masilayan ko na ang liwanag mula sa labas pati na ang malakas at malamig na bugso na ang hangin na nagbigay lamig sa aking katawan ay napangiti ako. Ganito pa lang ang pakiramdam kapag lumalabas ka nang may liwanag? Ngayon ay nararamdaman ko na kung paani mamuhay ang isang mortal, dahil bumabase ang kanilang kilos sa liwanag na dala ng araw. Sa puntog ito ay naiintindihan ko na nang mabuti ang aming responsibilidad bilang immortal at tagapaggabay nila. Inilabas ko ang aking kamay upang mas maramdaman ang init na dala ng haring araw sa aking balat. Ganito pala kasarap sa pakiramdam ang masinagan nito, na para bang binibigyan ka nito ng lakas upang matapos ang isang mahalagang bagay na dapat mo nang tapusin. Ang bawat sinag nito ay siyang nagbibigay pag-asa sa mga mortal sa umaga. Ang kami naman sa gabi, ang milyon-milyong bituin na kumikutitap sa langit at ang makapangyarihang buwan, na siyang aming kaagapay sa upang magbigay liwag sa dilim. Sa pagmumuni-muni ko iyon ay humagip naman sa aking isipan ang ikinwento ni ina, ang tungkol sa aking tiyo na siya na ngayong hari ng kadiliman. Ayon sa kaniya, binalot daw ang puso nito ng inggit at galit na siyang dahilan upang magtayo ito ng rebelyon sa Astheria. Ang katakot-takot nitong anyo ay siyang nagdala ng lamat sa buhay ng aking ina at ang masa nitong balak. Ang puot sa kaniya mga mata at kasamaan sa kaniyang mga kamay ay siyang nagdala ng dilim sa buhay ng mga tao nang bumaba ito sa lupa. Hanggang ngayon ay hindi pa nasasabi sa akin ni ina kung mayroon siyang balita tungkol dito ngunit wala, mula nang mangyari ang kaniyang pagtataksil. Isang araw nang nagsasanay pa ako sa unibersidad ay nalaman kong hindi lang pala kami ang may mortal na katunggali, pati din pala ang ibang mga lahi. Doon ko napagtantong napapalibutan na ng kasamaan ang kalawakan at unti-unti na silang dumadami dahil iniimpluwensyahan nila ang mga mortal sa lupa. Dahil sa labis na kasakiman nila sa kapangyarihan ay nagagawa nila ang mga bagay na taliwas sa kanilang sinumpaan sa harap ni bathala. Nagawa nilang tumalikod dito ay yakapan ang kadiliman at maghasik ng kasamaan sa mundo. Malungkot mang isipin ngunit kabalikat ng lahat ang pagkakamali, ngunit mayroong pagbabago at maitatama pa ang mga ito. Ang pagbabago ay kagustuhan dahil likas ang konsensya sa mga nilikha ni bathala, basta’t gamitin mo lamang ang iyong puso upang makalimutan at pagsisihan ang iyong pagkakamali ay maayos pa ang lahat sa dati. “Normal lamang ang magkamali ngunit gampanan mo nang nararapat ang iyong sinumpaang tungkulin, at iyon ay ang palaganapin ang kapayapaan at pagmamahal sa sanlibutan,” bulong ko habang nakadungaw sa bintana at masayang pinagmamasdan ang mga mapuputing ulap na nagbibigay kulay sa kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD