Third Person’s POV
Mula sa pagkukunwari ni Ayehster at pagtatago ni Vytariah ay palihim silang pumunta sa isang silid sa tuktok ng palasyo upang tumupad ng isang kahilingan. Oo, ito ang lihim nilang dalawa, na matagal na nilang pinaplano. Ito rin ang bagay na pinagpupuyatan ni Ayehster na tapusin sa kaniya isip. Ilang beses niya rin kasi itong pinag-isipan at natapos rin sa ganitong paraan.
Ang pagtupad ng kahilingan ng mga tao sa lupa ay ginagawa lang sa tuwing kaarawan ni Ayehster o ika-25 na araw sa huling buwan ng taon. Alam nilang dalawa ng kaniyang alalay na hindi ito pwede ngunit desido pa rin ang prinsesa sa kaniyang gagawin. Labag ito sa kaharian at meron itong mabigat na parusa bilang kapalit sa pagsuway sa utos. Ang parusang ito ay nakadepende sa reyna kung ano ang gusto niya.
Sa pagtupad kasi ng hilig ay kinakailangan ng lakas ng bawat isa sa Astheria, upang makabuo ng pwersa sa liwanag. Dahilan nito ang pag-ulan ng mga liwang pa-ibaba sa lupa.
Sa pagkakataong ito ay napagdesisyonan pa rin nila na gawin ang bagay na ‘yon kahit na delikado. Maaari kasing magdulot ito ng maganda o masama sa mga tao o ang mas malala pa ay sa kaharian. Sa isip-isip naman ni Ayehster ay makakaya niya dahil tumupad na siya ng hiling noon at ngayon ay gagawin niyang muli.
Ang hiling kasi na kaniyang tutuparin ay tungkol sa batang gustong magkaroon ng masayang pamilya dahil wala siya nito at pulubi lang siya. Dahil na rin sa walang kapatid ang prinsesa ay gusto niya itong tulungan sa pamamagitan ng pagbibigay sa bata ng kukupkop sa kaniya. Isang pamilyang mamahalin siya at sama-sama, hindi katulad sa kaniya dahil nasa ibang kaharian ang kaniyang ama.
Alam ni Ayehster ang pakiramdam na walang nakakasamang magulang o ang kaniyang ama. Malungkot dahil malapit ito sa kaniya at madalas silang magkulitan. Sa kaniya naman kasing ina ay napakaistrikto nito pagdating sa prinsesa, ngunit ito rin naman ang makakabuti.
Mayroon lamang itinakdang araw ang maaring pagbisita niya sa kaharian ng kaniya amang hari sa Munehria. Ito ay kapag sumasapit ang bilog na buwan ng taon. Doon ay nakakamusta at kakasama niya lang si Harinig Moluchas.
Kumikirot ang puso niya dahil sa nakikitang sitwasyon ng bata sa lupa, kaya gagawin niya ang lahat upang matupad ang natatangi nitong kahilingan. Gusto niya itong mapuno ng pagmamahal at pag-aaruga sa kaniyang magiging pamilya.
“Vytariah, bilisan,” mahina pero may diin na ang boses ni Ayehster.
“Sandali lang, may mga kawal,” sagot naman ng kaniyang alalay habang lumulutang at nagtatago sa isang sulok.
Nang makalayo na ang mga kawal ay dahan-dahan muli silang nagpatuloy, hanggang sa makarating sila sa pinakatuktok ng kastilyo. Ang problema nga lang ay binabantayan rin ito ng dalawang kawal, na palinga-linga rin sa paligid. Nagkatinginan na lang silang dalawa dahil hindi na nila alam ang gagawin.
Hindi naman nagtagal ay napangisi na lang si Vytariah sa kaniyang prinsesa dahil mayroon na siyang naiisip na paraan upang makapasok sa loob. ‘Ang mahiwagang ideya!’ sa isip-isip niya pa at literal siyang kuminang.
Lumapit naman siya dito at saka bumulong sa tenga. Tumatalon-talon at tumatalbog-talbog pa ito na parang bola nang maibulong na niya ang kaniyang naisip. Malikot siyang umikot-ikot kay Ayehster sa nararamdamang kasiyahan dahil sa kaniyang matalas na pag-iisip. Mabuti na lang pala at maabilidad rin siya kagaya rin nang iba pang Dama dito sa palasyo. Lahat kasi sila at sinanay upang magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin. Ngunit naayon nga ba sa tungkulin niyang hayaan si Ayehster, na lumabag sa batas ng Astheria?
Ang naisip naman ni Vytariah at siya rin kay Ayehster. Wala rin naman naman kasi silang iba pang daan upang makapasok sa loob nang walang nakakakita at walang nasasaktan. Malalagot sila sa kaniyang ina kapag nangyari ang bagay na ‘yon.
“Lumapit ka sa akin,” utos pa ng prinsesa sa kaniyang alalay. Doon naman ay ipinikit niya ang kaniyang mata at inisip ang loob ng silid. Pagkamulat niya nito ay napasok na nila ito.
Sa oras na ‘yon ay ginamit ni Ayehster ang isa sa kaniyang kakayahan, ang mag-teleport sa gugustuhing puntahang lugar. Hindi naman gano’n kadaling gawin ‘yon dahil nakakaubos rin ng enerhiya. Kailangan munang ikondisyon ang katawan bago ito gamit, kung hindi ay makakaramdam ka ng kaunting pagkahilo.
Napahawak na lang siya sa kaniyang sintido dahil medyo gumagalaw ang kaniyang paligid. Naalala niyang wala pa siyang sapat na tulog at ginawa niya ang bagay na ‘yon. Inabuso niya ang kaniyang katawan kaya niya ito naramdaman.
Dahil naman sa nangyari ay biglang nag-anyong tao si Vytariah. Ang kaniyang itsura ay maliit pa rin at medyo tabain ang katawan pero cute ma cute itong tingnan. ‘Wag lang maliitin dahil kayang kaya niyang kumitil ng buhay sa isang galaw lang. Mabilis rin kasi itong gumalaw na parang isang kidlat.
“Ayos ka lang ba, mahal na prinsesa?” ang nag-aalalang tanong nito sa kaniyang alaga. Parang nagsisisi tuloy siya sa kaniyang naiisip. Sa huli ay hindi rin pala ‘yon mahiwagang ideya.
“Oo, ayos lang ako, Vytariah. ‘Wag kang mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko,” tugon naman ni Ayehster.
Naupo muna sila saglit upang maipahinga ni Ayehster ang kaniyang katawan bago nila gawin ang kanilang pakay. Ilang saglit lang rin naman ay ipinagpatuloy na nila ito. Dapat rin ay mabilis itong matapos at baka hanapin ulit sila sa ibaba.
Maya-maya pa ay binuksan na niya ang isang umiilaw na libro doon at binuo sa kaniyang isipan ang magiging resulta ng tutuparin niyang kahilingan. Sa isip niya ay makikita ang bata nang dalawang mayamang mag-asawa na hindi pa nabibiyayaan ng anak at kukupkupin nila ito. Doon ay magkakaroon ng mabubuting magulang ang bata, na siyang pupuno sa kaniya ng pag-aaruga at pagmamahal.
Napapangiti na lamang siya habang ginagawa ‘yon. Lumiwanag rin ang kaniyang mga kamay at saka idinikit ito sa libro upang mangyari ang kaniyang iniisip sa hinaharap. Nakakataba lang sa puso dahil may natulungan na naman siyang tao kahit na hindi pa ito ang tamang oras para doon.
“Nawa’y mahalin mo rin sila katulad nang pagmamahal nila sayo,” bulong pa niya nang nakangiti.
Sa pagkakataong ito ay tuwang tuwa naman si Vytariah na pinapanood ang kaniyang alagang prinsesa. Kay buti kasi ng puso nito kagaya ng kaniyang ina, ngunit kasing kulit rin naman ng kaniyang ama. Proud na proud siya dito kahit na may kaba siyang nararamdaman dahil sa kanilang ginawa.
Matapos ‘yon ay nagyakapan na lang silang dalawa. Lingid naman sa kanilang kaalaman, na dahil wala sa oras ang pagtupad ng hiling ay bumagsak ang isang bato mula sa itaas at naapektuhan nito ang isang bahagi ng kaharian. Maraming nasira dulot ng kanilang paglabag.
Gulat na lang silang napahiwalay sa isa’t isa nang biglang lumitaw ang Reyna Ariah sa kanilang harapan. Kalmado lang naman ang itsura nito at hindi halatang galit. Sa kaniyang isipan ay nararapat na nga talagang pagtandain ang kaniyang anak sa mga ginagawa nitong kalokohan, kasama na rin ang bituing yaya.
“I-Ina?” Bakas ang kaba at takot sa mukha ni Ayehster, pati na si Vytariah na ngayon ay nakatungo at nagtago sa likod ng kaniyang alaga.
“Tanggapin niyong dalawa ang kaparusahan!”