Third Person’s POV
Sa isang may kadilimang lugar ay makikita sina Ayehster at Vytariah na nakaluhod sa isang bilog na bagay, na puno ng mga maliliit at may katulisang mga bato. Gustuhin mang umiyak ng prinsesa dahil sa matinding sakit na dulot nito ay hindi rin niya magawa sapagkat alam, din niyang mayroon siyang pagkakamali. Titiisin na lamang niya ito dahil hindi rin siya nag-iisa.
Nakayuko na lamang siya habang nilalaro ang mga daliri at hindi makatingin sa kaniyang katabi, habang hinihintay nila ang kaniyang inang tumungon sa labas upang tingnan ay nangyaring pagbagsak ng ilang piraso ng monument. Ang bagay na iyon nasa itaas ng kanilang kaharian at kung masisira nga iyon ay malaki ang maipipinsala nito, lalo na sa mga Astherian.
Walang kumikob sa kanilang dalawa ni Vytariah, habang tahimik na lang siya napapadaing at napapapikit sa sakit ng kaniyang tuhod. Hindi niya alam kung paano siya magsisimulang magsalita o humingi ng tawad sa kaniyang bituing yaya. Palihim na lang niya itong tinitingnan dahil nag-aalala din siya sa nararamdaman nito.
Isa ang kaniyang dama sa mga pinapahalagaan niya sa buhay, kaya gano’n na lamag ang nararamdaman niya dito. Kasa-kasama na niya ito simula pa noong isilang siya at ni minsa’y hindi pa siya nito ipinapahamak. Kaya naman ay nahihiya siya ngayon dito dahil sa katigasan ng kaniyang ulo.
Kung tutuusin ay kasalanan niya ang lahat ng ito, kaya hindi na dapat naririto pa ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi na rin naman nagtagal ay nagsimula na rin siyang magsalita.
“Pasensya ka na, Vytariah, kung idinamay pa kita dito. Maaari mo na akong iwa dito dahil ako naman talaga ang may kasalanan,” paghingi pa niya ng paumanhin sa kaawa-awang tingnan na babae.
“Mahal kong prinsesa, ayos lamang iyon. Nangyari na ang nangyari at saka may kasalanan din naman ako sapagkat hindi kita pinagbawalan. Desisyon kong tulungan ka sa mga kagustuhan. Bilang dama ay responsibilidad ko ding samahan ka sa anumang bagay,” sagot nama nito habang sumisinghot at halatang umiiyak. Mas lalo namang bumigat ang nararamdaman ng prinsesa nang mapagtantong umiiyak ito.
“Hindi, Vytariah, kasalanan ko pa rin ito at aakuin ko ang lahat ng parusang ipapataw sa atin,” sumbat niya sa isinagot nito.
Doon ay mahigpit siyang napayakap dito kahit na mahirap man iyong gawin sa kanilang sitwasyon. Gano’n na lamang silang mapadaing sa sakit nang biglaan silang kumalas sa isa’t-isa, dahil sa nakakagulat na pagbukas ng malaking pinto.
Sa biglang pagbukas ng pintuang iyon ay iniluwa nito ang kaniyang inang reyna, kasama ang tatlo nitong dama. Mababakas sa mukha nito ang labis na pagkadismaya at galit, na siyang ikinabilis nang pagtibok ng kanilang puso. Iba kung magalit ang reyna at kinakatakutan ito ng lahat sa buong kaharian.
Tumayo ito sa kanilang harapan ngunit wala silang lakas ng loob na tingnan ang mukha nito.
“Nasira ang malaking kaldera ng monument dahil sa ginawa niyo at bumagsak ang piraso nito sa ilang parte ng kaharian. May ilang Astherian ang nasugatan at kasalukuyana na silang ngayong ginagamot. Maraming pananim ang at bahay ang nasira, pati na ang tubig na damat ay napupunta sa mga pananim ay nakarating na sa ilang mga bagay. ALAM NIYO BA KUNG GAANO KALALA ANG RESULTA NG PAGLABAG NITO?!” mula sa walang kaemo-emosyong boses ng reyna at napalitan ito ng galit nang sumigaw ito sa kanilang harapan.
Napalunok na lang si Ayehster, dahil sa mga narinig at sa nakakatkot na boses ng ina. Sanay man siyang mapagalitan dito ngunit ibang-iba ang nangyayari ngayon. Sa mga narinig mula dito ay alam niyang malaki nga ang naipinsala nila sa mga kapwa Astherian. Hindi naman maiwasan ni Vytariah, na ‘di manginig sa nararamdamang kaba at takot. Pati ang tatlo pang mga dama ng reyna, na sina Gyeh, Lyih at Pam, ay hindi rin maiwasang mapaigtad sa pagkagulat.
“Ikaw, Ayehster! Prinsesa ka ngnunit anong ginawa mo? Isang kahihiyan hindi lang sa’yo ang lahat ng iyon dahil mas lalo na ako! Ina mo ako pero hindi mo magawang sundin! Ano bang pagkukulang ko sa’yo, anak?” mababakas naman ngayon sa boses ng reyna ang lungkot. Maluha-luha na rin ito habang binibitawan ang mga salitang iyon.
“Hindi ka nagkulang sa pagpapalaki sa akin, ina. Sadyang naawa lang ako sa batang kapareha ko ng sitwasyon. Sa batang walang makasamang mga magulang, na katulad ko ay walang amang laging sumusuporta sa kaniya,” biglang sagot ni Ayehster sa kaniyang ina, habang unti-unting dumausdos pababa ang kaniyang mga luha.
Natahimik ang lahat dahil sa sinabi niya. Mula pagkabata ay gustong-gusto na niyang makapiling nang matagal ang ama sapagkat masayang-masaya siyang kasama ito, at higit sa lahat ay ang makitang mayroon siya kompleto at sama-samng pamilya, katulad ng mga nakikita niya sa iba. Ngunit kahit na gano’n ay pilit niyang inintindi ang lahat sa kabila ng kanilang sitwasyon.
“Hindi ko ginustong maging prinsesa, ina, dahil ang tangin kagustuhan ko lamang ay makitang magkakasama tayo nang ama hari. Pero inaamin kong malaki ang pagkakasala ko, bilang sutil na prinsesa at anak mo. Buong puso kong tatanggapin ang mga parusang ipapataw mo sa akin,” aniya pa at hindi na nga napigilan pa ang sariling mapaiyak nang husto. Naramdaman na lang niya ang kamay ni Vytariah, na humihimas sa kaniyang likuran.
Sa pagkakataong iyon ay hindi nakakibo ang reyna. Hindi niya lubos akalain na susumbatan siya nga kaniyang anak at hindi lang ito basta-basta at mabibigas ang bawat salitang binitawan nito. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa kaniyang prinsesa, na siyang dahilan ding nang pagtulo ng kaniyang mga luha. Parang may kumurot sa kaniyang puso kung kaya’t bigla niya itong naramdaman.
Alam at nakikita niya lahat ng iyon sa paglaki ni Ayehster, ngunit hindi niya inaasahan gagawa ito ng mabuting pagkakamali dahil sa kaniyang pananabik na magkasama-sama silang pamilya. Doon ay napagtanto niya kung gaano kasakit sa pakiramdam ng kaniyang anak. Sising-sisi siya mga binitawan niya sa anak ngnit wala nang mangyayari pa. Kapag galit ka nga naman ay hindi mo maiiwasang makapanakit ng damdamin.
Hindi alam ng reyna ang gagawin ngunit nahanap na lang niya ang sarili sa bagkunahe ng palasyon, habang humihingal dahil sa pagtakbo at umiiyak. Hindi na niya napigilan ang sarili sa tindi ng galit na kaniyang naramdaman kanina. Hindi na niya inisip pa ang mga salitang dumurog sa puso ng kaniyang anak.
“Patawarin mo ako, Ayehster, mahal ko.” Naikuyom na lamang niya sa dalawang kamay sa kaniyang dibdib.
MULA pa rin naman sa silid kung saan naroroon ang prinsesa at ang kaniyang bituing yaya kanina, ay pinapatahan na siya nito habang nakaupo na sila sa mahabang upuan, sa gilid lamang niyon. Mahigpit pa ding nakayakap ni Vytariah sa kaniya at tinatapik-tapik ang kaniyang likod.
“Tahan na, mahal kong prinsesa.” Pinunas ni Vytariah ang pisngi ni Ayehster, gamit ang kaniyang hinlalaki.
“Patwarin mo ako. Dahil sa akin, nadamay ka pa. Tunay nga iyong sinabi ni inang kahihiyan lang ako,” humihikbing paghingi naman ulit ng tawad nito. Hindi mawala sa kaniya isipan ang sinabi ng kaniyang ina, na kinakikirot naman ng kaniyang puso.
“Hindi iyon totoo at alam kong hindi iyon sinasadyang sabihin ng ina mo. Maaaring nadala lamang siya sa galit na nararamdaman niya, kaya niya nasabi mga iyon. Intindihin na lamng natin siya, mahal kong Ayehster.” agpapaliwanag naman ng bituing yaya. Wala naman ibanag magawa ang kaniyang alaga kung hindi ang umiyak na lamang dahil sa sakit na nararamdaman.
Maya-maya pa ay natagpuan na lang niya ang kaniyang sarili sa hardin ng palasyo. Ang hardin na ito ay sadyang ginagawa para sa kaniya at ng kaniyang ina. Ipinagawa ito ni Haring Moluchas, nang ikasala sila ni Reyna Ariah. Nagsisilbi itong alaal sa kaniyang pag-iisang dibdib at ang kanilang supling na siyang tinaguriang pinakamalaking bituin sa langit.
Punong-puno ng mga makukulat na bulaklak ang hardin na ito ang mga halamang sa Astheria mo lang makikita. Mayroon din itong mga bangang gawa sa ginto at ang pigura nilang tatlo sa may fountain sa gitna ng lugar.
Habang naglalakad sila sa pasilyo nito ay nahahapawak na lang si Ayehster sa mga bulaklak. Dito na lamang niya itinuon ang sarili at magpaaliw sa mga makukulay na mga rosas. Oo, rosas ang paborito niyang bulaklak sa lahat dahil hindi lang ito mabango, bagkus nakapatamis pang tingnan.
Mabuti na lang at dito siya naisipang dalhin ni Vytariah, at alam na alam talaga nito kung paano siya libangin at pasayahin. Malaki ang pagpapasalamat niya dahil sa mayroon siyang masiyahin, maunawain at mabait na kaibigang katulad niya. Para kasi kay Ayehster ay hindi lang ito basta-basta sa kaniya dahil pamilya na rin ang turing niya sa kaniyang bituing yaya.
“Maraming salamat sa’yo, Vytariah, dahil patuloy ka pa ding nagtitiwala sa akin kahit na may katigasan ang ulo ko,” ani Ayehster nang maupo sila sa harapan ng fountain.
“Dahil mahal kita, Ayehster, patuloy akong maniniwala sa’yo at tungkulin kong manatili sa tabi mo kahit mag-asawa ka pa. Magkadugtong na ang buhay na natin at patuloy natin iyong pagsasaluhang dalawa ngayon at walang hanggan.” puno ng puso ang mga isinagot ni Vytariah.
Kasing tamis ng mga rosas ang nginit ni Ayehster nang marinig ang mga salitang iyon. “Maramig salamat sa pagtayo bilang ama ko sa loob at labas ng palasyo, habang nasa ibang kaharian ang aking tunay na ama.”