Third Person’s POV
Mabilis na lumipas ang gabing iyon na siyang kanilang araw. Sa pagbalik naman ni Ayehster sa palasyon ay dumiretso na ito sa kaniyang kwarto upang matulog na agad dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Inaya pa siya ni Vytariah na kumain ngunit tumanggi siya dito sapagkat wala siyang gana at magpahinga na lamang. Dahil sa sinabi naman ng prinsesa ay tumuloy na rin ang bituing yaya sa silid ng mga dama at doon ay naabutan niya ang tatlong kaibigang dama ng reyna.
“Ayos ka lang ba, Vytariah?” tanong ni Pam nang makitang pumasok ang kaibigan.
“Nagamot na ba ang mga tuhod mo? Masakit pa ba?” sumunod namang ani Lyih, habang si Gyeh ay yumakap lang sa kaniya. Doon na siya napaiyak nang marinig ang pag-aalala ng mga ito sa kaniya.
Iginayan nila ang kaibigan paupo sa kama at doon ay pinakalma nila ito. Maaaring hindi nila ito kasama sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa ngunit lagi naman nila itong tinitingnan kung may pagkakataon. Wala din naman ibang magtutulungan kundi sila lamang.
“Gyeh, Lyih at Pam, alam niyo, naaawa talaga ako sa prinsesang alaga ko. Narinig niyo naman siguro iyong mga sinabi niya kanina ‘di ba? Tapos, kaninang nasa hardin kami ay nagpasalamat siya sa akin dahil ako daw ang tumatayong ama niya, habang ang hari ay nasa Muneriah.”mahaba at malungkot na pagpapaliwanag ni Vytariah sa mga kaibigan. Malungkot lang din namang nakikinig ang mga ito sa kaniya.
“Nararamdaman din namin ang nararamdaman mo, kaibigan. Bilang kami din ay hindi namin makausap palagi ang aming mga ama, na siya ding gano’n sa’yo,” pahayag naman ni Gyeh.
Oo, malimit din nilang makasama ang kaniyang pamilya sapagkat mayroon silang tungkulin na dapat magampanan nang mabuti sa palasyo, gayundin ang iba. Nais man nilang makasama ang mga ito ngunit hindi maaari dahil wala silang bakanteng oras. Tanging sa pagtatapos lang ng buwan sila pupwedeng makalabas ng palasyo at makasama ang mga minamahal sa buhay, dahil dito lamang bimibilog ang buwan at nagbibigay ito ng malakas na liwanag sa mundong mortal. Nangyayari iyon isang beses sa isang buwan at pagkaraan ng dalawam’put siyam na araw. Suma-total ay mayroon lamang silang labin’ dalawang araw na mabisita ang mga minamahal.
“Nakikita din namin iyon sa prinsesa, Vytariah, pati na rin ang Reyna Ariah, sapagkat palagi niyang tinitingnan ang anak sa pagtulog nito sa gabi. Ina din siya, kaya alam kong alam nito ang lahat,” sambit naman ni Lyih at muling yumakap sa kaparehong dama.
Matapos iyon ay ginamot nila ang sugatang tuhod ng kaibigan, ngunit nakalimutan nilang mayroon itong kakayahang paghilumin ang kaniyang mga sugat. Natawa na lang sila nang gabing iyon bago mapagdesisyonang matulog.
PAGKALIPAS ng oras nang pagpapahinga ay maaga din silang bumangon. Sapagkat gabi ng mga mortal ang kaniyang oras sa pagtatrabaho ay palubog pa lang ang araw ngunit makikita mo nang mayroong magngilan-ngilang bituin sa langit. Ito ay ang mga ilaw ng landas, na siyang isa sa mga sumisimbolo sa kaharian ng Astheria. Ngunit marami sa kaniya ang naapektuhan sa nangyaring pagbagsak ng kaldera ng monument, kung kaya’t hindi sila nakapaghanda sa pagsapit ng gabi ng mga tao.
Hindi pa man bumabangon ang prinsesa ay biglang dumating ang mga pinuno ng tatlong pamilya sa palasyo at sinasabi nilang dapat panagutin ang sinumang nagkasala sa nangyari kahapon. Hindi nila alam na ang kanilang prinsesa ang puno’t dula ng lahat ng ito. Walang pasabi silang pumasok sa silid kung saan nakaupo sa kaniyang trono ang reyna at doon ay inilabas nila ang mga hinanaing.
“Paumanhin kung kami’y mangangambala sa iyong maganda umaga, mahal na reyna, ngunit naparito kami upang palabasin ang sinumang nagdala ng malaking problema sa ating kaharian! Maraming naapektohan lalo na sa angkan ko,” magalang ngunit may diin ang bawat salita ng isang may katandaang lalaking nagngangalang Leonsito, ang ama ni Lyih. Ang pangalan niya ay nagmula sa Leo, na konstelasyon ng mga bituin.
“Gano’n ang isinadya ko dito, mahal na reyna. Maraming tagapagbantay ang nasugatan dahil sa nangyari kahapon,” ani naman ng matikas na lalaking pinuno ng mga guwardiya sa Astheria. Siya ay si Grego, ang ama ni Gyeh. Ang pangalan niya ay nagmula sa Gemini na konstelasyon ng mga tala.
“Marami ding naapektuhan ng mga pananim lalo na ang tubig na kumalat na sa ilang mga kabahayan, mahal na reyna,” dugtong pa ng ama ni Pam na si Picaso, ang pinuno ng mga magsasaka. Ang kaniyang pangalan ay nagmula sa mga konstelasyong Pisces at Aquarius.
Sa pagkakataong iyon ay hindi nakapagsalita agad ang reyna. Napahinto na lamang siya sa kaniyang ginagawa nang marinig ang mga iyon at bigla niyang naalala ang anak. Sa kabila ng lahat ng iyon ay napagpasyahan pa rin ng reyna na sabihin ang kaniyang anak ang nagkasala. Labag man sa kaniyang kalooban na gawi nito ngunit wala siyang magagawa dahil ito din naman ang katotohan at nararapat niyang pamunuhan nang pantay-pantay ang kaniyang mamamayan.
“Kung anuman ang ipapataw niyong kaparusahan sa aking anak ay buong puso ko iyon tatanggapin. Nagkasala siya, kaya nararapat lang na siya’y patawan ng kaparusahan. Mga pinuno, ibinigay ko na sainyo ang desisyon ko,” sagot ng reyna sa kaniyang mga kagalang-galang na mga pinuno ng kaharian.
Hindi makapaniwala ang tatlo sa narinig at sa nalamang ang prinsesa, ang dahilan sa lahat ng nangyari. Dahil naman sa ibinigay na nito sa kanila ang desisyon ay nag-usap na silang tatlo, hanngang sa makabuo sila ng kaparusahan kay Ayehster. Matapang muli nilang hinarap ang reyna at sinabi sa harap nito ang kanilang napag-usapan.
“Mahal na reyna Ariah, alam naming masakit sainyon ang lahat ng ito ngunit napag-isipan namin palabasin ang prinsesa sa palasyo at tumulong sa amin. Bilang respeto sainyo, sa magiting na haring Moluchas at sa prinsesa ay hindi namin siya pahihirapan at pababayaan sa pagtatrabaho doon. Hinihingi po namin ang inyong basbas sa desisyong ito,” anang pinunong guwardiya habang nakayuko at nakaluhod ang kaliwanag paa at gano’n din naman ang dalawa niyang kasama.
Walang nagawa ang reyna kundi pahintulutan ang ninanais ng tatlo kahit na mahirap ito para sa kaniya. Alam niya hindi kaya ni Ayehster ang mga mabibigat na trabahong katulad niyon dahil hindi pa siya sinasanay, kaya gano’n na lamang siya malungkot sa mangyayari sa anak. Napatingin na lang siya sa itaas at nanalangin sa bathala.
Labin’ anim na taong gulang pa lamang si Ayehster ngayon at sa pagtuntong pa niya sa labin’ walo siya kailangan isanay sa lahat ng bagay, isa na dito ang pakikipagdigma upang maipagtanggol ang pinakamamahal na kaharian. Doon pa lang mahuhubog ang tunay na siya ngunit alam niyang matapang ang kaniyang anak na prinsesa. Hindi basta-basta sumusuko ang anak ng isang Astherian.
SAMANTALA, pagkagising naman ni Ayehster ay sinalubon na siya nang masayahing mukha at matatamis na ngiti ni Vytariah, napangiti na lang din siya nang makita ito.
“Magandang umaga, magandang prinsesa!” bungad sa kaniya nito.
“Maganda umaga din sa’yo, Vytariah,” pagbati naman niya dito pabalik.
Nang bumangon siya ay nakita niya ang mga nakahandang pagkain sa maliit na mesa, na nasa harap lang mismo ng kaniyang kama. Ambrosia ang tawag sa pagkaing kinakain niya, na siya ding tawag sa pagkain ng mga Roman Gods. Hindi din naman nagtagal ay kumain na din siya dahil nararamdaman na niya ang labis na pagkagutom, sapagkat hindi siya kumain ng isang kainan.
Mabilis din siyang kumain habang nasa kaniyang tabi lang naman si Vytariah at masaya siyang tinitingnan, pero kahit na gano’n ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mag-alala sa kaniyang nalaman. Pagkagising niya kabalik kasi ni Gyeh, Lyih at Pam sa kanilang silid ay doon niya nalaman ang hindi magandang balita. Hinihiling kasing lumabas sa plasyo ang prinsesa at tumulong ito sa mga Astherian, hanggang sa maayos ang lahat.
Habang iniisip naman niya iyon ay hindi niya napansing nakatingi na pala sa kaniya si Ayehster, kaya napatanong ito.
“May problema ba, Vytariah?” anito nang masilayang hindi siya mapakali.
“A-Ah, ayos lang naman ako, mahal na prin-“
Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nito ang reyna. Bahagyan naman itong huminto sa kaniyang tapat ngunit hindi sa kaniya nakatuon ang mata nito at tanging sa bintana lamang.
“Pinalabas ka ng tatlong pinuno dito sa palasyo upang tumulong sa ating mga nasasakupan, hanggang sa maayos ang lahat,” pagsingit ng reyna sa kanilang dalawa.
Dahil sa narinig ay natahimik silang dalawa. Gayunpaman, hindi na nagulat pa si Ayehster nang marinig ito mula sa kaniyang ina, dahil inaasahan na niya ang kaparusahang ipapataw sa kaniya. Tanging pagpikit na lamang sa kaniyang kinatatayuan at paghinga nang malalim ang kaniyang nagawa.
“Nauunawan ko po, mahal na reyna,” aniya sa malumanay at magalang na tono. Pero habang binibigkas niya ito ay hindi niya namalayang kusang tumulo ang kaniyang mga luha.
“Patawarin mo ako, Ayehster, anak ko. Hindi nagmula sa akin ang kaparusahan mong ito, kundi ay galing sa tatlong pinuno. Hindi ko rin intensyong saktan ang damdamin mo, sa mga nasabi ko sa’yo, aking anak. Humuhingi ako ng kapatawaran sa lahat,” paghingi naman ng paumanhin ng kaniyang ina nang makalapit ito sa kaniya. Niyakap din siya ito nang mahigpit at hinalikan ang kaniyang noo.
“Patawarin niyo rin po ako sa mga nasabi ko, ina,” sagot naman niya.
“Hindi, anak. Mas higit kitang nauuwaan sapagkat malayo ang iyon ama at alam kong lahi mo itong hinahanap-hanap sa iyong tabi,” ani pa ng reyna.
Naiiyak na lang din si Vytariah habang pinapanood niya ang mag-ina. ‘Alam kong isa kang mabuting ina, reyna Ariah,’ sa isip-isip niya.
LUMIPAS ang ilang sandali at nakapaghanda na si Ayehster ng kaniyang mga kakailangan sa paglabas sa palasyo, upang tumulong doon. Sasamahan naman siya ni Vytariah doon kaya hindi panatag na ang loob niya. Kasalanan niya ito, kaya dapat lang na pagbayaran niya. Hindi na rin nagtagal ay sumakay na sila sa karwahe at lumabas ng palasyo, papunta sa isang maliit na bahay na pansamantala nilang titirhan.